BE MY PROM DATE

63 7 0
                                    

“BE MY PROM DATE”

—REYZELL POV—

“Uy bhie, si Leo oh. Crush mo.” saad ni Honey sabay nguso.

Agad ko naman sinundan ng tingin kong saan direction nakanguso si Honey. At nakita ko nga si Leo na naglalakad kasama ng iba pa niyang mga kaibigan.

“Alam mo Reyzell walang mangyayari kung titignan mo lang si Leo. Lapitan mo na kaya. Isa pa, malapit na yung prom natin. Baka maunahan ka pa ng ibang babae na nagkakagusto rin kay Leo na maging prom date siya.” saad ni Cindy.

“Wag naman ganun. Ang pangit kapag si Reyzell ang magfi-first move. Babae siya. Kahit na ba siya yung may gusto. Basta, ang pangit lang tignan.” seryosong sambit naman ni Honey.

“Kayong dalawa, pwede ba magsipag tahimik nga kayo. Hindi ako makapag focused dito sa nire-review ko. Ang iingay niyo.” kunwareng inis na pagkakasabi ko.

“Asuuuus. Nagri-review ka? Eh hawak hawak mo lang naman yang libro pero kay Leo ka nakatingin. Wag nga kami Reyzell. Sa tagal natin magkakaibigan at magkaka-klase. Kilala na namin ugali mo. Alam namin na crush na crush mo si Leo since we were grade six hanggang ngayon na senior high na tayo.” sarcastic na pagkakasabi ni Cindy kaya natahimik na lang ako.

Ewan ko ba, marami narin naman ako lalakeng nakilala. Pero iba talaga pagdating kay Leo, kahit na alam kong marami akong kaagaw sakanya.

Matangkad, chinito, maputi, gwapo, may matikas na pangangatawan, matalino at mahusay mag gitara si Leo kaya naman hindi na nakakapag takang maraming nagkakagusto sakanya at isa na nga ako doon.

Dati kaming magkapitbahay ni Leo sa isang Village, hanggang sa lumipat kami. Akala ko nga hindi ko na siya makikita ulit. Pero laking gulat ko ng maging classmate ko siya noong grade six kami. Doon na nga nagsimulang magkagusto ako kay Leo.

Simula grade six hanggang ngayon na senior high na kami ay nilihim ko kay Leo na may gusto ako sakanya. Walang ibang may alam kundi ang tapat kong mga kaibigan na sila Honey at Cindy na aminadong naging crush din si Leo noong grade eight kami.

At ngayon na nalalapit na ang Prom namin, nais ko sanang yayain si Leo na maging prom date ko. Pero hindi ko alam kung paano ko siya yayayain. Nahihiya naman kasi ako bilang babae.

—LEO POV—

“Next week na yung Prom natin ah. May naisip ka na ba sino yayayain mo maging date?” nakangising tanong sakin ni Edward.

Napailing na lamang ako sa tanong niyang yun, dahil maski ako ay hindi ko rin alam kung sino.

“Bakit napapailing ka? Hindi mo alam kung sino? Sa dami ng babaeng nagkakandarapa sayo, aba mahihirapan ka talaga niyan.” sabat naman ni Troy.

“Kung ako sayo Bro. si Keith yung yayain mo. Maganda na nga, sexy pa.” advice ni Edward.

“Mali ka d'yan Bro. dapat si Aimie. Bro., mayaman yun. Congresman Daddy non eh.” pagmamalaki naman ni Troy.

“Yun naman pala mga gusto niyo eh. Edi yun nalang yayain niyo. Basta ako may naisip na ako kung sino.” seryosong pagkakasabi ko.

“Sino?!” sabay nilang tanong sakin.

Ngumiti lang ako sabay sulyap sa babaeng nakatayo sa gilid ng Library na tila ba ay may iniintay, si Reyzell.

Matagal na akong may gusto kay Reyzell. Since grade six, sa sobrang pagkagusto ko nga sakanya ay nagpa-transfer ako sa ibang school kahit medyo malayo sa village na tinitirhan ko dahil sa lumipat na sila ng bahay, para lang makasama ko siya.

Hanggang ngayon ay may gusto parin ako kay Reyzell. Kahit na marami ang babaeng nagkakagusto sakin, sorry sila kasi si Reyzell na ang nag mamay ari nitong puso ko.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now