DAD, I LOVE YOU

69 10 0
                                    

DAD, I LOVE YOU

—ROXANNE POV—

“Oh, bihis na bihis ka yata anak. Saan ang lakad mo?” salubong na tanong sakin ni mommy pagbaba ko ng hagdan.

“Ah..birthday kasi ng bestfriend ko, mommy. Si Janneth, ok lang po ba yung suot ko?” saad ko.

Agad naman ako tinignan ni mommy mula ulo hanggang paa.

“Ok naman anak, maganda ka parin. Siyempre mana ka sakin eh.” nakangising pagkakasabi ni mommy.

“Aba siyempre naman, mommy.” natatawa kong pagkakasabi.

“Anong oras ka naman uuwe? Wag ka masyado magpapagabi ha. Alam mo naman delikado na para sa mga teenager tulad mo ang magpa-gabi.” saad ni Mommy at kaagad ko naman siya inakbayan.

Sa sobrang close kasi namin ni mommy, aakalain ng iba na para lang kami magkapatid or mag kaibigan. Nasa 30's palang kasi si Mommy, pero hindi sa pagmamayabang. Mas bata pa siya tignan sakin and she looks so beautiful. Well, kanino pa ba ako magmamana.

“Don't worry mom, before 6PM nandito na ako sa bahay. Isa pa, update po kita lagi para hindi ka mag alala sakin.” nakangiting pagkakasabi ko.

Agad naman tumingin sakin si Mommy.

“Mahal na mahal kita anak. Kaya sana, lagi mo iingatan ang sarili mo dahil hindi lagi ay nasa tabi mo 'ko.” saad ni Mama.

Agad naman ako tumango saka niyakap si Mommy bago ako umalis.

——

Pasado ala-dos ng hapon, kasalukuyan ako nag aabang ng taxi na masasakyan patungo sa bahay ng kaibigan kong si Janneth ng may biglang tumigil na itim na van sa harapan ko kaya ako napaatras.

Biglang bumukas ang pintuan at isang lalake ang naka-suot ng mask ang bumaba at sapilitan ako nitong pinasasakay sa van.

Halos magpupumiglas ako, gusto kong sumigaw pero agad tinakpan ng isang lalake ang bibig ko at saka ako sinikmuran dahilan upang manghina ako.

—ALFREDO POV—

“Boss, gising na ang bihag natin.” pagbabalita ng tauhan ko.

Agad ko naman nilapag sa mesa ang hawak kong baso na may lamang alak saka tumingin sakanya ng seryoso.

“Bihisan niyo at dahilhin niyo dito. Tawagan mo narin si Mr. Ramirez, may bagong handog tayo sakanya.” nakangising pagkakasabi ko sabay hithit ng sigarilyo.

“Masusunod Boss.” saad niya at agad ng umalis upang sundin ang utos ko.

—ROXANNE POV—

“Suotin mo yan!” seryosong pagkakasabi ng babae sabay bato ng damit sa mukha ko.

Naluluha naman ako na tinignan ang damit na binato sakin.

“Hindi ko 'to isusuot.” pagmamatigas ko.

Agad naman isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko, dahilan upang mapasubsob ako sa sahig.

“Ano? Hindi mo isusuot?! Wag kana mag malinis. Dahil mamaya, magiging madumi kana rin.” saad ng babae sabay hawak ng mahigpit sa pisngi ko.

——

—ELISA POV—

Alas-siyente na ng gabi ngunit wala parin ang anak kong si Roxanne. Masyado na akong nag aalala kaya naman agad ko na siyang tinawagan pero cannot be reach ang cellphone niya, hanggang sa tawagan ko na ang kabigan niya.

“Si Roxanne po? Wala po siya dito. Akala ko nga po hindi mo po siya pinayagan na magpunta sa birthday ko Tita.” saad ni Janneth na labis kong pinagtaka.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon