TWIN SISTER

83 4 0
                                    

“TWIN SISTER”

—EUNICE POV—

“Eunice, nakita mo ba yung favorite dress ko?” malumanay na tanong sakin ng kambal kong si Janice.

“Hindi.” seryosong sagot ko.

“Nasaan na ba kasi yun? Dito ko lang naman nilagay yun eh.” iritableng saad ni Janice.

“Bakit mo kasi hindi gamitin yung mata mo para makita mo.” mataray na pagkakasabi ko.

“Oh, nag aaway na naman ba kayong magkapatid?” sabat ni Mommy na kararating lang.

“Eh ito kasing si Janice eh, sakin tinatanong kong nasaan yung dress niya eh siya lang naman nakakaalam ng mga gamit niya.” inis na pagkakasabi ko.

“Janice, anak. Baka naman nasa Closet mo? Tignan mo muna. At ikaw naman Eunice, pwede ba maging pasensyosa ka naman sa kapatid. Kayo nalang magkapatid nag aaway pa kayo.” mahinanon na pagkakasabi ni Mommy at hindi na lamang ako kumibo.

Ilang saglit pa ay lumabas narin si Mommy ng kwarto namin ni Janice.

“Ibang dress nalang kasi suotin mo. Kung hindi mo mahanap yung favorite dreas mo.” saad ko kay Janice.

“Hindi pwede, regalo pa sakin yun ni Ian.” sagot ni Janice.

“Ikaw bahala.” tipid na pagkakasabi ko saka lumabas ng kwarto.

——

Kambal man kaming maituturing ni Janice pero naiinis ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit, kahit wala naman siyang ginagawa sakin na masama.

At mas lalong lumalim ang galit ko sa kambal ko ng mabalitaan ko na boyfriend na niya ang high school crush kong si Ian.

Nauna kaming maging magkaibigan ni Ian noong 2nd year high school palang kami. Mabait, matalino, gentleman at gwapo kaya naman hindi na nakakapagtaka na nahulog ako sakanya.

That time, masyadong mahiyain si Janice. Wala siyang ibang kaibigan maliban sakin.

Kaya naman agad kong pinakilala si Ian kay Janice. At nakakatuwa dahil mabilis silang nagkapalayagan ng loob.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. May nakapagsabi nalang sakin na nanliligaw na si Ian kay Janice.

Hanggang sa maka-graduate na kami ng College, at naging sila na nga.

Identical twin kami ni Janice. Sobrang magkamukha na magkamukha na kami. Parehas din kaming maputi, may sexy na pangangatawan at matangkad.

Kaya naman madalas na napagkakamalan ng ibang relatives namin maging si mommy na ako si Janice, at si Eunice naman ay ako.

Kaya naman nag decide si Mommy na ang isa samin ay magpagupit ng buhok para hindi narin nakakalito.

Ang pinagkaiba lang naman namin ni Janice ay mahinhin at mabait siya. Samantalang ako ay may pagka mataray. Isa pa, may allergies ako sa mga bulaklak. Yun na naman ang wala kay Janice.

Kaya kapag nalilito ang yaya namin sa aming dalawa ni Janice ay pinapaamoy niya kami ng bulaklak. Kung sino ang babahin, yun ay ako.

——

[1week later]

“Eunice!” masayang tawag sakin ni Janice.

“Oh, bakit ang saya saya mo?” pagtataka ko.

At agad naman niya pinakita ang kamay niya sakin.

Nakita ko na may suot siyang singsing sa ring finger niya.

“Engage na kami ni Ian! Nag propose na siya sakin kagabi.” masayang pagkakasabi ni Janice.

Tila nanikip ang dibdib ko ng marinig ko yun.

“Oh, 'di ka ba masaya para sakin kambal ko?” mahinahon na tanong ni Janice sakin.

“Masaya siyempre. Sobrang saya ko para sayo.” pagsisinungaling ko at kaagad na yinakap ang kapatid ko.

——

Hindi ko talaga kayang tignan sila Ian at Janice habang masayang pinagpa-planuhan ang nalalapit nilang kasal.

Pero kailangan ko magpanggap na masaya ako alang-alang sa utos ni Mommy.

——

[4months later]

—IAN POV—

Halos 4months na ng maikasal kami ni Janice. Walang mapagsidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayon dahil asawa ko na ang babaeng pinakamamahal ko.

Mahilig sa mga bulaklak si Janice, kaya agad ako pumitas ng bulaklak sa harden upang ibigay ito sa asawa ko.

Mahimbing pa ang tulog ni Janice sa malambot na kama kaya agad akong tumabi sakanya saka hinaplos ang pisngi niya.

Maya maya pa ay agad siyang nagising.

“Good morning sweetie.” nakangiting pagkakasabi ko sa kagigising lang na si Janice.

“Good Morning din.” nakangiti niyang pagkakasabi at kaagad ko naman siya hinagkan sa labi.

“Oo nga pala, flowers para sa napakaganda kong asawa.” nakangiting pagkakasabi ko sabay bigay sakanya ng fresh flowers

Pero napansin ko na tila nagbago ang expression ng mukha niya.

“Bakit sweetie? Hindi mo ba nagustuhan?” pagtataka ko.

—EUNICE POV—

“Ah nagustuhan ko naman. Ang ganda nga eh, ahm sweetie. Magba-banyo lang ako ha. Nakakahiya naman hindi pa ako nakakapag tootbrush saka nakakapaghilamos man lang.” pagsisinungaling ko at nagmamadali na nagtungo sa CR.

Kanina ko pa kasi pinipigilan ang pag bahin ko.

“Sweetie, ok ka lang ba? Bakit ka bumabahin? May sakit ka ba?” sigaw ni Ian.

Hindi niya dapat malanan na hindi ako si Janice.

“Yes, sweetie ok lang ako. Mamaya lalabas narin ako.” pagsisinungaling ko.

At ilang sandali nga ay lumabas narin ako sa CR.

“Ayos ka lang ba? Bakit nababahin ka sa bulaklak? Wala ka naman allergies sa mga bulaklak. Ang alam kong may allergies sa bulaklak ay ang kakambal mo na si Eunice. Oo nga pala, nasaan na nga pala si Eunice? Pagkatapos ng kasal natin hindi ko na siya nakita.” pagtataka ni Ian.

[Flashback: 4months ago]

“Eunice, saan ba tayo pupunta?” pa-ulit ulit na tanong sakin ng kambal kong si Janice.

“Pwede ba wag ka ng maraming tanong Janice!” singhal ko kaya agad siyang natahimik.

Nang makarating kami sa isang lugar kung saan ay may malalim na hukay ay saka ko palang binitawan ang mahigpit na pagkakahawak ko sa braso ni Janice.

“Anong ginagawa natin dito?” pagtataka niya matapos makita ang malalim na hukay.

Agad naman ako ngumisi sakanya.

“Sorry kambal ko. Pero walang ibang dapat makasama si Ian kundi ako lang.” nakangiting pagkakasabi ko saka binaril si Janice sa ulo dahilan upang tuluyan siyang bumagsak sa lupa.

Agad ko siyang hinulog sa malalim na hukay saka tinakpan ng lupa.

Pagkatapos ay nakangiti akong sumakay ng kotse ko at umalis.

I killed my twin so I can be with the man that we both love.

[End of Flashback]

“Ah si Eunice ba? Hindi ko narin kasi alam kung nasaan siya. Hindi rin siya nagpaalam sakin eh. Pero kung nasaan man ang kakambal ko, alam kong masaya siya ngayon.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Nakakamiss din kasi si Eunice, alam mo napakasaya niyang kasama. Naging crush ko rin siya noong high school kami, pero kasi ng mga time na yun masyado pa kami bata kaya mas nag focus nalang ako sa pag aaral.” nakangiting pagkakasabi ni Ian saka hinawakan ang kamay ko.

Pagkatapos ay pumatak nalang ang luha sa mga mata ko.

THE END

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now