LOST IN ISLAND

46 2 0
                                    

“LOST IN ISLAND”

Hampas ng alon at huni ng mga ibon sa umaga ang siyang gumigising sakin. Samantalang, tunog ng kuliglig naman at ang liwanag na nanggagaling sa buwan ang naririnig at nakikita ko sa pag kagat ng dilim. Ganun ang palagi kong naririnig at nasisilayan sa nakalipas na dalawangpung taon.

Maaga akong gumigising upang maghanap ng bungang kahoy at manghuli ng isda na siyang panlaman sa aking gutom na sikmura. Palaging ganun ang aking ginagawa sa loob ng nakalipas na dalawangpung taon (20years).

Humaba at namuti narin ang balbas ko at ang dating buhok sa ulo. Ang dating matipuno kong pangangatawan ay nawala na.

Halos dalawangpung taon narin ang nakakalipas mula ng mag crash ang private plane na sinasakyan ko. At heto ako ngayon, pinagmamasdan ang malawak at asul na karagatan.

Tila nawalan na ako ng pag-asa na makakabalik pa ako sa pamilya ko. Sigurado akong inakala narin nilang patay na ako, dahil sa mahabang panahon na hindi nila ako nahanap.

Ilang beses ko sinubukan na makaalis sa islang ito, ngunit ako'y bigo. Tila dito narin ako mamamatay.

Tuwing gabi, nakakaririnig ako ng tunog ng tambol mula sa kabilang isla. Ayaw kong subukan na tunguhin yun dahil nababalot ako ng takot. Baka kasi kung anong meron sa isla na yun na lalo ko pang ikapahamak. Nakapanood kasi ako ng isang movie noon tungkol sa mga tribo na nangangalaga sa mga isla, at hindi kaaya-aya ang ginawa nila sa sino man na hindi taga doon na susubok na pasukin sila.

Hanggang sa isang araw, isang bola ng pang volleyball ang gumulong sa paanan ko.

Nagtataka man ay agad ko pinulot ang bolang yun at inalam kung saan ito nagmula. Nakakunot ang noo ko na naglalakad patungo kung saan, bahala na kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.

“Pero saan nga ba 'to nanggaling? At bakit magkakaroon ng isang bola ng volleyball dito?” nagtatakang tanong ko sa aking sarili.

Sa paglalakad ko ay natanaw ko ang isang malaking animoy tipak ng bato. Halos matulala ako matapos kong mabasa ang nakasulat 'La Verde Beach Resort'.

Beach resort...
Beach resort..
Beach resort...
B-E-A-C-H  R-E-S-O-R-T R-E-S-O-R-T

“Tangina....” sambit ko sa sarili ko sabay hawak sa ulo ko.

“Ayan na pala 'yung bola eh. Naku kuya, maraming salamat po ah.” nakangising saad ng isang maputing babae na naka-suot ng swimsuit saka kinuha ang bola sa kanang kamay ko. Habang ako ay halos nakatutula parin.

Hindi ko maware ang aking mararamdaman. Inilibot ko pa ang tingin ko, nakita ko ang mga bata, matanda gayundin ang ilang mga kabataan na nagtatampisaw sa asul na dagat. Ang iba naman ay naglalakad lang sa dalampasigan at gumagawa ng sand castle.

Napaluhod na lamang ako habang nakatingin sa'kin ang mga taong dumaraan sa harapan 'ko.

Dalawangpung taon akong namalagi sa isang isla, wala akong kamalay-malay na BEACH RESORT pala ang nasa kabilang ibayo ng isla.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now