𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐𝟐

434 26 0
                                    

BUMABA NG SASAKYAN SI ALLIE.

"This is where live before." aniya nang pagmasdan ang dating lugar na pinagtayuan ng dating bahay na ngayon ay isa na lamang empty lot,maliban sa punong kahoy na nakatayo parin sa dating garden.

"I think this is the perfect gate para makatawid sa kabilang mundo." ani Maia nang kunin mula sa kaniya ang kaniyang bag.

"Are you sure?" tanong niya.

"I'm not that strong, but yes i'm sure."

Humakbang sila papasok sa property, kasunod si Zenda.

Tumayo sila sa tapat ng malaking puno ng akasya.

"Are we going inside the tree?" tanong niya.

Naalala niya lang ang mga fairytales about engkanto na sa puno raw sila nakatira.

Maybe ganun din sila Maia.

"No Allie." ani Maia.

Nakita niyang pumikit si Maia at nilagay ang palad sa puno.

Ilang sandali lang, biglang may nabuong tila crystal ball sa harapan nila na kasing laki rin ng punong nakikita nila.

"Once you step inside the ball, we will be at the other side after few seconds Allie." ani Maia.

"Mawawala ba agad ang ball na to pagkapasok natin?" tanong niya.

"Hindi. It will last for few more minutes." sagot nito.

Tumango siya.

Iniabot nito ang kamay.

"Hold my hand if you are scared." anito.

She is indeed scared.

Tinanggap niya ang naka offer nitong palad at inalalayan siya nitong humakbang papasok sa crystal ball bago ito sumunod.

"Nasasabik na akong makitang muli ang pamilya ko." ani Zenda nang sumunod sa kanila.

This is it, naisip ni Allie.

Wala nang bawian pa.

"I'm sorry Mom,Dad. I'm sorry Maricar." aniya sa isipan habang iniisip ang mga magulang at kapatid.

Hindi niya maimagine gaano masasaktan ang mga magulang oras na malamang wala na siya.

Si Maricar ,hindi man lang niya nayakap ang kapatid.

Ngunit kapag nakita na niyang nasasaktan ang mga ito, alam niyang magbabago ang desisyon niya.

And she can't do that.

She need to do this.

Mari____.

"Allie!"

Yun ang huli niyang narinig bago tila may kung anong pwersa ang tumulak sa kaniya.

Napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Maia.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Onde as histórias ganham vida. Descobre agora