NOTEBOOK

52 3 0
                                    

“NOTEBOOK”

“Miss yung pouch mo nahulog....S-tacey Bautista?” saad ng lalakeng maputi, matangos ang ilong, maganda ang mga mata, may matikas na pangagatawan at nakabihis pang piloto ng makita niya ang company ID ko.

“Ako nga. Teka, kilala mo 'ko?” pagtataka ko.

Agad naman ngumisi ang lalake at agad akong niyakap na labis kong kinagulat. Lahat ng tao sa Lobby at ang ibang empleyado sa kompanyang pinagta-trabahuan ko ay nakatingin samin.

Agad naman din siyang kumalas sa pagkakayakap sakin.

“Ako 'to. Si Bryan Geronimo. Isa na akong piloto ngayon.” nakangising saad ng lalake at agad kumunot ang noo ko. Hindi ko siya kilala.

“Pasensya na, Mr. Bryan Geronimo. Pero hindi kasi kita kilala.” malumanay na pagkakasabi ko.

“15years ago. I was grade 6 student that time ng matanggap ko ang notebook na marahil ay galing sayo.” saad ng lalake.

[Flashback: 15years ago]

“Sabi ni Ma'am kukunin na daw yung mga notebook na ipapadala sa mga out of school youth sa Zambales.” saad ng Class President namin na si Chelsea at kaibigan ko rin.

“Sandali lang. May sinusulat pa ako.” saad ko habang abala sa paglalagay ng note sa notebook na ibibigay ko.

Naatasan kasi kaming mag donate ng school supplies para sa mga out of school youth na taga Zambales.

“Ano ba yang ginagawa mo?” pagtataka ni Chelsea.

“May sinusulat lang ako. Para kung sino man makakatanggap nito. Ay magsilbing motivation niya ang sinulat ko upang matupad niya ang pangarap niya.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Wow nice. Sige, hindi muna kita iistorbohin. Basta pagkatapos mo, ibigay mo sakin yan para maibigay na kay Ma'am.” saad ni Chelsea at agad naman ako tumango.

[End of Flashback]

“Ikaw yung nakatanggap ng notebook na galing sakin?” nakangiting tanong ko at agad naman tumango ang lalakeng nasa harapan ko.

“Oo, alam mo. Malaking tulong sakin yung sinulat mo sa notebook na yun. Dahil ginawa ko yung motivation ko. At ito na ako ngayon, isa na akong piloto. Maraming salamat sayo Stacey.  At sa totoo lang, nasakin parin ang notebook na natanggap ko galing sayo.” saad ng lalake at halos manggilid ang luha sa mga mata ko ng mga sandaling yun.

“I'm so proud of you. Isa kang patunay na hindi hadlang ang kahirapan para maabot mo ang pangarap mo.” nakangiting pagkakasabi ko sakanya.

——

As the days goes by, naging matalik kaming magkaibigan ni Bryan. At sa bawat achievement niya, ay nasa likod niya ako upang suportahan siya.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now