STAY ALIVE (a Zombie Apocalypse story)

54 4 0
                                    

Naalimpungatan ako mula sa aking pagkakatulog ng makarinig ako ng ingay sa labas ng bahay. Bumangon ako at bumaba sa aking kama pagkatapos ay dumungaw ako sa bintana, nakita ko ang mga batang naglalaro at naghahabulan isa na dito ang bunso kong kapatid na si Tanya.

“Zombie ako kakainin ko kayo.” animoy nananakot na saad ng isa sa mga batang kalaro ni Tanya.

“Hindi mo kami makakain!” sigaw ni Tanya sabay takbo kasama pa ng ibang bata sabay tili.

Napailing na lamang ako.

“Oh Nathalie gising kana agad?” pagtataka ni Mama ng pumasok siya sa silid ko na may dalang laundry basket.

“Hindi ako makatulog ng maayos sa ingay ng mga bata, Ma.“ saad ko saka ako naupo sa gilid ng kama ko.

“Sasawayin ko nalang, sige na matulog kana anak. At mamaya gabi, papasok kana naman sa trabaho mo. Kung bakit kasi hindi kana lang humanap ng ibang trabaho, mataas nga ang sweldo mo magkakasakit ka naman dahil sa madalas na kulang ka sa tulog.” concern na saad ni Mama habang nilalagay sa basket ang uniporme kong hinubad kanina.

“Ma, alam mo naman na matagal ko ng gusto maging call center agent diba? at ngayon na nagwo-work na ako bilang call center, ngayon pa ba ako susuko sa trabaho ko?” mahinahon lamang na paliwanag ko.

“Basta lagi mong aalagaan ang sarili mo anak. Kayong dalawa nalang ng kapatid mo ang siyang natitira sakin buhay ng pumanaw ang inyong ama. At ayaw kong pati kayo ni Tanya ay mawala rin sakin.” saad ni Mama habang hinahaplos ang ulo ko.

“Hindi naman po ako mawawala sa'yo Ma, hindi kami mawawala ni Tanya sa'yo. Pangako 'yan.” nakangiting saad ko at saka ko niyakap ang aking mahal na ina.

——

“Ate painom tubig.” humahangos na saad ng kapatid kong si Tanya ng makita niya akong nakaupo sa sala at nanonood ng TV. Hindi na kasi ako makatulog, Tuesday naman bukas rest day ko.

“Sa kusina.” saad ko.

“Hinihingal ako.“ aniya.

“Mag ala-kabayo ka ba naman kakatakbo sinong hindi hihingalin?” sermon ko, lagi akong may katabing tumblr dahil mahilig ako sa tubig kaya 'yun nalang ang inabot ko kay Tanya at halos maubos niya ang tubig na laman nito.“Feel better?” agad naman tumango si Tanya.

“Naglaro kami kanina Ate, Zombie-Zombie.” medyo humahangos pang saad ni Tanya.

“Oh tapos? kinain ka?”

“Siyempre hindi Ate, magaling kaya akong magtago saka mabilis akong tumakbo.” pagbibida niya.

“Talaga ba?”

“Opo Ate.”

“Hmmm payakap nga si Ate kahit amoy araw ka. Maligo ka mamaya ah.” saad ko at saka ko inakap si Tanya at kiniliti ito sa tagiliran at leeg humagikhik naman agad ng tawa ang kapatid ko.

“Ayaw ko na Ate..Ayaw ko na.” natatawa niyang saad habang kinikiliti ko siya.

The next day...

Pasado alas-otso na ng umaga ng makapag out ako sa trabaho ko. Ngayon ay naglalakad na ako sa gilid ng kalsada patungo sa terminal ng Jeep. Excited akong makauwe dahil sweldo ko ngayon, iti-treat ko na naman sila mama sa fast-food-chain na paborito ni Tanya.

Habang naglalakad ako, napansin ko ang natatarantang mga tao sa unahan na nagtatakbuhan taliwas sa direksyon ko.

“Anong meron?” labis na pagtataka ko sa aking sarili at napatigil narin ako sa unahan. Ilang saglit pa, nakarinig naman ako ng malakas na pagsabog mula sa aking likuran at dahil sa pagkabigla ay napahawak ako sa aking magkabilang tenga saka ako napaupo at agad na lumingon sa likod ko. Nakita kong nilalamon na ng apoy ang isang kotse matapos itong bumangga sa poste.

“Aray!” reaction ko ng masagi ako ng mga natatarantang nagtatakbuhan sa  magkakaibang direksyon. Tinulungan kong makatayo ang sarili ko saka ko pinagpagan ang damit ko.

Halos mapaawang ang aking labi at mamilog ang aking mata sa nakita ko ng iangat ko na ang aking ulo.

May mga tila halimaw na hayok sa laman ng buhay na tao at kung sinong madaanan nito ay walang ligtas. At ang lubos na nakakalibot ay imbes na mamatay ang nabiktima nito ay nagiging katulad lamang din nila ito na siya naman nangbibiktima sa iba pa.

Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakakilos paanong nagkatotoo ang mga pinapalabas sa TV. Paanong nagkatotoo ang mga Zombie?

Naramdaman ko na lamang ang hindi pamilya na kamay na siyang humila sakin upang makalayo. Tumatakbo ako ngayon ng walang direksyon.

Agad kaming nagtungo sa ground floor ng isang gusali. May mga tao din doon na abala sa pagtawag sa kani-kanilang kaanak at mahal sa buhay.

Nanginginig parin ang kamay ko at nangangatal parin ang aking labi habang iniisip ang nakita ko kanina.

“Miss ayos ka lang?” tanong sakin ng lalakeng estranghero nasa harapan ko. Siya din ang siyang humila sakin kanina.

“A-Anong uri ng halimaw ang mga 'yun. Z-Zombie ba 'yun?”

“Sa tingin ko, mga Zombie nga sila. Mga halimaw na walang kamatayan.” saad ng estranghero.

“I need to go home. I need to see my family.” saad ko ng mabalikan na ako ng ulirat. At saka akma na akong lalabas sa ground floor ng pigilan ako ng lalake.

“You can't go outside. Masyado na silang marami sa labas. Kung gusto mong makita ang pamilya mo, you must stay alive!”

Hindi ako makampante, gusto kong puntahan sila Tanya at si Mama gusto kong siguraduhin ang kaligtasan nila. Hindi ako mapapanatag sa ganitong klaseng sitwasyon lalo na kung wala ang pamilya ko sa aking tabi.

Kaya nang makalingat ang lalakeng estranghero ay agad akong tumakbo palabas. Napatakip ako ng aking ilong dahil sa nakakasulasok na amoy at masusuka ka talaga. Nagkalat ang mga dugo sa kalsada at mga laman loob ng tao.

Nakaramdam ako ng panghihina dahil sa mga nakita ko. Ngunit kailangan ko magpakatatag para sa aking ina at kapatid. May nakita akong bicycle na nakasandal sa gilid, ginamit ko 'yun upang mabilis na makarating ako sa bahay, mas ok din kung magba-bike ako dahil makadaan ako sa mga eskinita upang makapag-short cut.

Pawis na pawis na ako sa pagbibisiklita ko, habang maraming naglalaro sa isipan ko. Malapit na ako sa bahay, ng mapatigil ako.

Nakita ko ang mag-ina na tila wala sa sarili habang gula-gulanit ang damit nito at nakalaylay din ang kabilang braso ng ina, habang bata naman ay wakwak ang pisngi.

May kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking dibdib, kasabay nito ay ang pagpatak ng aking luha.

Nahuli ako, nahuli akong protektahan ang dalawang taong especial sa buhay ko, ang aking ina at ang kapatid na si Tanya ay isa narin sa kanila.

Napalingon ako sa gilid ko, nakita ko ang isang Zombie na patungo na sa direksyon ko.

Ipinikit ko na lamang ang aking mata. Habang unti-unting nagbabalik sa aking alaala ang mga panahong hindi pa nababalot ng takot ang lahat, mga panahong buhay pa ang mahal ko sa buhay at ang panahon kung saan ang Zombie ay makikita lamang sa movies, teleserye, pictures or online games.

Naramdaman ko ang mainit na likidong dumampi sa pisngi ko. Habang hinihintay ang aking katapusan.

“Ok Cut!” sigaw ng direktor saka ako nagdilat ng aking mata.“Mahusay, Ashley!” masayang saad ng direktor at saka ako nila pinalakpakan. Nakita ko rin na nag thumbs-up sakin ang ilang staff, nginitian ko naman sila. Habang masaya kong kinawayan ang mga extra sa movie na 'to, ang mga gumanap na Zombie.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now