FLY HIGH, 'CAUSE YOUR WINGS ARE MADE TO FLY

58 7 4
                                    

FLY HIGH, 'CAUSE YOUR WINGS ARE MADE TO FLY
📝: pinkishrose02

Ang buong akala ng noong labing-apat na taong gulang na si Daisy ay ang pangingimbang bansa ng kaniyang ama ang siyang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.

Taong 2013 nang magtrabaho sa ibang bansa ang ama ni Daisy na punong-puno ng pangako sa kaniyang naiwang pamilya. Pansamantala munang naninirahan sila Daisy, ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na lalake sa kaniyang tiyahin na kapatid ng kaniyang ama.

Hindi ka-anak ang turing sa kanila sa puder ng kaniyang tiyahin kundi isang kasambahay. Kahit umuulan ay nagwawalis ang ina ni Daisy sa malawak na bakuran ng kaniyang tiyahin dahil ayaw nitong nakakakita ng laglag na dahon galing sa tanim niyang punong kahoy. Habang ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki ay taga-linis ng kotse ng kanilang tiyahin. Paminsan-minsan ay sila din ang naglalaba ng mga damit nito, pati ang damit ng apo nito na may asawa narin.

Nagkakasiya lamang silang natutulong sa maliit na kubo na dapat sana ay para sa mga bisita lang. Kasama nilang natutulog sa kubong iyon ang dalawa nilang alagang aso.

Nang maka-ipon ang kaniyang ama ng sapat na pera na pang-upa sa ibang bahay ay umalis silang mag-anak sa puder ng tiyahin nila na iba ang turing sa kanila. Nangupahan sila sa isang hindi naman malaki at hindi naman maliit na bahay. May isang kwarto, maliit na kusina na kasama na ang sala at may sariling palikuran.

Ngunit isang dagok ang dumating sa kanilang buhay, natutong mangbabae ang kaniyang ama na nangakong gagawin ang lahat upang makaahon sila sa kahirapan. Dahil sa pangbabae nito ay pumalya ang padala nito sa kanila, dahilan upang pansamantalang tumigil sa kolehiyo ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalake at maghanap ng trabaho.

Gabi-gabing nakikita ni Daisy na umiiyak ang kaniyang ina na dahil sa pagloloko ng kaniyang ama. Ang bawat patak na luha ng kaniyang ina at tila kutsilyong tumatarak sa dibdib niya. Hindi niya gustong nakikitang umiiyak ito.

Hanggang sa hindi na sila nakabayad sa inuupahang bahay dahil sa pagpalya ng pagpapadala ng ama. Hindi naman makapagtrabaho ang kaniyang ina dahil madalas narin sumusumpong ang likuran nito at puson. Si Daisy naman ay nag-aaral na sa High School.

Dahil sa hindi makabayad ay pinalayas sila ng may-ari ng bahay na umuulan. Wala silang ibang nagawa kundi ang lumayas sa kasagsagan ng malakas na ulan, mabuti nalang at may mabuting puso na nagpatuloy sa kanila sa isang bahay kahit wala munang down payment.

Pilit nilang mag-iina tinatagan ang kanilang loob sa mga pagsubok na dumarating ngunit minsan ay pakiramdam nila ay bibigay na sila.

Taong 2017, aksidenteng na-open nila ang Facebook account ng kaniyang ama nang magtungo silang mag-ina sa computer shop kung saan nagta-trabaho bilang server ang kaniyang nakatatandang kapatid. Halos madurog ang puso ng ina ni Daisy habang binabasa ang conversation ng kaniyang ama at ang kabit nitong si Vilma Camposano Mejia na taga Batangas.

Nabasa nila mismo kung paano sabihin ng kaniyang ama na matagal ng patay ang kaniyang ina at wala narin siyang mga anak. Gusto narin umiyak ni Daisy ng mga sandaling iyon ngunit pilit niyang tinatagan ang kaniyang loob.

Hanggang sa kinompronta na ng ina niya ang kaniyang ama tungkol sa pangbabae nito, ngunit imbes na humingi ng tawad at mangakong magbabago na ay sinabi nitong,“Wala lang 'yan. 'Yan naman ang hirap sa'yo. Puro ka hinala!”

Dahil sa hindi nagpapadala ng maayos ang kaniyang ama sa kanila dahil napupunta ang sweldo nito sa kabit na nasa Batangas, ay pumapasok sa paaralan si Daisy na walang baon at uuwe rin na walang pagkain sa kanilang bahay.

Mabuti nalang at nakilala ni Daisy ang bestfriend niyang si Cristine na madalas sumasalo sa kaniya sa ilang gastusin sa kanilang paaralan. Ito rin ang nanglilibre sa kaniya tuwing breaktime kahit hiyang-hiya na siya.

Pumapasok siya ng walang baon ngunit hindi 'yun naging hadlang upang mapasama siya sa Top 10 magmula first grading. Halos maiyak naman siya ng umakyat ang ranked niya mula Top 7 to Top 3, pasok din sa Top ang bestfriend niyang si Cristine.

Ibinalita niya 'yun sa kaniyang ama at ang sagot lamang nito ay,“Ok,” pinilit na lamang ngumiti ni Daisy habang ka-chat ang ama.

Hanggang sa sumapit ang araw bago ang ika-labingwalong kaarawan ni Daisy, hindi na siya naghangad ng bonggang debut celebration dahil ang nais niya lang ay magkaroon ng kahit kunting salo-salo kasama ang pamilya't ilang malalapit na kaibigan na noon ay anim lang naman.

Humiling siya sa ama na padalhan siya kahit isang libo lang, ngunit ang sagot nito sa kaniya,“Anong gagawin mo sa isang libo? Wala pa kaming sweldo. Hindi naman ako nagtat*e ng pera dito!”

Muli, ay nabigo siya sa munting kahilingan. Sumapit ang 18th Birthday ni Daisy na lugaw ang kanilang hapunan, ngunit masaya parin siya dahil dinagsa siya ng mga mensahe galing sa mga kaibigan at sa mga kaibigan sa social media. Niregaluhan din siya ng kaniyang Kuya ng flashdrive na naglalaman ng full-concert video ng grupong iniidolo niya.

Lumipas ang halos isang linggo, nalaman nilang nagpadala pala ng limang libo ang kaniyang ama sa anak ng kabit nito dahil nagdiwang din ito ng kaarawan dalawang araw bago sumapit ang kaarawan ni Daisy.

Umuwe ang kaniyang ama mula sa pitong-taong pagta-trabaho sa ibang bansa na walang naipundar na kahit ano kundi ang sama ng loob sa kaniya ng naiwang pamilya sa Pilipinas.

Tuwang-tuwa pa si Daisy noon sa tuwing kinukwento sa kaniya ng ama't ina kung paano nabuo ang kanilang pag-iibigan na unti-unti ng nasisira sa paglipas ng mga taon.

Sa ngayon, patuloy parin silang lumalaban sa pagsubok na binibigay sa kanila ngunit ni minsan ay hindi nila naisip na sumuko.

Batid ni Daisy na darating ang araw na makakaahon din sila mula pagkakalugmok. Lahat gagawin niya upang matupad ang pangakong napako ng kaniyang iresponsableng ama.

Si Daisy ay walang iba kundi ang wattpad aspiring writer na si pinkishrose02

THE END

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now