"THE MAFIA BOSS' FELL INLOVE" (MY COUSIN IS A MAFIA BOSS PREQUEL)

87 3 0
                                    

—EUNICE POV—

"Mom, wala parin po ba si Daddy? Akala ko ba sasabay siya sa'tin sa hapunan?" malungkot na tanong ko kay Mommy habang nasa harap kami ng hapagkainan at dalawa lamang na kakain ng mga nakahandang pagkain. Agad naman inalapag ni mommy sa mesa ang glass of wine niya. Saka seryosong tumingin sakin. "Busy masyado ang dad mo sa trabaho, kaya sige na kumain kana. At pagkatapos ay pumanhik kana rin sa silid mo ng makapag pahinga kana." saad ni Mommy at saka nagtuloy sa kanyang kain.Wala akong gana sa bawat subo ko ng pagkain. Namimiss ko kasi si Dad, madalang nalang kasi namin siya makasabay sa pagkain. Parang mas importante pa sakanya yung trabaho niya kaysa sa bonding naming pamilya. Pag wala si Daddy, dalawa lang kami ni Mommy dito sa malaking bahay at mga kasambahay pati narin ang yaya ko. Yung step brother ko kasi—anak ni mommy sa pagkadalaga, ay kasalukuyan nasa ibang bansa at doon nag-aaral.Nang matapos akong kumain ay kaagad na nga rin akong nagtungo sa silid ko. Pasado alas-onse ng gabi ng marinig ko ang pagbukas ng gate namin at ang pagparada ng sasakyan. Dali-dali akong bumangon at nagtungo sa bintana. Hinawi ko ang kurtina upang tignan kung sino ang dumating, walang iba kundi si Daddy.Agad akong lumabas ng silid ko saka nagmamadaling sinalubong si Daddy."Daddy!" masaya kong sambit at agad na yumakap kay Dad."Hello sweetheart, how are you? Bakit pala gising ka pa? Iniintay mo ba ang pagdating ni Daddy?" malambing na pagkakasabi ni Daddy sakin at agad naman akong tumango."Namiss ka rin ni Daddy, sorry ngayon lang nakauwe si Daddy ah. Dami pa kasing tinapos na paper sa office." saad ni Daddy."I understand dad, namiss lang po talaga kita. Alam ko naman po na sobrang busy mo po sa work mo." nakangiting pagkakasabi ko."Don't worry sweetheart, babawe nalang si Daddy ok? By the way, nasaan ang mommy mo?" malambing na pagkakasabi ni Daddy habang naglalakad kami patungong sala."Tulog na po si Mommy sa kwarto niyo daddy, puntahan mo nalang po siya. Oo nga pala daddy, birthday ko na po next week, ayaw ko po ng engrandeng selebrasyon. Ang gusto ko lang po ay makasama ko kayo ni Mommy sa araw ng birthday ko. Dad, promise me na hindi ka muna papasok sa work mo at dito ka lang sa birthday ko. Kahit isang araw lang dad." saad ko."Ok sweetheart, I promise. Sige na, go to your bed na. Mag a-alas dose na. Matutulog narin si Daddy. I love you sweetheart." saad ni Daddy saka niya ako hinagkan sa noo.

——

[1week Later]

Ngayon ang 17th Birthday ko, hindi ako nagpahanda ng engrande kay mommy. All I want is a dinner na kasama si Daddy, that's all. Pero kahit ang simpleng kahilingan ko ay hindi naibigay sakin ni daddy. Gabi na ngunit wala parin siya. Hindi parin siya dumarating. Kaya naisipan kong lumabas ng bahay at sa labas siya hintayin kahit alam kong imposibleng dumating pa siya. Ilang sandali pa ay bumuhos narin ang malakas na ulan. Napaupo nalang ako sa gilid habang tuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Hanggang sa mapansin ko nalang na ang lalaking nakatayo sa harapan ko at agad ako tumingala. "Ang magandang babaeng katulad mo ay hindi dapat umiiyak sa gitna ng ulan." seryosong pagkakasabi ng lalakeng hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita."Wala maman akong sinabing payungan mo 'ko umalis kana." sarcastic kong pagkakasabi."Ikaw na nga itong pinagmamalasakitan, ikaw pa 'tong parang galit. Ano ba ang dahilan bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin."Sabi ng mommy ko don't talk to strangers. Kaya bakit nga ba ako ako nakikipag usap sayo." mataray na pagkakasabi ko saka ako agad na tumayo."I'm Jio. So, ok na ba? Hindi na ba ako stranger para sayo? Ikaw? Sino ka?" tanong ng lalakeng nag ngangalan na Jio saka niya nilahad ang kamay niya sakin. "Eunice! Ay naku kang bata ka bakit ka nagpapakabasa sa ulan. Baka magkasakit ka niyan at mapagalitan pa ako ng mommy mo." rinig kong sigaw ni Yaya. Pag dating ni Yaya ay agad niya akong pinayungan at saka agad na umalis. At hindi ko na nga ginawang lingunin pa ang lalakeng nag ngangalan na Jio.

——

<Jio Mansion>

—JIO POV—

"Ngayon lang yata kita nakitang nakangiti Sir Jio." nakangising tanong ni Isabelle sakin ng salinan niya ng alak ang baso ko.Si Isabelle ang isa sa pinakamatagal ko ng kasambahay dito at tila tumatayo naring pangalawang magulang ko."Kanina kasi nakakita ako ng anghel. Isang napakagandang anghel." nakangising pagkakasabi ko habang ini-imagine ang mukha ng babaeng nakilala ko kanina, si Eunice. "Parang alam ko na ang ibig sabihin niyan sir Jio. Tila umiibig na ang alaga ko." nakangising saad ni Isabelle kaya bahagya nalang ako napa-iling. "Umiibig? Sino? Si Jio?" biglang sabat ni Wilfredo ang kapatid ko. "Sige po sir Jio, sir Wilfredo. Maiwan ko na po kayo." mahinahon na saad ni Isabelle at agad na rin umalis."Pwede ko ba malaman kung sino ang babaeng nagpapatibok sa puso ng kapatid ko?" nakangising tanong ni Wilfredo saka ito naupo sa sofa at naglagay ng alak sa sarili niyang baso.Hindi ako kumibo at tinignan lamang si Wilfredo ng masama. Oo nga't magkapatid kaming dalawa, pero hindi ko masasabing mahal ko siya bilang kapatid ko. Dahil tulad ko, ka-kompetensya din sa pagiging Mafia Boss ang tingin niya sakin.

[2months later]

—JIO POV—

"3 Million?!" pasigaw kong pagkasabi habang nag ngingitngit sa galit."Yes Boss, ganun kalaking halaga ang ninanakaw satin ni Miguel." saad ni Hector.Si Miguel ay isa sa mga tauhan ko at pinagkakatiwalaan ko pagdating sa mga illegal transaction at paghawak ng pera. Ngunit hindi ko inaasahan na magagawa niya pa akong traydurin at pagnakawan ng malaking halaga. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad na tumayo mula sa kinauupuan ko at agad na kinuha ang baril ko sa drawer."Ihanda niyo yung sasakyan, may sisingilin tayo." seryosong pagkakasabi ko.

—EUNICE POV—

"Mom, Dad. Ano pong nangyayari? Bakit po kayo nag i-impake?" pagtataka ko ng madatnan ko sila Mommy at Daddy na abala sa pag lalagay ng mga damit at mahahalagang abobot sa maleta.Agad naman tumigil si Mommy sa ginagawa niya at lumapit sakin."Kailangan na natin umalis Eunice, kaya sige na ayusin mo na rin ang mga gamit mo." saad ni Mommy."B-but why? Dad, ano pong nangyayari? Why do we need to leave?" labis na pagtataka ko."Dad will explained to you later. Sa ngayon ang kailangan mong gawin ay mag impake narin ng mga gamit mo." seryosong pagkakasabi ni Daddy.Ilang sandali pa ay narinig ko ang isang kalampag mula sa first floor ng bahay namin. Napansin ko na nagtinginan sila mommy at daddy."Eunice, go to your room and locked the door. At wag na wag kang lalabas lahit na anong mangyari, kahit anong marinig mo ok? Mom and dad, loves you so much." saad ni Daddy saka ako niyakap ng mahigpit. "But dad----""Eunice, sundin mo nalang ang daddy mo. Sige na, pumunta kana sa kwarto mo." utos ni mommy sakin.Nagtataka man sa mga nangyayari ay agad ako nagtungo sa kwarto ko saka ko ni-locked ang pintuan nito."Wag mo sasaktan ang asawa ko! Wala siyang kasalanan." rinig kong sigaw ni Mommy."3 Million ang kinuha ng asawa mo. Sa tingin mo matutuwa ako?" nag ngingitngit sa galit na sigaw ng lalake.Maya maya pa ay nakarinig na lamang ako ng putok ng baril na magkakasunod. Napatakip ako ng tenga ko dahil sa lakas ng alingawngaw ng putok ng baril. Nang tumigil ito ay agad akong lumabas ng silid ko upang puntahan si mommy at daddy, ngunit pagkabukas ko palang ng silid ko ay dugo na sa sahig ang bumungad sakin.Nanginginig ako sa takot na sinundan kung saan nanggaling ang mga dugo.Hanggang sa makita ko si mommy at daddy na duguan at nakabulagta sa sahig.Umiiyak ako na tinungo ang kinaroronan ng mommy at daddy ko. Hanggang sa makita ko ang isang lalake hawak ang baril niya. "Anong ginawa mo sa mommy at daddy ko!" umiiyak na pagkakasabi ko habang hinahampas hampas ang lalake.

—JIO POV—

Mabilis ko siyang naitulak dahilan upang tumama ang ulo niya sa gilid ng lamesa.Aalis na sana ako ngunit nakaramdam ako ng awa sa dalagita. Kaya binuhat ko siya at sinakay sa kotse ko. Dinalaa ko siya sa mansion at agad na tinawagan si Dr. Smith. Makalipas lang ang tatlong araw ay nagising na siya. Ngunit wala siyang maalala. Mula noon ay ako na ang nag alaga kay Eunice.

<Jio Mansion>

—EUNICE POV—

Nagising na lamang ako na nasa isang silid ako. Wala akong kahit na anong maalala kung bakit ako nasa silid na ito, hindi ko rin kilala kung sino ako. "Sir Jio! gising na po si Mam Eunice!" rinig kong sigaw ng isang babae na nasa late 40's na.Ilang saglit pa, isang lalake ang pumasok sa silid kung nasaan ako. Ngunit maging siya ay hindi ko rin kilala.

—JIO POV—

"S-sino ka, nasaan ako? Bakit ako nandito ako?" magkakasunod na tanong ni Eunice sakin. Nagkatinginan naman kami ni Isabelle, at sininyasan ko siyang lumabas muna ng silid agad naman siyang sumunod. Pagkatapos ay naupo ako sa gilid ng kama ni Eunice."Dahil dito ka nakatira, Eunice. I'm Jio, your cousin." nakangiting pagkakasabi ko. "E-eunice?" pag-uulit ni Eunice sa pangalan niya."Oo, ikaw si Eunice. Yun ang pangalan mo, at ako. Ako si Jio, pinsan mo." pagsisinungaling ko.Alam kong isang pagkakamali ang ginagawa ko ngayon. Isang pagkakamali na samantalahin ang pagkawala ng alaala ni Eunice upang pagtakpan ang nagawa ko sa mga magulang niya. Ngunit ito lang din ang naiisip kong paraan, hindi ko rin kayang pabayaan si Eunice, kahit anak pa siya ng taong malaki ang pagkakasala sakin. Mahal ko si Eunice, at handa kong gawin ang lahat manatili lang siya sa buhay ko.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now