𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟓𝟒

218 11 0
                                    

"Goddess Iona, please help us."

Merideth prayed for Kim.

Her friend is not moving at all.

The madman suddenly stop cutting Kim's skin.

Napatingin si Merideth dito, nagtataka.

Parang may humila sa kanilang kinaroroonan papunta sa kung saan.

Or kung sino.

One second they were just outside the Kingdom of Kimr. The next second they were miles away from that place. They were now in front of Princess Alessandra.

"Meri, are you okay?" tanong nito agad nang makita siya.

"Si Kim, she's not okay. Please help her Princess." pagmamakaawa ni  Merideth.

Sa isang pitik lang ng daliri ni Allie, natanggal na ang tali sa mga paa at kamay ni Merideth.

"Don't move!" utos niya sa lalaking hindi makagalaw maliban sa mga matang nakasunod sa bawat galaw ni Allie. Ganun rin ang kasama nito.

"Kim?" tawag ni Allie sa pangalan nito.

Biglang dumating sa tabi niya si Zen, kasunod si Maia.

"Allie, how did you__?"

"Maia, help me with Kim first. She is not breathing."

Agad sumunod si Maia.

Ibinaba nila sa damuhan ang katawan ni Kim. Idinikit niya ang palad sa mukha nitong puno ng sugat.

She healed her wounds, sa buong katawan nito.

Dumating rin ang iba pang mga kasama.

"Kim?" hagulhol ni Tam nang makita ang kalagayan ng kaibigan.

"Allie, will she be okay?" worried na tanong ni Rainier.

"She is not breathing." mahinang sagot ni Maia.

Parang the flash na kinagat ni Zen ang leeg ng isa sa kumidnap sa dalawa.

"Zen, stop!"

Biglang natigil sa pag ubos sa dugo ng lalaki si Zen sa lakas at makapagyarihang utos ni Allie.

Tumayo si Allie at nilapitan ang lalaking kinagat nito sa leeg.

Wala na itong buhay.

Sa natira pang lalaki dumako ang kaniyang matalas na tingin.

Para itong estatwa na nakatayo lamang sa isang tabi habang nakamasid sa kanila.

Nagtatanong ang mga matang nakatitig sa kaniya.

"You don't deserve to die." puno nang galit at poot ang bawat salita ni Alessandra.

Biglang hinawakan ni Maia ang kamay niya.

"Allie, don't."

Natatakot siya na baka mawala na naman sa sarili si Allie kapag magpapadala ito sa galit. Lalamunin ito ng guilt kapag may gagawin itong hindi maganda sa iba.

"He deserve to feel the pain na ipinaranas niya kay Kim."

"I know, but don't kill him. I don't want to see you suffer too."

Lumingon si Allie kay Maia. Naintindihan niya ang ibig nitong sabihin.

"I know. Don't worry, kaya kong kontrolin ang sarili ko." aniya rito.

Naniwala si Maia rito. Binitawan niya ang kamay nito.

Humakbang si Allie palapit sa lalaki.

Hinawakan niya ito sa balikat.

At kitang kita niya kung paano gumamit ng lason ang mga ito para patayin lahat ng mga faeries. Kitang kita niya kung sino ang may utos sa mga ito.

"Princcess Alessandra, please help Kim."

Lumingon si Allie sa kinaroroonan ng mga kasama.

Nagmamakaaawa sa kaniya si Merideth.

Lumapit siya sa mga ito para icheck ang kalagayan ni Kim.

Naghilom na ang mga sugat nito pero hindi parin ito gumagalaw. Humihinga ito, ngunit halos hindi na niya marinig ang pulso nito.

"She's dying." malungkot niyang balita.

"No, Kim. Oh my God, Kim." hagulhol ni Tam.

Niyakap ni Merideth ang katawan ni Kim. Inalala ang mga sandaling kasama ito. Ang mga pag aalaga sa kaniya ng babae kahit na hindi sila nagkakilala ng matagal.

Nasasaktan siya para sa babaeng nagpakita sa kaniya ng pagmamahal sa kabila ng pagkakaiba nila ng mundong pinanggalingan.

"Princess, can you help me?" tanong niya sa kaharap na prinsesa.

Napakunot noo si Allie.

"Bring back my memories please. It's the only way to help Kim now."

"Meri, no." tutol agad ni Maia. Alam niya ang ibig sabihin nito.

"I will trade my life for her. Help me Princess, please."

Tumingin si Allie sa mga mukha nang mga nasa paligid.

Hindi maaaring mamatay si Kim. Paano nila ipapaliwanag sa pamilya nito ang biglang pagkamatay pagkatapos nitong mawala sa mundong pinagmulan?

Hindi niya rin mapapatawad ang sarili kung tuluyang mawala si Kim. Kasalanan niya lahat dahil siya ang nagdala sa mga ito rito.

Ipinatong niya ang palad sa noo ni Merideth. Ibinalik niya rito ang mga alaala nitong binura niya sa isipan nito.

And that was when Merideth start melting.

Napaatras si Allie.

Nanlaki ang mga mata ng mga kasamahan.

"Whats happening?!" gulat na tanong ni Maricar.

Pagkalipas ng ilang minuto, nawala ng tuluyan si Merideth. Naiwan si Kim sa damuhan, kasama ang butil ng luha sa dibdib nito na naging isang perlas.

Kasunod non ang dahan dahang pagmulat ni Kim ng kaniyang mga mata.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon