ANONG PANGARAP MO

58 5 1
                                    

“ANONG PANGARAP MO?”

“Ikaw, Ms. Gwyneth Detera. Anong pangarap mo?” nakangiting tanong sakin ng bagong school teacher namin na si Sir Anthony ng mabunot niya ang index card ko.

Agad naman akong tumayo habang nakatitig sa mga mata niya.

May isang buwan palang na nagtuturo samin si Sir Anthony pero attractive na agad ako sakanya. Ay, hindi lang pala ako. Dahil halos karamihan ng babaeng etudyante sa paaralang ito ay nagkakagusto kay Sir. Gwapo kasi siya, magaling magturo sa subject na Filipino, pasensyoso sa pasaway na estudyante, mabait at higit sa lahat palabiro.

Halos hindi rin naman kasi nalalayo ang edad naming dalawa. He's only 21year old, at ako? I'm only 18year old. Pero siyempre, teacher ko siya at estudyante niya lang ako. Kaya hindi pwede.

Gayun pa man, sapat na sakin na nakikita ko siya araw-araw.

“Ms. Detera, naririnig mo ba ako?” malumanay niyang pagkakasabi.

“S-sir? Ah opo Sir.” saad ko.

“Maaari mo ba ibahagi samin kung ano ang pangarap mo 5 to 10 years from now?” nakangiting pagkakasabi ni Sir Anthony.

“Ikaw po.” agad na saad ko dahilan upang magtinginan sakin lahat ng kaklase kasabay ng isang malakas na hiyawan na para bang kinikilig sila.

“Ano yun?” pag uulit niya.

“Ah----”

“Ikaw daw yung pangarap niya Sir.” sabat ng bida bida kong kaklase.

Nararamdaman ko na mainit na ang pisngi ko dahil sa magkahalong kilig, kaba at hiya ng mga oras na yun.

Kung bakit ko pa naman kasi naisipan na sabihin yun.

“Ako ang pangarap mo?” nakangising pag uulit ni Sir at bahagya nalang ako napayuko dahil sa hiya habang ang kaklase ko walang tigil sa kaka-ayiee.

Maya maya pa ay nag ring na ang bell, hudyat na breaktime na namin at tapos na rin ang klase ni Sir Anthony samin.

Nagmamadali akong lumabas ng classroom at hindi na inintay pang makalabas ng room si Sir Anthony o ang iba ko pang mga kaklase.

Simula noon, ay halos hindi ko na matignan si Sir Anthony sa mga mata niya. Nahihiya parin kasi ako sa sinabi ko, gayun pa man. Hindi naman pinaramdam sakin ni Sir Anthony na naiinis o natatawa siya sa sinabi ko. Parang kinalimutan nalang din siguro niya.

Hanggang sa sumapit na ang araw ng pagtatapos namin sa Senior High, nalulungkot ako hindi dahil sa hindi ko na makakasama ang mga kaklase ko sa kalokohan, tawanan, iyakan at asaran. Kundi, dahil sa hindi ko na makikita si Sir Anthony.

Nang matapos na ang graduation ceremony ay kaagad ko hinanap si Sir, gusto ko pormal na magpasalamat, humingi ng pasensya at magpaalam sakanya.

Pero ng papalapit na ako sakanya, nakita kong nilapitan din siya ng isang babae saka siya nito niyakap.

Parang gusto ko umiyak ng mga sandaling yun pero pinigilan ko. Dahil wala rin naman mangyayari, kahit umiyak pa ako sa harapan niya. Hindi kami ang para sa isa't isa ni Sir Anthony, may girlfriend na siya at kailangan ko rin tanggapin na isa lamang akong hamak na estudyante niya na humahangga sa kanya.

[6years later]

Dami ng nagbago, ngunit hindi parin naalis si Sir Anthony sa puso ko. Wala narin ako naging balita sa kanya magmula ng grumaduate ako.

Siguro, may asawa na yun ngayon o may anak na.

Ako ito, single parin. Hirap mag move eh. Lalo na kapag first love mo.

“Ah sorry Miss, nasaktan ka ba?” saad ng lalake ng aksidente akong mabangga sa paglalakad.

“Ah hindi. Ok lang ako.” nakangiting pagkakasabi ko.

Ganun na lamang ang pagkabigla ko ng makita ko na ang mukha ng lalakeng bumangga sakin. Si Sir Anthony, at mas gumwapo siya ngayon.

“Gwyneth?” nakangiting pagkakasabi ni Sir Anthony.

“Ako nga po. S-sir-----”

“Anthony. Anthony nalang ang itawag mo sakin.” nakangiting pagkakasabi niya.

“Ok Anthony.” tila naiilang ko pa na pagkasabi.

“Kamusta kana? Tagal natin hindi nagkita ah.” nakangiting saad ni Anthony.

“Ah Ok naman po. Ikaw po? Kamusta na? Kamusta na po kayo ng girlfriend mo?” nakangiting tanong ko.

“Girlfriend? Wala akong girlfriend.” saad niya.

“Ah, wala na po kayo ng girlfriend mo noon? O baka asawa mo na po siya ngayon.” saad ko.

Agad naman siyang natatawang napailing.

“Teka, ang tinutukoy mo ba ay si Elijah? Yung kasama ko noong graduation niyo? Yung yumakap sakin?” nakangiting tanong niya.

“O-opo.” sagot ko.

At muli siyang ngumisi.

“Hindi ko girlfriend si Elijah, she's my sister.” nakangiting pagkakasabi ni Anthony.

“Kapatid mo siya? Akala ko----”

“Akala mo girlfriend ko? Kaya ba, bigla ka nalang umalis? Hahabulin pa nga sana kita eh kaso parang nagmamadali ka ng araw na yun.” saad ni Anthony dahilan upang matahimik ako.

“Halos limang taon narin ang nakakalipas Gwyneth. Pero, may gusto sana ako ulit itanong sayo.” seryosong pagkakasabi ni Anthony habang nakatitig sa mga mata ko.

“A-ano yun?” nauutal ko pang bigkas.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan na ni Anthony ang kamay ko.

“Ako parin ba ang pangarap mo?” seryosong tanong sakin.

Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang sakanya. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko.

“Inuulit ko ang tanong ko, ako parin ba ang pangarap mo?” tanong muli ni Anthony.

Naluluha akong sumagot ng oo sakanya at bigla nalang niya akong niyakap.

Pangarap ko lang siya noon, ngayon abot kamay ko na.

Ikaw? Anong pangarap mo?

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now