11:11

78 5 0
                                    

“11:11”

“Bakit gising ka pa?” agad na tanong ko kay Cindy ng maabutan ko siyang wala sa Hospital Bed niya at nakadungaw lang sa bintana.

May malubhang sakit si Cindy, kung saan unti unti pinapahina ng sakit niya ang immune system niya.

“Iniintay ko pa kasi mag 11:11.” sagot niya habang nakadungaw parin sa bintana at binabantayan ang oras sa cellphone niya.

“Ganitong oras dapat tulog kana, paano ka gagaling niyan kung lagi ka nagpupuyat.” sermon ko.

Pero hindi na siya nagsalita pa. Hanggang sa...

“11:11, sana gumaling na ako. Sana humaba pa yung buhay ko. Para makasama ko pa ng matagal ang mga taong nagmamahal sakin.” nakapikit na pagkakasabi ni Cindy.

Kaagad naman ako lumapit sakanya at saka siya niyakap mula sa likod.

“Vincent, hindi mo naman kailangan maghirap sa pag aalaga sakin eh. Parehas naman nating alam na wala ng lunas sa sakit ko. Parehas natin alam na ano man oras ay mawawala rin ako dito sa mundo. Kaya hindi mo na kailangan magpakapagod sa pag aalaga sakin.” seryosong pagkakasabi ni Cindy ng humarap siya sakin.

“Wag ka magsalita ng ganyan, para saan pa at naging boyfriend mo 'ko, kung iiwanan din naman kita sa ganitong sitwasyon. Ngayon mo 'ko mas higit na kailangan Cindy, kaya kahit anong mangyari hindi kita iiwan.” seryosong pagkakasabi ko habang nakatitig sa mga mata ni Cindy.

Since grade school ay crush ko na si Cindy, hanggang sa mag High School kami. Nang maka-graduate kami sa High School ay saka ko siya niligawan, College na kami ng sinagot niya ako. At 5years and still counting na nga kaming magka-relasyon.

Last year lang ng matuklasan namin ang sakit niya, madalas kasi siya nahihilo at dumudugo ang ilong.

Hanggang sa mapag desisyonan ng family niya na i-comfine na siya sa Hospital. Nag volunteer naman ako na ako na ang mag-aalaga kay Cindy.

Mahal na mahal ko si Cindy, hindi ko talaga kakayanin kapag nawala siya sakin.

“Pag namatay ako, gusto ko maging isang bituin na nag niningning sa kalangitan. Para kapag namimiss mo 'ko, titingala ka lang at makikita mo na 'ko.” nakangiting pagkakasabi ni Cindy habang nakasandal sa balikat ko.

Kaagad ko naman hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

“Hindi ka magiging bituin, dahil hindi kana man mamamatay. Magpapakasal pa tayo diba? Bubuo pa tayo ng masayang pamilya. Mag ta-travel pa tayo sa iba't ibang bansa.” saad ko habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.

Kaagad naman tumingin sakin si Cindy at hinaplos ang mukha ko.

“Kapag nawala na 'ko, wag mo isasara ang puso mo sa iba. Wag mong hayaan na makulong sa isang kahapon. Mag move on ka at buksan muli ang puso mo. Magmahal ka ulit Vincent.” nakangiting pagkakasabi ni Cindy.

Kaagad ko naman hinawakan ang kamay niya na kanina ay hinahaplos niya sa mukha ko.

“Hindi, wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang. Kung talagang kukunin kana ni God sakin, hindi ako magmamahal ng iba. Dahil mas gusto ko pa makulong sa isang kahapon kung ikaw naman ang kasama ko, kaysa ang mag move on pero hindi na ikaw ang kasama ko.” seryosong pagkakasabi ko at agad na niyakap si Cindy.

Pasado alas-dose na ng makatulog si Cindy, hindi ako nakatulog dahil mas gusto kong pagmasdan lamang siya habang natutulog.

Around 11AM ng magising siya, mahaba ang tulog niya dahil sa gamot na iniinum niya.

“Good Morning.” nakangiting bati niya sakin.

“How's your sleep?” tanong ko at agad ako naupo sa tabi niya.

“Ok lang, ikaw? Hindi kana naman ba nakatulog sa kakabantay sakin?” malumanay na tanong niya.

11:03AM

Ngumiti lang ako sakanya saka kinuha ang kanang kamay niya saka sinuot ang singsing.

“Para saan 'to?” pagtataka niya.

Agad ako ngumiti at pinakita ang kaliwang kamay ko na may singsing din.

“Couple ring natin.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Couple ring?” pag uulit niya.

“Oo, habang suot natin ang mga singsing na 'to nangangahulugan lang na walang makakapaghiwalay satin, ikaw at ako lang para sa isa't isa.” nakangiting pagkakasabi ko.

11:05AM

Kaagad naman niya pinagmasdan ang singsing na suot niya saka tinapat sa kamay ko pagkatapos ay ngumiti siya sakin.

“I love you.” nakangiting pagkakasabi niya.

“I love you more.” saad ko saka siya hinagkan sa noo.

11:07AM

Kaagad sumandal si Cindy sa balikat ko at hinawakan ko naman ang kamay niya.

“Kapag gumaling kana, pupunta tayo sa mga bansang matagal mo ng gustong puntahan. Mag ha-hiking tayo, diba matagal mo ng gustong gawin natin yun? Pupunta tayo sa Disney Land at doon tayo magce-celebrate ng 6th Anniversary natin. Basta ipangako mo lang na magpapagaling ka Cindy. Wag mo 'ko iiwan, mahal na mahal kita.” salaysay ko.

11:08AM

Napansin ko na tila hindi na sumasagot si Cindy sakin, inakala ko na tulog lang siya.

Pero ng tignan ko ang mukha niya, parang hindi lang siya basta natutulog.

Pinipigilan ko bumagsak ang mga luha ko ng mga sandaling yun.

Kaagad ako tumawag ng Doctor.

Ilang beses nirevive si Cindy.

Pero...

“Time of death 11:11AM.” saad ng Doctor.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng mga sandaling yun.

Napaupo naman ako sa sahig dahil sobrang nanglambot ang mga tuhod ko.

[8months later]

“11:11, I wish you were here. Happy 6th Anniversary mahal ko.” nakangiting pagkakasabi ko habang pinagmamasdan ang makinang na bituin sa kalangitan.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now