ZOMBIE APOCALYPSE

82 6 0
                                    

“ZOMBIE APOCALYPSE”

“What if magkatotoo yung Zombie Apocalypse?” seryosong tanong ko sa boyfriend ko na abala sa paglalaro ng online-game sa cellphone niya ngunit agad din niyang tinigil at tumingin sakin dahil sa tanong ko.

“Bakit mo naman naisip na itanong yan?” seryosong tanong niya.

“Hmmm wala lang. Naisip ko lang. What if nga magkaroon ng Zombie Apocalypse. Anong gagawin mo?” balik na tanong ko.

Agad naman siya tumitig sakin.

“Of course, I will protect you. Hindi ka pwede kagatin ng kahit na sinong Zombies, ako lang pwede kumagat sayo. Raaawwwr.” nakangising pagkakasabi niya at umarte na kunware ay kakagatin niya ako agad ko naman hinarang ang unan na nasa gilid ko.

“Siraulo ka talaga. Nagtatanong ako ng maayos, puro kalokohan isasagot mo sakin.” natatawang pagkakasabi ko.

Agad naman siya ngumisi saka ako niyakap.

Gerald and I have been in a relationship for more than 3years. He's my bestfriend, partner-in-crime, my knight-in-shining-armor and my shoulder-to-cry-on kapag may problema ako.

I dunno, pero bigla nalang pumasok sa isip ko na paano nga kung magkaroon ng Zombie Apocalypse. Well, hindi naman kasi yun imposible sa panahon ngayon. Lalo na sa mga iba't ibang chemical na naiibento ng mga tao.

——

Nandito kami ngayon sa isang park kumakain ng streetfoods, dito ko kasi gusto i-celebrate ang 4th Anniversary namin. Ayaw ko sa mga mamahaling restaurant. Dahil hindi ako nabubusog sa kakaunting pagkain tapos ang mahal pa. Mas ok ng mag streetfoods nalang. Mura na, nakakabusog pa.

“Happy Anniversary, Love.” nakangiting bati sakin ni Gerald.

“Happy Anniversary too---” hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla magkagulo ang mga tao sa park.

Agad naman hinawakan ni Gerald ang kamay ko.

Sa 'di kalayuan napansin ko ang isang lalake na tila wala sariling naglalakad habang ang kaliwang braso ay nakalaylay at puro dugo ang damit.

Halos 'di na ako makagalaw at makapag salita dahil sa mga nakikita ko.

“Lorraine! Lorraine, are you ok? Naririnig mo ba ako?” tarantang pagkakasabi ni Gerald habang nakatitig siya sakin at hawak ang magkabilang braso ko.

Pero nananatili lang ako nakatitig sakanya.

Hindi na nagsalita pa si Gerald at saka ako agad na hinila at magsama kaming tumakbo kasabay ng iba pang mga taong nagpapa-panic na dahil sa takot.

Nagkalat ang mga dugo sa paligid ng naturang plaza, marami din ang sasakyan na nagkabanggaan, mga batang umiiyak dahil sa takot at mga gusaling bigla nalang umuusok at nasusunog.

Maya maya pa ay may mga sundalo at pulis ng nasa paligid, sinusubukan puksaain ang mga Zombies na nanggulo sa tahimik na pamumuhay ng mga tao.

“I'm scared.” nanginginig dahil sa takot na pagkakasabi ko.

Agad naman ako niyakap ni Gerald.

“Don't be scared. Nandito ako, hindi kita papabayaan.” saad ni Gerald ng yakapin niya ako.

[3months later]

Halos tumagal narin ng tatlong buwan ang nangyaring Zombie Apocalypse na bumago sa buhay ng mga tao.

Habang tumatagal din ay paubos na ng paubos ang suplay ng pagkain at tubig na nakukuha namin sa mga groceries at convience store.

Napuno narin ng takot at kaba ang buong mundo dahil sa mga Zombies na nasa paligid lamang, nag aabang ng mabibiktima.

“Wala na tayong pagkain. Kailan ko muna lumabas upang makahanap. Baka sakaling may natitira pang pagkain doon sa groceries store, na dati natin kinukuhaan ng pagkain.” saad ni Gerald saka dinampot ang 45 Caliber saka nilagay sa tagiliran niya upang maging self-defense. Ang baril na 'yon ay nakuha namin sa namatay na Pulis.

“Sasama ako.” saad ko.

Agad naman siya tumingin sakin.

“You must stay here. Mas magiging kampante ako kung mananatili kalang dito. Dahil alam kong mas magiging ligtas ka. Kaya ko na ang sarili ko.” seryosong pagkakasabi ni Gerald.

“Pero----”

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko na hagkan niya ako sa labi.

“Babalik din ako agad. Wag ka mag alala. Eto, gamitin mo 'to para protektahan ang sarili mo habang wala ako.” saad niya saka inabot sakin ang dapat na dala niyang baril.

“Anong gagamitin mo?” seryosong tanong ko.

“Ito.” nakangisi niyang pagkakasabi sabay pakita ng isang M16 Rifle.

“Love....”

“Mag iingat ako wag ka mag alala. Babalik ako ok? I promise.” nakangiting pagkakasabi ni Gerald saka niya ako hinagkan sa noo at saka agad na umalis kasama ng iba pang kalalakihan na maghahanap din ng pagkain.

Nagising ako na wala parin si Gerald sa tabi ko. Nakatulog na yata ako sa pag iintay sakanya, at mag u-umaga narin.

Agad ako lumabas ng tent, hawak ang 45 Caliber na iniwan niya sakin.

Hanggang sa matanaw ko ang isang lalake na iika-ika sa paglalakad, puno narin ng dugo ang kanang balikat at braso niya.

“G-Gerald.” nauutal kong sambit habang pumapatak ang luha sa mata ko.

Sa tindig niya niya ay halos wala narin siyang pinagkaiba sa mga Zombies na gumagala sa paligid.

“Lorraine! Ano pang iniintay mo? Barilin mo na!” rinig kong sigaw ng isang lalake.

Ramdam ko ang kaba, takot at lungkot na bumabalot sa buong katawan ko. Nanginginig ang kamay ko habang papalapit na ng papalapit si Gerald sakin.

“I can't....” sambit ko habang umaagos ang luha sa mata ko.

Kunti nalang ay malapit na sakin si Gerald, iba na ang itsura niya. Para siyang hayop na gutom na gutom at gusto ng kumain ng karne.

Nagulat nalang ako ng biglang umalingawngaw ang putok ng baril at tuluyan na ngang bumagsak si Gerald sa harapan ko.

Napaluhod na lang ako habang umaagos ang luha sa pisngi ko.

Lalapitan ko pa sana si Gerald ng hilain na ako ng isang sundalo palayo.

——

“Love...gising. Why are you crying?” pagtataka ni Gerald.

Agad naman ako napabalikwas at napayakap sakanya.

“Oh, anong nangyayari sayo? Nanonood lang tayo ng TV, nakatulog kana.” pagtataka niya.

Agad naman ako umiling habang patuloy ang pagpatak ng luha ko na kaagad naman niyang pinunasan.

“Kapag nagkaroon ng Zombie Apocalypse, wag mo 'kong iiwan ah? Gusto ko lagi tayo magkasama.” saad ko.

Agad naman sumeryoso ang mukha niya saka niya hinawakan ang kamay ko.

“Tinupad ko naman yung pangako ko sayo diba? Bumalik ako. Binalikan kita.” nakangiting pagkakasabi ni Gerald na labis kong pinagtaka.

“Anong ibig mong sabihin?” pagtataka ko.

“Kailangan mo ng mag move on, it's already been 5years. Pero lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita.” seryosong pagkakasabi ni Gerald saka niya ako hinagkan sa labi.

Pagdilat ko ay wala na siya sa harapan ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko, year 2030 na pala. Pero tila nakakulong parin ako sa nakaraan at alam kong hinding hindi na ako makakawala pa.

—THE END—



ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now