PINKY SWEAR

47 0 0
                                    

“PINKY SWEAR”

“Doc, lalim yata ng iniisip natin ah.” puna ng kapwa ko Doctor at matalik na kaibigan na si Joshua.

Agad naman ako bumaling ng tingin sakanya saka ako ngumisi.

“Ah wala. May naalala lang kasi ako ngayong araw na 'to.” saad ko at biglang napalitan ng lungkot ang kaninang nakangiti kong labi.

“Alin? Yung madalas mo kini-kwento sakin mula ng maging magka-klase tayo noong college? Yung kababata mo? Sino nga yun? Ah---si Hannah.” saad ni Joshua at agad naman ako tumango.

[Flashback: 15years ago]

“Magkikita pa ba tayo?” malungkot na pagkakasabi ko habang mahigpit kong hawak ang kamay ni Hannah.

“Oo naman, promise. Babalik ko, after 15years magkikita ulit tayo. Hintayin mo 'ko ah. Babalik ako.” saad ni Hannah at isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi niya kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

“Mag iintay ako sayo, pangako yan Hannah.” saad ko at saka kami nag pinky-swear ni Hannah tanda ng pangako namin sa isa't isa.

Bago siya tuluyan sumakay ng kotse ng kanyang daddy ay naiiyak pa akong niyakap siya ng mahigpit at ganun din siya sakin.

[End of Flashback]

Sa murang edad, batid na namin sa sarili namin ni Hannah na may malalim kaming pagtingin sa isa't isa. Ngunit batid din namin na masyado pa kaming bata, kaya naman isinantabi muna namin ang pagtitinginan na 'yun.

Halos 15years narin ang nakakalipas, ito ang araw na dapat naming pagkikitang muli. At sa loob ng 15years na yun, hindi nawala o nagbago ang pagmamahal ko kay Hannah.

Kinailangan namin malayo sa isa't isa ni Hannah noon, dahil isinama siya ng step mom niya patungong amerika upang doon mag aral ng medicina, dahil parehas namin pangarap na maging isang doctor balang araw.

——

Kasalukuyan ako nasa Lobby, ng mapansin ko ang babaeng naka-upo sa wheelchair sa 'di kalayuan. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.

“Sinong tinitignan mo Doc?” tanong ni nurse Joy sakin, saka niya rin tinignan kung sino ang pumukaw ng atensyon ko.

“Ah si Ms. Hannah ba?” saad ni nurse Joy na gumulantang sakin.

“Hannah?” pag uulit ko.

“Oo Doc. kaka-admit niya lang dito kahapon. May acute brain cancer. Marami naman magagandang hospital dito sa Manila, pero sabi niya dito daw niya gusto magpa-admit habang hinihintay ang kamatayan niya.” pagki-kwento ni nurse Joy.

Hindi ko alam ngunit bigla akong nakaramdam ng matinding kaba sa dibdib ko. Kaya naman dali dali ko tinungo ang kinaroroonan ng pasiyenteng si Hannah.

At habang naglalakad ako, hinihiling ko na sana hindi siya ang Hannah na kilala ko.

Ngunit hindi pa man ako masyado nakakalapit sakanya ay humarap na siya sakin dahilan upang mag umpisang tumulo ang mga luha sa mata ko.

“Hannah....” sambit ko.

“Jeri----” hindi na naituloy pa ni Hannah ang sasabihin niya dahil mahigpit ko na siyang niyakap kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ko.

“Anong nangyari? B-bakit nandito ka? Bakit-----”

“Hindi ka man lang ba masaya? Tinupad ko ang pangako ko sayo. Nagbalik ako para sayo Jeric.” nakangiting pagkakasabi ni Hannah.

Namumutla na ang mga labi ni Hannah, matamlay narin ang mga mata niya kahit nakangiti siya. Ngunit nananatili parin siyang maganda.

“Anong nangyari? Kailan ka pa nagkaroon ng sakit?” seryosong tanong ko sakanya.

Agad naman siya tumitig sa mga mata ko.

“Noong umalis ako at magtungo sa amerika. Doon ko nalaman na may brain cancer pala ako.” saad ni Hannah at halos pigilan ko na ang luha ko dahil sa matinding awa sa babaeng mahal na mahal ko.

Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin nalang si Hannah. Habang paulit ulit na sinasabi sakanya ang katagang 'Mahal na mahal kita'.

——

Halos lumipas lang ang tatlong linggo, kinuha na sakin ang babaeng pinakamamahal ko. Halos gumuho ang mundo ko ng mga sandaling yun, at mula nga ng mawala siya sakin ay tuluyan ko na ngang sinarado ang puso ko para sa iba.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Donde viven las historias. Descúbrelo ahora