LOST IN LOVE

45 1 0
                                    

(This is inspired on a true story)

"Abby, napapansin mo ba 'yung lalakeng katabi ni Gomez? parang kanina pa nakatingin sa'yo." bulong sa'kin ni Rhea na s'yang katabi ko sa upuan, pasimple naman akong tumingin sa lalakeng tinutukoy n'ya. Hindi pamilyar ang mukha n'ya sa'kin kaya sa palagay ko ay transferee lang s'ya dito. Maputi, matangos ang ilong at medyo chinito pero hindi naman agad nakuha ang atensyon ko. Hindi kasi ako mahilig sa gwapo."Gusto mo tanungin ko kung anong pangalan n'ya?" nakangising tanong ni Rhea.

"Gaga! maupo ka lang d'yan. Yan kana naman sa kaharutan mo eh." pagpigil ko kay Rhea ng akmang tatayo na sana."Sa tingin ko mas mabuti kung bumalik na tayo sa room. Tapos narin naman break time natin." saad ko, pagkatapos ay ibinalik sa loob ng bag ang ilang notebook ko na nakalabas at agad ng sinukbit ang bagback ko.

"Huh? eh diba, sabi ni Pres. wala naman daw tayong teacher mamaya? edi di---"

"Bahala ka d'yan, basta ako babalik na sa room." seryosong pagkakasabi ko at agad ng tumayo mula sa kinauupan ko. Hindi naman makatiis si Rhea at agad naman n'ya akong sinundan.

"Tumingin ka sa likod mo." bulong n'ya sa'kin habang naglalakad kaming dalawa sa hallway.

"Huh? bakit?" pagtataka ko.

"Sige na kasi, kahit sulyap lang." pagpupumilit n'ya at agad ko naman 'yun ginawa. Nakita ko ang transferee na lalakeng tinatanaw kami ni Rhea habang naglalakad papalayo. Kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad. Hindi ko alam kung anong trip n'ya, pero hindi ako natutuwa.

--

"Guys, I have an announcement. Sabi ni Sir Pascual, doon daw muna tayo magro-room sa Computer Lab para kasabay na natin 'yung advisory class n'ya. Hindi daw kasi s'ya makaka-akyat dito sa room natin." saad ng class president namin. Agad naman inalog ni Rhea ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"Diba, advisory class ni Sir Pascual sila Gomez? oh edi---OMGGG!" kinikilig na saad ni Rhea. Sa totoo lang, hindi ko s'ya naiintindihan. Anong nakakakilig sa pagsasamahin kami sa isang room? anong nakakakilig sa makakasama mo sa isang room 'yung section na lagi n'yong kalaban sa mga school competition? kahit na ba 30mns lang.

"Umamin ka nga Rhea, may gusto ka ba kay Steven Gomez?" seryosong tanong ko.

"W-Wala ah." nauutal n'yang saad.

"Wala naman pala pero maka-react ka grabe." sarcastic kong saad saka ko sinukbit ang bagpack ko.

--

Pagdating sa computer lab ay nandoon na ang advisory class ni Sir Pascual, may mga bakanteng upuan pa naman ngunit iilan na lang at hindi na kakasya sa'min. Kaya naman ang iba ay mas pinili nalang na sa tiles na flooring maupo. Ganun na rin sana ang gagawin namin ni Rhean ng maramdaman ko na may kung anong bagay ang tumama sa hita ko kaya agad akong napalingon.

"Upuan." saad ng lalake ng i-offer n'ya sa'kin ang bakanteng silya. Agad naman kami nagkatinginan ni Rhea at kinindatan pa 'ko.

"S-Salamat pero dito na lang ako sa lapag mauupo." pagtanggi ko.

"Huh?!" tila pagtutol pa ni Rhea kaya ko s'ya pinandilatan ng mata.

"Sabagay, mas maganda nga kung sa lapag mauupo." nakangiting saad n'ya saka tumayo mula sa kinauupuan n'ya at nauna na sa'kin na maupo sa lapag.

"Nandito na ba lahat?" mahinahong tanong ni Sir Pascual. Agad naman sumagot ang mga kaklase ko.

"Rhea, hiniram mo ba 'yung notebook ko sa Math?" tanong ko kay Rhea habang hinahanap sa loob ng bag ko ang Math notebook ko.

"Hindi, bakit ko naman hihiramin 'yun eh may notebook din naman ako." sarcastic na sagot ni Rhea dahilan upang tumigil ako sa pagkakalkal ng bag ko at tignan s'ya ng masama."Promise Abby, hindi ko talaga alam. Baka naiwan mo sa room. Wag ka mag-alala, monday ngayon. Wala tayong Math na subject 'no." dagdag n'ya pa.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now