STILL YOU

61 6 0
                                    

“STILL YOU”

“Si Agent Gomez nasaan?” tanong ko kay De Villa ng masalubong ko siya.

“Na assign na si Agent Gomez sa ibang Department.” sabat ng isang babae na kararating lang, si Miss Charmaine. Ang nagma-manage samin na mga agent.

“Pero bakit? I mean, biglaan naman yata Miss Charmaine. Matagal ko ng katrabaho si Agent Gomez. He's my partner for a long-time.” saad ko.

“You don't have to worry, Maureen. Dahil from now on. May magiging bagong partner kana.” nakangiting pagkakasabi ni Miss Charimaine na agad kong pinagtaka.

“Bagong partner?” pag uulit ko.

Nakangiti siyang tumango sakin at maya maya pa ay bumukas ang pintuan. Isang lalake na nakasuot ng suit ang pumasok. Matangkad, maputi, medyo chinito, kissable lips, gwapo at may matikas na pangangatawan. Halos matulala ako sakanya ng makita ko siya.

“I-Ikaw?” magkasabay namin sambit ni Zandro.

Yes, I know him. Paano ko ba naman makakalimutan ang TOTGA o The One That Away ko. Zandro is my first and last love, he's my ex-boyfriend. Apat na taon din kami magkarelasyon, but because of misunderstanding, jealousy and LDR he decided to end up our 4years relationship. And since then, hindi na nga ako pumasok sa kahit anong relasyon. Tila sinarado ko na ang puso ko sa kahit na sinong kakatakot dito and It's been 5years since we broke up. Kaya ganun na nalang ang pagkabigla ko ng makita ko siya.

“Magkakilala na yata kayo. Hindi ko na yata kailangan pa na ipakilala kayo sa isa't isa.” nakangising saad ni Miss Charmaine.

At agad naman tumaas ang kilay ko.

“Anong ginagawa ng lalakeng ito dito?” sarcastic kung tanong.

“Oh, he's your new partner.” nakangiting pagkakasabi ni Miss Charmaine.

“What?!” sambit ko.

“I have a call. Maiwan ko muna kayong dalawa.” saad ni Miss Charmaine at agad din itong umalis.

“How nice, Agent kana pala ngayon Maureen.” nakangising saad ni Zandro at agad ko lang siyang tinaasan ng kilay.

“Agent Maureen, pinapasabi ni Miss Charmaine na ikaw na daw ang bahala sa bagong agent natin.” nakangiting pagkakasabi ni Valdez saka din ito agad na umalis.

Agad naman kami nagtinginan ni Zandro saka siya bahagya na ngumiti sakin na kinainis ko.

[3weeks Later]

“Ano ba pwede ba bitawan mo nga 'ko.” inis na pagkakasabi ko habang hila hila ni Zandro ang kamay ko na palayo sa isang bahay.

“Bakit ba naiinis ka sakin? Dapat nga magpasalamat ka. Kasi kung hindi ako dumating malamang napatay kana ng isa sa mga tauhan ni Gov.” sarcastic na may pagka-seryosong pagkakasabi ni Zandro sakin habang hawak niya parin ang kamay ko at kaagad ko narin 'tong binawi sakanya saka inayos ang damit ko.

“Kung hindi ka dumating, malamang nakuha ko narin yung Flashdrive.” sarcastic na pagkakasabi ko.

“So mas mahalaga pa sayo yung Flashdrive na yun kaysa sa buhay mo?!” sermon sakin ni Zandro.

“At anong pakialam mo naman sa buhay ko?” sarcastic kong tanong.

“Nag aalala lang naman ako sa kaligtasan mo Maureen. Paano kung napahamak ka kanina? Edi konsensya ko pa?” paliwanag ni Zandro.

“Kailan ka pa naging concern sakin? Ang sarap sana pakinggan niyang sinasabi mong pag aalala mo sakin. Kung noon mo pa sana yan ginawa.” seryosong pagkakasabi ko paalis na sana ako upang balikan ang bahay ni Gov. ng bigla nalang niya ako buhatin.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang