𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟑

860 37 3
                                    

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.




























NASA harap ng hapag kainan ang pamilya Ocampo.

Tahimik na kumakain ang bawat isa nang magsalita ang padre de pamilya.

"This weekend, aalis kami nh Mommy niyo."

"Aalis kayo? Saan?" tanong agad ni Maricar, pilit itinatago ang excitement.

"Sa Bacolod. May titingnan kaming resort doon. Babalik kami by Tuesday dahil holiday naman sa monday. Then pag uusapan natin ang tungkol sa debut party niyo."

"Kaya ini expect namin ng Daddy ninyo na magbi behave kayo habang wala kami. Nandiyan sina Yaya Margie at Mang Leo para bantayan kayo. Napagsabihan ko na rin si Mang Leo na huwag kayong payagang pumunta kung saan saan." anang ina saka tumingin kay Maricar.

"I trust your sister but how about you?" anito sa anak.

Sumimangot agad si Maricar.

"Iisa lang ba ang puede niyong pagkatiwalaan? Halata namang hindi kami magkapatid ni Allie eh. Ako lang ang an___."

"Stop it Maricar!" madiing wika ng ama bago pa matapos sa pagsasalita.

Hinawakan ni Mrs. Ocampo ang kamay ni Allie at mariing pinisil.

Ngumiti si Allie sa ina bilang sagot.

Kahit sabihin pa ng ina na anak siya ng mga ito, na kapatid at kakambal niya si Maricar, deep inside, alam niyang hindi iyon totoo.

Matagal na niyang alam na hindi siya kaano ano ng mga ito.

Hinahayaan niya lang na paniwalain rin ang sarili na anak siya ng mag asawa dahil ayaw niyang mag isip ng kung anu ano ang ina.

Ngunit alam niya na hindi siya isang Ocampo.

Pagkatapos ng kanilang hapunan, tumulong si Allie sa pagliligpit ng pinagkainan. Gawaing hindi niya isinasantabi. Kaya nga kasundong kasundo niya ang katulong nila at si Yaya Margie.

Ipinagtimpla niya rin ng kape ang mga magulang na nasa sala. Gawaing nakasanayan na niya mula pagkabata.

Si Maricar ay tiyak na nasa harap na ng laptop nito sa itaas.

Nakinood siya ng news sa tv, habang humihigop ng mainit na gatas. Tapos na siya sa mga homeworks niya kaya wala na siyang dapat alalahanin pa about school.

"Tapos na ang mga homeworks mo?" tanong ng ama.

"Tapos na po Dad." sagot niya.

"You are very diligent student anak. And i'm so proud of you. Maiba ako,kumusta naman ang yoga class niyo ng Mommy mo?"

Sabay silang natawa na mag ina.

"Oh sweetheart, it was so fun." anang ina.

Last week kasi ay naisipan ng ina itry ang yoga dahil nadadagdagan na ang timbang nito.

"Bumigat na nga si Mommy Dad, dahil hindi niya kayang itaas ang isang binti niya." natatawang kwento ni Allie.

Natawa rin ang ama.

"More effort sweetheart." anito sa ina.

"Bakit, kung sakali bang hindi na uli ako sumeksi,ipagpapalit mo na ako sa iba?" tanong ng ina ngunit wala naman sa tono nito ang pagtatampo.

Ngunit tumayo si Mr. Ocampo at tumabi sa asawa at hinalikan ito sa labi.

"Of course not sweetheart. Kahit ano pa ang magiging mukha mo, or hugis ng katawan mo, wala akong pakialam. Mahal kita, wala ng iba."

Napangiti naman si Allie.

Kapag ganitong naglalambingan na ang mga magulang niya, lalong nadadagdagan ang pagmamahal at respeto niya sa mga ito.

Naisip niya rin na sana, pagdating ng araw, isang mabait at mapagmahal na lalaki ang darating sa buhay niya katulad ng ama.

Ngunit hindi pa ngayon.

Saka na kapag nakapagtapos na siya ng pag aaral. Uunahin niya muna ang obligasyon sa mga magulang, ang matupad ang pangarap ng mga ito na maging isa siyang doktor.

Na imposibleng makamit ng kapatid na si Maricar.

Bukod sa mahina ito sa klase, mahilig pa sa barkada at gimik.

Alam niyang masama ang loob ng mga magulang ngunit wala ring magagawa ang mga ito.

Masakit rin para kay Maricar na sa kaniya naibuhos ng parents nila ang buong tiwala ng mga ito sa lahat ng bagay.

Na sa kanilang magkapatid, si Maricar lamang ang tunay na anak ng mga ito.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Donde viven las historias. Descúbrelo ahora