Memories

210 6 0
                                    

“Tanya, kailan ka pa dumating?” ani Yaya Beth na halatang halata sa mukha ang pagkabigla sa aking muling pagbabalik.

“Few hours ago? Medyo natrafic lang po kaya ngayon lang ako nakarating. Nasupresa ko po ba kayo?” Nakangising wika ko. Hindi na umimik si Yaya Beth at agad na lamang akong niyakap.

Matagal-tagal din muli nang makabalik ako rito sa Pilipinas, kinailangan ko pa kasing siguraduhin na maayos ang business namin sa France bago ako magtungo rito sa Pilipinas.

Matapos kong ibigay ang pasulobong ko kay Yaya Beth at sa ibang kasambahay dito sa bahay ay agad na rin akong umalis upang supresahin naman ang boyfriend ko. Sobra na akong nananabik na mayakap at mahagkan siya.

Tanging si Yaya Beth na lang at ang malalapit at pinagkakatiwalaang kasambahay na lamang ng pamilya ko ang nangangalaga sa bahay na nagsilbing ‘Love Nest’ ng parents ko noon. Magmula kasi ng manirahan kami sa France ay madalang na lang kami makauwi rito sa Pilipinas, kaya naman ipinagkakatiwala na lamang ang paglilinis nitong bahay kina Yaya Beth.

——

Sobrang kinakabahan ako sa muli namin pagkikita ni Nathan, it almost been six years since the last time we saw each other personally. Palagi na lang kasi through video call kami nagkikita noon, I miss him so bad.

Bitbit ko ang mga regalo kong branded perfume na paborito ni Nathan nang magtungo ako sa opisina niya. Sa lobby pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga empleyado ni Nathan, batid kong hindi nila inaasahan ang pagdating ko kaya naman nginitian ko na lang sila.

Pagtapat ko sa pinto ng kaniyang opisina ay hindi na ako kumatok at pinihit na lamang ang doorknob saka ito binuksan.

Ngunit ang malapad na ngiti sa labi ko ay bigla na lamang naglaho nang madatnan kong naka-backhug si Nathan sa isang babae.

“Mga hayop kayo!” Pigil ang nagngingitngit na galit sa loob ko na saad ko habang pilit na kumakawala ng luha sa aking mata. Nang kapwa nila marinig ang boses ko ay agad silang kumalas mula sa isa't isa.

“T-Tanya..A-Anong ginagawa mo rito? K-Kailan ka pa dumating?” Nauutal na wika ni Nathan na halos mamutla na.

“Ang buong akala ko, ikaw ang masusupresa sa pagbabalik ko. Pero nagkamali ako, dahil ako pala ang masusupresa.” Sarkastikong saad ko.

“Tanya let me explain.” Mahinahong wika ni Nathan.

“Explain of what? Hindi pa ba sapat itong nakita ko at kailangan mo pang magpaliwanag sa akin? Hindi pa ba malinaw na niloloko mo? How could you cheated on me, when you know how much I love you!” Ngitngit ko at tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.

“Tanya..”

“How could you cheated on someone who truly loves you, who stayed by your side through ups and downs and who stayed loyal and faithful to you.” Mariing wika ko habang patuloy ang pag agos ng aking luha. Ang mga kamay ko halos nanginginig na rin at kong hindi ko mapipigilan ay marahil dumampi na ang palad ko sa pisngi ni Nathan at ng babaeng humaharot sa boyfriend ko na hanggang ngayon ay nakatayo lang sa gilid at pinapanood lang kaming dalawa ni Nathan.“Ang sabi mo mahal mo 'ko? Pero bakit kailangan mo 'kong saktan?” Pagpapatuloy ko.

“He didn't cheated on you—”

“Shut up!” Bulyaw ko sa pagsabat ng babaeng dahilan kung bakit nagcheat sa akin ang longtime boyfriend ko.

“Huwag mong pagtaasan ng boses si Melissa,” malamig na tinig ni Nathan dahilan upang mapabaling ang tingin ko sa kaniya.

“At pinagtatanggol mo pa talaga ang babae mo?” sarkastikong wika ko.

“Hindi ko siya babae, at tama siya, I didn't cheated on you Tanya,” seryosong saad ni Nathan dahilan upang sarkastiko akong matawa.“Because Melissa is my wife. She's my wife and we've been married for three years.” Pagpapatuloy ni Nathan dahilan upang sumeryoso ang mukha ko.

“How could you marry this woman when we are still on a f*cking relationship? Hindi mo lang ako basta niloko, hindi ka lang basta nag cheat, you also betrayed me!” Nag umpisa na naman tumulo ang luha mula sa aking mata. Ang mga kamay ko ay halos nanginginig at nanlalamig na.

“Tanya, listen to me,” malumanay na wika ni Nathan habang nakatitig sa mga mata ko.“We broke up six years ago—”

“Liar!”

“You don't remember it because you are still suffering from selective amnesia. Ikaw ang nakipaghiwalay sa akin, dahil ang sabi mo ay mas gusto mo mag focus sa pag aaral mo. Ilang beses kitang pinigilan sa desisiyon mong iyon dahil sobrang mahal kita at hindi ko kayayanin kapag iniwan mo 'ko. But at the end of the day, ang desisiyon mo pa rin ang nasunod. You left me, nagpunta ka sa France. Until one day, isang masamang balita ang nakarating sa akin. Na-aksidente ka habang pauwi galing sa isang Party, the following days, your dad called me. He told me that you are suffering from selective amnesia and he asked me a favor, na kung p'wede ay magpanggap pa rin akong boyfriend mo dahil ang naaalala mo lang ay ang past natin. Mahal kita kaya pumayag ako, after two years since the accident happened I met Melissa—”

“Stop telling me those lies!” Pagputol ko sa sinasabi ni Nathan dahil hindi na kinakaya ng isipan ko ang mga sinasabi niya. Sumasakit na ang ulo ko at tila binibiyak ito sa sobrang sakit.

“Oh my God! Tanya, are you okay?!” dinig kong boses ni Melissa nang mapahawak na ako sa ulo ko at muntik na mawalan ng panimbang mabuti na lang at mabilis akong nahawakan ni Nathan sa braso.

——

Nang magising ako ay nasa Hospital na ako, nagulat ako nang makita ko si Daddy na kausap si Nathan. Nang araw din na iyon, ipinaliwanag sa akin ni Daddy ang lahat. Nathan was telling the truth. I was the one who left him, the one who hurt him and the one who lied to him. Dahil hindi ako nakipag break noon kay Nathan upang mas mag focus sa pag aaral ko, I made that decision upang makawala na sa relasiyon namin.

Now that my memories back, the only man who love me was gone. My memories back, but I can't go back to someone who used to love me.

—THE END—
✍️: pinkishrose02

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ