𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑𝟖

355 23 0
                                    


✦✧✧ KINGDOM OF KIMR ✧✧✦

NAPATINGALA SI ALLIE SA mataas na gate na nakapalibot sa mga nagtataasang gusali

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

NAPATINGALA SI ALLIE SA mataas na gate na nakapalibot sa mga nagtataasang gusali.

"Kailangan nating iwan ang sasakyan sa labas ng gate." ani Rollieh nang makababa  na silang lahat.

Maia let her use her cloak to conceal her identity. Not many women will look like her.

"San tayo mag uumpisang maghanap?" tanong ni Maia sa mga kasama.

"Magtanong tayo." ani Zen.

Naglakad sila, blending with the people.

Nakikita ni Allie ang mga iba't ibang uri ng nilalang.

May mga bampirang naghahalikan sa tabi ng daan. May mga ordinaryo kung tingnan kapag nakatalikod, ngunit iba kapag nakaharap.

Hindi umaalis sa tabi niya si Maia. Lagi itong handa para proteksyunan siya.

Isang driver ang napagtanungan ni Rollieh.

Hindi mahirap hanapin ang club na pagmamay ari nang mayamang merchant.

Nang makarating sa isang gusali ,gustong masuka ni Allie nang makita ang isang nilalang na may kinakagat na buhay na hayop.

Agad niyang itinago ang mukha sa dibdib ni Maia nang mapatingin ito sa dako niya.

Pumasok sila sa loob ng nasabing club.

Puno ng tawanan ng mga costumers ang loob. Mga babaeng nakahubad ang palakad lakad sa loob habang nagbibigay ng mga inumin sa mga lalaki.

Naupo sila sa pinakasulok para hindi masyadong mapansin ng iba.

Naghiyawan ang lahat nang bumukas ang kurtina sa stage.

"Whats going on?" bulong niya kay Maia.

"I think may show sila." sagot nitong pabulong rin.

Pumagitna ang isang lalaking malaki ang tiyan.

"Ladies and gentlemen, excited na ba kayo?" tanong nito.

Hiyawan uli.

"Lord Colton will be with us again to give us a show we all love to watch."

Hiyawan uli.

May umakyat sa stage. Isang lalaki, may hawak na latigo at kasunod nito ay isang babaeng lampas beywang ang buhok. Nakatakip lamang ng manipis na tela ang maseselang bahagi ng katawan nito. Nakakadena ang mga paa at kamay.

"Merideth!" bulalas ni Maia nang makilala ang babae.

"Anong gagawin nila sa kaniya?" tanong ni Zen.

Hiyawan uli ang lahat nang makita si Merideth.

Tinanggal nang lalaking may hawak na latigo ang mga kadena sa kamay ng babae.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Onde histórias criam vida. Descubra agora