MY KNIGHT IN SHINING ARMOR

59 3 0
                                    

MY KNIGHT IN SHINING ARMOR

Kasalukuyan kami naglalakad ni Harold sa isang eskinita ng may grupo ng kalalakihan ang humarang sa daraanan namin.

Sa tansya ko ay hindi bababa sa lima ang bilang nila. May mga dala ang iba sa kanila na dos-por-dos, ang iba naman ay may sukbit na baril sa tagiliran.

Sila ang gang na minsan ng nakaaway ni Harold dahil sa pagtatanggol sakin noong muntikan na akong mabastos.

“Habang tumatagal lalo kang gumaganda miss.” nakangising pagkakasabi ng lalake na nasa unahan. Si Bryan, ang leader ng gang.

Agad naman hinarang ni Harold ang kaliwang kamay niya na tila ba ay pino-protektan niya ako.

Kaya naman napatingin nalang ako kay Harold. He's not my boyfriend, but, the way he protects me para narin akong may boyfriend. Harold and I are just bestfriend. We were childhood friends back then.

Pero kung gugustuhin ko man magkaroon ng first boyfriend, siyempre gusto ko tulad ni Harold.

“Are you scared?” seryosong tanong ni Harold sakin pero nananatiling matalim ang tingin niya sa mga lalaking nasa harapan namin.

Agad naman ako tumango.

“Don't worry, I will protect you.” saad ni Harold.

Maya maya pa ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko saka nag umpisang kinalaban ang lalakeng pumalibot na samin.

Hindi niya hinahayaan na mahawakan o madampian ako ng sino mang lalake na kinakalaban niya ngayon.

Natigil lang ang labanan na yun ng may dumaan na police mobile at nagtakbuhan ang grupo ng kalalakihan.

Agad ko tinignan si Harold na may sugat sa kanang labi.

“May sugat ka.” pag alala ko.

Pero agad niyang hinawakan ang kamay ko.

“Sabi ko naman lagi sayo diba. I'm your knight in shining armor. Kaya wala ka dapat ikatakot kapag kasama mo ako.” saad ni Harold.

“Pero------”

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla niya akong hagkan sa noo.

“Po-protektahan kita hanggat kaya ko, dahil mahal kita April.” seryosong pagkakasabi ni Harold habang nakatitig sakin.

“Ok....CUT!” sigaw ng direktor.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now