SAKSI ANG ARAW AT ANG BUWAN SA PAGMAMAHALAN NATING DALAWA

68 1 0
                                    

SAKSI ANG BUWAN AT ANG ARAW SA PAGMAMAHAL NATING DALAWA
📝: pinkishrose02 × Mia G.

Minsan sa buhay natin, darating ang isang tao na hindi natin inaasahang magbibigay kulay sa madilim nating mundo.

Likas ang pagiging tahimik sa dalagang si Mia, oo nga't nanggaling siya sa marangyang pamilya na kilala sa kanilang Bayan ay hindi lubos ang kaniyang kasiyahan, pakiramdam niya ay laging may kulang.

Hanggang sa isang araw, napadaan siya sa Simbahan. Napatigil siya saglit at naisipan na pumasok sa loob. Naupo siya sa mahabang upuan na malapit sa pintuan at diretso ang matang tumingin sa altar.

Hanggang sa maging kagawian na ni Mia ang pagdaan sa Simbahan tuwing hapon. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na may isang binata na madalas nakakapansin sa kaniya hindi lamang sa madalas niyang pagsisimba, kundi sa pagiging tahimik at mahinhin nito.

Habang taimtim na nagdarasal si Mia at nakapikit ang mata ay tinabihan siya ng binata, walang pasubalit itong nagtanong kung anong pangalan niya at kung bakit madalas itong tahimik.

Napadilat ng mata ang dalaga dahil sa boses ng lalake na narinig niya, lumingon siya sa kaniyang kanan ang nakita ang lalakeng nakangiti sa kaniya.

Ang buong akala ng dalaga ay 'yun na ang una't huli nilang pagkikita ng binata. Ngunit nagkamali siya, dahil magmula ng madalas siyang nakikita ng binata sa Simbahan ay napapadalas narin ang pagsisimba nito masilayan lamang siya.

Lumipas pa ang mga araw ay namuo ang pagkakabigan sa pagitan nilang dalawa, na hindi kalaunan ay humantong sa pag-iibigan.

“Aakyat ako ng ligaw, patutunayan ko sa'yo at sa mga magulang mo na malinis ang aking hangarin. Ang nais ko lamang ay makasama ka hanggang sa aking huling hininga,” wika ng binata hawak ang magkabilang kamay ng dalawa habang nasa loob sila ng Simbahan.

Agad naman binawe ng dalaga ang kaniyang kamay habang hindi alam ang kaniyang isasagot sa binata. Mahal niya narin ito ngunit natatakot sa posibleng gamin ng kaniyang Ama sa oras na malamang may binatang nais umakyat ng ligaw sa kaniya.

“Hindi maaari, Sammuel!” pagtutol ni Mia na labis ipinagtaka ng binata.“Hindi ka maaaring magpakita sa aking ama, sa aking ina o sa kahit na sinong nakakakilala sa akin at sa pamilya ko. Dahil tiyak akong sasaktan ka lamang ng aking Ama,” naluluhang wika ni Mia.

“Kaya kong ipaglaban ang pag-ibig ko sa'yo Binibini,” wika ni Sammuel na punong-puno ng sinsiredad.

Nang mga sumunod na araw ay nagpadala ng liham ang dalaga para sa binata, ngunit patago lamang ito dahil hindi pwedeng may makaalam na may iba siyang napupusuan at hindi ang lalakeng nakatakda para sa kaniya.

Nang mga sumunod pang araw ay muli silang palihim na nagkita sa Simabahan. At nang gabing iyon, saksi ang maliwanag na buwan sa kalangitan ay ipinagtapat ng dalaga na sinisinta narin niya ang binatang si Sammuel. Sa sobrang galak ay agad na niyakap ng binata ang dalagang si Mia.

Ang Simbahang iyon ang naging tagpuan nilang dalawa tuwing hapon, dahil 'yun ang oras na wala ang kaniyang Ama na may mataas na katungkulan sa kanilang bayan.

Ngunit isang gabi, nang umuwe siya sa kanilang tahanan ay naabutan niyang nakaabang sa pintuan ang kaniyang ama.

“Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang?” malumanay ngunit seryosong tanong ng ama kay Mia.

Nangangatal naman ang labi ng dalaga dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya.“S-Sa Simbaha---” Hindi na niya natapos ang sasabihin ng sumigaw ito.

“Simbahan?! Alam mo ba kung anong oras na?!” singhal ng kaniyang ama.“Sa oras na gabihin ka ulit, magpapaimbestiga na ako kung sino ang kinakatagpo ko sa Simbahan ng San Lorenzo,” banta ng ama bago siya nito talikuran.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now