𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟓𝟎

233 11 0
                                    

BIGLANG huminto ang sasakyan.

"What happened!?" tanong ni Maia kay Rollieh.

"May nakaharang sa kalsada." sagot nito.

Bumaba si Rollieh, sumunod rin si Maia.

"What the f*ck!"

Narinig niyang mura ng lalaki bago ito biglang atakihin nang hindi nakikilalang babae. Mabuti at agad nakailag si Rollieh bago pa tumama ang hawak nitong faerie dust.

Nakakalason sa isipan ang faerie dust kapag nakalanghap ka nito.

Agad nagtakip ng ilong si Maia para hindi makalanghap.

Aatake sana uli ang babae ngunit inunahan na ito ni Maia.

Gamit ang kamay, pinalo niya ito sa batok. Agad itong nawalan ng malay.

"Shit!" mura uli ni Rollieh nang makitang marami ang nagtatakbuhan palapit  sa kanila.

"Why are they attacking us?" gulat na tanong ni Maia.

"We need to leave now!"

Sumenyas sila sa sasakyan sa likod na pinagmaneho ni Zen at pagkatapos ay dali dali silang sumakay muli sa sasakyan.

"What's going on?" tanong ni Maricar.

Nasa boses ang takot at pangamba.

"We don't know yet. But we need to leave now before they can attack us again."

"Why are they attacking us?" tanong ni Jhosieh.

Biglang may mga kamay na nasa bintana.

"Go! Go! Go!" sigaw ni Maia.

Nanginginig na sa takot si Maricar.

"Sshhh, calm down." si Rainier, na pilit pinapakalma ang dalaga kahit na siya rin ay natatakot sa mga nangyayari.

Paglingon nila, nagulat pa sila nang makitang hinahabol pa sila ng mga faeries.

Good thing they can't fly anymore.

"I think they're not in their right minds." ani Jhosieh.

"I think so too. But why?" si Rollieh.

"Hindi ko rin alam. But first, we need to find Princess Alessandra." sagot ni Maia.

And they need to find Allie as soon as possible. They are not safe here anymore.

But what if may masamang nangyari kay Allie? Paano kung napahamak siya sa kamay ng mga faerie?

No, ayaw niyang mag isip ng masama.

Allie is safe.

She need to be safe.



*✿❀𖤍❀✿*

Nakarating sila sa tabing dagat.

But there was no sign of Alessandra.

"I still can't connect to her." puno nang pag-alala si Maia.

"We can't leave until we find her." ani Zen na kanina pa hinalugad ang buong tabing dagat para hanapin si Allie.

Ngunit bigo silang mahanap ang prinsesa.

Umiiyak na si Maricar.

"Bumalik tayo sa hotel. Baka bumalik don si Allie." suggestion ni Rainier.

"It's dangerous to go back there. Hindi natin alam kung anong naghihintay sa atin sa daan." sagot ni Jhosieh.

"Allie!" biglang sigaw ni Maia, frustrated.

Nagsunuran rin ang mga kasama sa pagsigaw sa pangalan nito.

Allie can hear their thoughts. If she is safe, she also can hear their voices.

"Allie!"

"Princess Alessandra!"

"Allie!"

Faeries don't like to stay sa tabing dagat. Kaya wala silang nakikitang tahanan malapit sa dalampasigan.

Wala silang puedeng pagtanungan.

"Allie!"

Gusto na ring umiyak ni Maia. Pinipilit niya lang huwag panghinaan ng lakas ng loob.

"Merideth, where are you going?"

Napatingin sila kay Kim, at sinundan nang tingin si Merideth na papunta sa tubig.

Lumingon sa kanila ang babae.

"I will try the ocean." sagot nito.

Nang nasa tubig na ito, bigla itong nagbagong anyo. Naging buntot ang mga paa.

Sumisid ito sa tubig at maya maya lang ay wala na ito sa kanilang paningin.

"Posible bang mahanap niya si Allie?" tanong ni Maricar.

"Kailangan nating magdasal na sana nga posible." sagot ni Maia.

Naghintay sila.

Makalipas ang isang oras, bigla silang napatingin sa dagat.

"The water snake!" bulalas ni Tam na unang nakakita sa kulay berdeng water snake na papalapit sa dalampasigan.

Katabi nitong lumalangoy si Merideth.

At nang nasa harap na nila ang higanteng ahas, nagulat sila nang makita si Allie na nakahiga sa malaki nitong ulo.

Tinulungan ni Kim at Lloyd si Merideth na makaahon mula sa tubig.

"I found her!" anito bago ibinaba ng water snake ang ulo nito sa buhangin para matulungan nilang ibaba si Allie.

"Allie?" tawag ni Maia rito nang nasa mga braso niya ito.

But Allie wasn't breathing at all!


𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now