I FELL IN LOVE WITH MY NEIGHBOR

81 7 0
                                    

“I FELL IN LOVE WITH MY NEIGHBOR”

Bagong lipat lang ako sa isang condo unit dito sa Makati. At dahil bagong lipat ako, binabati ko talaga lahat ng makakasalubong 'ko.

Lahat naman sila ay ngumingiti sakin. Friendly kasi akong tao. Kahit hindi ko kilala basta magtama ang paningin namin ay nginingitian ko talaga.

Naglalakad na ako sa pasilyo patungo sa unit ko ng masalubong ko ang isang lalake na may katangaran, matipuno ang pangangatawan, mapungay ang mata, matangos ang ilong, maputi at kissable lips. Kaya napatigil ako sa paghakbang at hindi maipasan na mapatitig sakanya.

“H-Hi.” nauutal ko pang bati sakanya. Pero imbes na ngumiti siya sakin tulad ng ibang binabati ko ay hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa lampasan niya na ako.

Kaya agad ko siyang nilingon pero hindi ko na siya nakita. Maaaring pumasok sa isa mga pintuan sa pasilyong 'to.

Kaya naman tumuloy narin ako sa paglalakad hanggang sa makapasok na ako sa unit ko.

——

*Video Call*

“Kamusta ka naman d'yan sa bagong unit mo? Ok ba?” tanong sakin ni Ally.

“Ok naman. Maganda.” sagot ko.

“Aba, dapat lang. Ang mahal ng bili mo ng isa unit d'yan. Kamusta naman kapitbahay mo d'yan? Kilala kita, napaka friendly mo. Hindi ba nila inisip na nasisiraan kana ng bait kapag binabati mo sila kahit hindi mo sila kilala?” nakangising tanong sakin ni Ally.

“Hindi naman. Yun nga lang, yung isang lalake na nakasalubong ko kanina. Gwapo sana eh, kaso parang ang sungit. Nag hi lang naman ako eh.” pagki-kwento ko.

“Pagpasensyahan mo na Xyrille. May mga tao talaga na hindi mo pwedeng batiin ng basta basta. Sila yung serious type of person.” paliwanag ni Ally.

“Pasalamat nga siya. Isang tulad ko ang bumati sakanya. Kung hindi niya naitatanong, dami kaya lalakeng nagkakagusto sakin.” pagyayabang ko at napailing na lamang si Ally na natatawa sakin.

——

Pasado alas-onse na ng gabi pero hindi parin ako makatulog. Kaya naisipan ko tumambay sa balcony ng unit ko, kahit puro nagtataasang building lang naman ang makikita ko.

Pabalik narin sana ako sa loob ng mapansin ko ang lalakeng nakasalubong ko kanina. Halos magkadikit lang pala ang balcony namin.

Nakatingala siya na animoy kinakausap ang mga bituin sa kalangitan.

“Hi, ako si Xyrille. Bagong lipat lang, ikaw? Anong pangalan mo? Matagal kana ba dito?” nakangiting tanong ko.

At agad siyang tumingin sakin. What the----ang gwapo talaga.

“Ako ba ang kinakausap mo?” seryosong tanong niya.

“May iba pa ba?” sarcastic kong pagkakasabi kaya tumingin siya sakin ng seryoso.

“Biro lang, ito naman. Siyempre ikaw.” biro ko.

Hindi siya kumibo at agad ng pumasok sa unit niya.

“Hoy teka lang, kinakausap pa kita!” sigaw ko.

“Tsk. Gwapo sana, pero parang pinaglihi sa sama ng loob.” sarcastic kong pagkakasabi at agad narin akong pumasok sa loob ng silid ko.

——

Kinabukasan, sa hindi inaasahan pagkakataon ay nakasabay ko si Mr. Sungit sa elevator habang pababa sa first floor mula sa 10th floor. Kaming dalawa lang ang nandoon, kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin siya.

“Kagabi, kinakausap pa kita bigla kana lang pumasok sa unit mo. Ayaw mo ba akong kausap?” tanong ko.

Agad naman siya tumingin ng seryoso sakin.

“At sino naman ang gaganahan na makipag usap sa'yo? Kababaeng mong tao, ang ingay mo.” seryoso niyang pagkakasabi dahilan upang hindi agad ako makapagsalita.

“Ganyan ka ba talaga sa lahat ng taong nakakasalubong mo? Binabati mo kahit hindi mo kilala.” dagdag niya pa.

“Eh sa friendly ako eh, bak----”

“Nilalagay sa tamang lugar ang pagiging palakaibigan. Hindi lahat ng tao dapat pinagkakatiwalaan mo. Yan ang laging tatandaan mo.” seryosong niyang pagkakasabi at ng bumukas ang pintuan ng elevator sa 5th floor ay agad na siyang lumabas habang ako ay naiwan na nakatulala.

Masyado yatang malalim ang hugot ng lalakeng yun. May pinagdaraanan ba yun? Baka naman iniwan ng jowa niya. Sa gwapo niyang yun?

——

Tila nakasanayan ko na ang pag uugali ng masungit kong kapitbahay. Kaya naman naisipan ko na tigilan na ang pagpapapansin sakanya. Baka kasi mahalata niya na habang tumatagal ay nagkakagusto na ako sakanya.

Hanggang sa isang gabi, muli kaming nagkasalubong sa pasilyo. Hindi ko na siya pinansin dahil batid kong magsusungit naman siya sakin. Nakalampas na ako sakanya ng magsalita siya kaya agad ako napatigil sa paghakbang at nilingon siya.

“Maulan sa labas, wala ka man lang dalang payong o jacket.” seryoso niyang pagkakasabi habang nakatingin sakin.

Hindi ko inakala na magiging concern siya sakin.

“Ito payong, gamitin mo muna para hindi ka mabasa ng ulan.” seryoso niyang pagkakasabi saka inabot sakin ang payong, tila nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba yun o hindi. Pero kinuha niya ang isang kamay ko saka nilapag sa palad ko ang payong.

Nananatili naman ako na nakatitig sakanya. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi kiligin.

Akala ko, sa payong na matatapos ang lahat. Pero agad niyang hinubad ang suot niyang suit at saka ito ipinatong sa balikat ko.

“S-salamat.” nauutal ko pang pagkakasabi habang nakatitig sakanya at nagpipigil ng kilig.

At sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pag guhit ng matamis na ngiti sa labi niya.

Matapos no'n ay agad narin siyang naglakad patungo sa unit niya. Habang ako ay nananatiling nakatayo sa pasilyo.

——

Kinabukasan na ako ng umaga nakauwe, sa bahay kasi ng bestfriend kong si Ally ako natulog.

Nakangiti akong hawak ang suit at payong na pinahiram sakin ni Mr. Sungit, isasauli ko na kasi sakanya.

Pag tapat sa unit niya ay agad ako nag doorbell pero ang tagal bago buksan. Hanggang sa maka anim na doorbell na ako.

Ilang saglit pa. Mula sa isang unit ay may matandang lalakeng lumabas.

“Walang nakatira d'yan iha.” seryosong pagkakasabi ng matandang lalake.

“Po? Ah meron po, ang totoo po niyan. Isasauli ko nga po itong pinahiram niya sakin na payong at suit kagabi.” nakangising pagkakasabi ko.

Agad naman napailing ang matanda.

“Halos sampong taon ng walang nakatira sa unit na yan. Matapos na matagpuan na wala ng buhay yung binata sa kotse niya. Kaya imposible ang sinasabi mo na, pinahiram ka ng payong ng nakatira d'yan. Dahil matagal ng patay ang nakatira d'yan.” paliwang ng matandang lalake.

Halos humigpit ang pagkakahawak ko sa suit at payong habang umaagos ang luha sa mata ko.

Nang oras din na yun ay pinakita sakin ng matandang lalake ang litrato ng dating nakatira sa unit na yun. At nakompirma kong siya nga yon.

Ayon sa matanda, pinatay si Carl ng itinuring niyang malapit na kaibigan dahil sa matinding inggit at selos.

Kaya siguro ganun na lang ang bilin niya sakin ng makasabay ko siya sa elevator. Ngunit ang pinagtataka ko lang, bakit siya nagpakita sakin. Marahil ay upang balaan ako na hindi ako matulad sa nangyari sakanya.

Dahil sa nalaman ko ay minabuti kong ibenta ang unit ko at umalis nalang. Hindi dahil sa natatakot ako, kundi dahil ayaw ko lang saktan yung sarili ko. Dahil hanggat nandoon ako nakatira ay patuloy ko lang maaalala si Carl.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now