MEET ME IN HEAVEN

86 7 0
                                    

“MEET ME IN HEAVEN”

I'm Smile, Angel of Happiness. Isang mission ang binigay sakin. Yun ay ang magbigay ng saya sa mga taong unti unti ng nawawalan ng pag-asa sa buhay.

Sa paglilibot ko sa mundo ng mga tao, nakilala ko si Francis.

Ang lalakeng tila nawalan na ng pag-asa dahil sa malubha niyang sakit.

May stage 3 brain cancer si Francis. Tinaningan narin ng doctor ang buhay niya.

Pero hindi yun sapat na dahilan upang ikulong niya ang sarili niya sa apat na sulok ng silid na ito.

“Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Paano ka napasok?” magkakasunod na tanong ni Francis sakin.

“Wag ka matakot sakin Francis.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Kilala mo 'ko? Sino ka ba talaga?” pagtataka ni Francis.

“Nurse!” sigaw niya

Agad naman ako lumapit sakanya at tinakpan ang bibig niya.

“Wag ka maingay. Ako si Smile, Angel of Happiness. Nandito ako para maging kaibigan mo.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Hindi ko kailangan ng kaibigan. Umalis kana!” galit na pagkakasabi ni Francis.

“Gwapo ka sana kaso ang sungit mo.” pang aasar ko sakanya.

“Sino ka ba?!” inis na pagkakasabi niya.

“Ay ulit ulit? Ako nga si Smile. Isang Anghel. Nandito ako para magbigay ng saya para sa mga taong unti unti ng nawawalan ng pag-asa sa buhay, tulad mo.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Isa kang Anghel? Pinagloloko mo ba 'ko?” seryosong pagkakasabi ni Francis.

“Gusto mo ng patunay?” nakangiting tanong ko.

“Hindi na kailangan. Ang gusto ko lumabas kana dito sa silid ko.” seryosong pagkakasabi ni Francis.

“Ok sabi mo eh.” sagot ko at saka naglakad patungo sa pintuan.

Agad nga ako umalis tulad ng gusto ni Francis.

Naglakad lakad ako na para bang namamasyal ng bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Gabriel, isa ring anghel mula sa langit tulad ko.

“Ano sa tingin mong ginagawa mo?” seryosong tanong ni Gabriel sakin.

“Pwede bang iba nalang yung maging mission ko? Ang sungit sungit naman kasi ng Francis na yun eh.” pakiusap ko.

“Anong silbi ng pagiging Angel of Happiness mo kung dahil lang sa kasungitan ng nilalang na yun ay sumusuko kana.” seryosong pagkakasabi ni Gabriel.

“Pero---”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang ako napunta sa hospital room ni Francis.

Sa mga oras na yun ay mahimbing na natutulog si Francis.

Agad ako lumapit sakanya hanggang sa makita ko ang sketchbook sa gilid ng kama niya. Agad ko nga yun tinignan.

“May talent ka pala sa pag do-drawing.” nakangiting pagkakasabi ko.

——

Kinabukasan, naramdaman ko na may paparating kaya pansamantala muna ako naglaho sa patingin ng mga tao.

“Hello Bro. musta?” nakangiting bati ng isang lalake.

“Ito, mamamatay na.” seryosong pagkakasabi ni Francis.

“Wag ka magsalita ng ganyan.” sagot naman ng kausap niya.

“Yun naman ang totoo diba? May taning na ang buhay ko.” seryosong sagot ni Francis.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now