NEW YEAR

38 0 0
                                    

“Kian, anong ginagawa mo rito? Kailan ka pa dumating?” ani Anne na bakas ang pagkabigla nang makita ang kasintahan na si Kian sa labas ng kanilang bahay. Malapad ang ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin ito sa kaniya at hawak ang maliit na kahon ng cake.

“Happy New Year my love. Did I surprised you?” Nakangising wika ni Kian. Malaki ang hakbang na ginawa ni Anne upang mabilis na makarating sa kinatatayuan ng binata at agad 'tong niyakap.

Mag ta-tatlong taon ng nasa long distance relationship sila Kian at Anne, pero hindi naging hadlang ang malayong distansiya ng dalawang pusong tunay na magmamahalan. Nasa probinsiya naninirahan si Anne habang nagta-trabaho naman sa Maynila si Kian. Dahil lamang sa isang mutual friend kaya silang dalawa nagkakilala through internet.

Ngayon nga ay bagong taon, walang ibang hiniling si Kian kundi ang makasama ang kasintahan sa tuwing papasok ang panibagong taon kaya naman todo kayod ito sa trabaho bilang tindero ng gulay sa palengke.

Ngunit ilang araw bago sumapit ang bagong taon, naging abala masiyado si Kian habang pinagsasabay ang pagta-trabaho at pag aaral kaya naman madalang na lang ito kung makapag message at makatawag sa kasintahan na nasa probinsiya. Naiintindihan naman ng dalaga ang sitwasiyon ng binata kaya naman kahit hindi naka online ang kasintahan ay nag iiwan na lamang ito ng mensahe.

“Love, sorry kung masiyado ako naging busy nitong mga nakaraang araw. Kung ano-ano kasing raket ang pinasok ko magkaipon lang agad dahil gusto ko na makasama kita na mag celebrate ng New Year. Umabot naman ako, hindi ba? 11:53pm pa lang naman.”

“Nakakainis ka! Nag alala pa naman ako kung bakit hindi mo sinasagot mga tawag at text ko sa'yo, iyon naman pala may plano ka na supresahin ako,” ani Anne habang mahinang hinahampas ang dibdib ni Kian. Natatawa naman ang binatang hinawakan ang magkabilang kamay nang dalaga. Napatitig si Anne sa magagandang mata ng binata, hindi niya batid kung bakit ang kaninang kilig na nararamdaman niya nang masilayan sa unang pagkakataon ang binata ay tila napalitan ng matinding lungkot.

“You okay?” ani Kian nang mapansin ang biglaang pagbabago ng facial expression ni Anne.

“Ayos lang ako, hindi lang talaga ako makapaniwala na nandito ka sa harapan ko ngayon at kung maaari lang sana ay huwag ka na umalis, dito ka na lang sa piling ko,” bakas ang lungkot sa bawat salitang binibitawan ni Anne habang nakatitig sa mga mata ng binata.

Mapait na ngumiti ang binata bago ito nagsalita, “Kahit malayo tayo sa isa't isa. Kahit wala ako sa tabi mo, palagi ka naman nandito sa puso ko. Mahal na mahal na mahal kita Anne, kaya lahat gagawin ko makapiling ka lang.”

“Mahal na mahal din kita,” nakangiting sambit ni Anne at muling niyakap ang binata.“OMG! 11:59pm na!” wika nito nang makita ang oras sa wrist watch niya. Agad siyang kumalas sa pagkakayakap sa kasintahan at nang saktong 12:00 ay siya na ang unang humalik sa labi ng binata.

Naputol lamang ang matamis na halik nang natatarantang tinawag si Anne ng kaniyang ina.

“Oo nga pala, tayo na sa loob. Sure ako na matutuwa si Nanay kapag nakita ka niya sa personal.” Anyaya ni Anne kay Kian.

“Sige na, mauna ka na Love susunod na lang ako. Tatawagan ko lang si Tita, sasabihin ko lang nandito na ako.”

“O sige, basta sumunod ka okay?”

Agad na pumasok si Anne sa kanilang bahay kung saan sinalubong sa kaniya ng kaniyang ina dala ang isang masamang balita.

“Tignan mo, Anne. Hindi ba't si Kian ang lalakeng nasa balita?” ani Isabel, ang ina ni Anne. Agad nga nito ibinigay sa anak ang cellphone kung saan kasalukuyan nagpi-play ang video na upload ng isang TV network.

Makikita sa video na kuha na isang netizen ang lalakeng tatadtad ng saksak sa katawan. Ayon sa balita, ang lalake ay biktima ng hold-up. Pauwi na raw ito galing sa pag ekstra bilang kargador ng bigas nang matiyempuhan ng grupo ng kalalakihan at sapilitan kunin sa binata ang perang kinita sa buong isang linggo. Ang binata sa video ay kinilalang si Kian Rafael, bente-singko (25) anyos.

“H-Hindi totoo ito, nand'yan si Kian sa labas ng bahay. Pinuntahan niya ako!” ani Anne habang pilit na pinipigilan ang pagpatak ng kaniyang luha. Agad siyang lumaabas ng kanilang bahay upang puntahan si Kian at patunayan na mali ang balitang iyon, ngunit wala na roon si Kian.

“Love..” sambit nang dalaga nang maramdaman ang tila malamig na hangin na dumampi sa kaniyang pisngi at tuluyan na ngang pumatak ang kaniyang luha.

THE END
Written by: pinkishrose02

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon