I SAID I LOVE YOU, BUT I LIED

79 5 0
                                    

“I SAID I LOVE YOU, BUT I LIED”

“Hoy Maisha, nakita ko kagabi si Zandro sa Bar nila Fey. Naglalasing anong nangyari?” agad na tanong sakin ni Rachelle na kararating lang.

“Oh bakit mo sakin yan sinasabi?” tanong ko.

“Eh diba manliligaw mo yun? Baka alam mo kung anong problema niya.” mahinanon na tanong ni Rachelle.

“Hindi ko na manliligaw si Zandro. Binusted ko na siya.” seryosong pagkakasabi ko.

“What?! Pero bakit? Maisha, halos isang taon na nanliligaw sayo si Zandro. Saka, ano pa ba ang hahanapin mo sakanya? gwapo, may abs, mabait, sweet, gentleman, matalino at higit sa lahat anak ng CEO si Zandro. Pero bakit mo siya binusted? At isa pa, hindi ba matagal narin kayo magkaibigan ni Zandro bago pa man siya manligaw sayo?” panghihinayang ni Rachelle.

“Eh sa hindi ko nga siya gusto. Wala ako nararamdaman na kahit kunting pagmamahal sa kaniya. Bilang isang kaibigan lang ang pagmamahal na kaya kong ibigay sakanya. Kung nanghihinayang ka, edi sayo nalang siya.” inis na sagot ko.

“Ito naman naiinis agad. Sinasabi ko lang naman kasi sayo na baka pagsisihan mo yung ginawa mong pangba-busted kay Zandro. Baka kung kailan mahal o gusto mo na yung tao eh pag mamay-ari na siya ng iba o 'di kaya may iba na siyang gusto.” mahinahon na pagkakasabi ni Rachelle.

Hindi na ako nakipag-talo pa kay Rachelle at tumahimik na lang.

Totoo ang sinabi ni Rachelle, matagal ko na ngang manliligaw si Zandro. Pero bago pa man siya manligaw sakin ay matagal ko ng kaibigan si Zandro. Classmate siya ng Ate ko noong High School na ngayon ay nakatira na sa US.
Sinubukan ko naman na magustuhan siya sa loob ng isang taon na panliligaw niya sakin pero wala eh. Hindi ko talaga magawa na magustuhan o mahalin siya.

Kaibigan lang talaga ang pagmamahal na kaya kong ibigay sakanya.

Lumipas ang araw, linggo at buwan mula ng binusted ko si Zandro at hindi ko na siya muling nakita pa.

Wala narin siyang mga bagong updates sa lahat ng social media accounts niya.

Hanggang sa isang araw, nakatanggap ako ng text mula sa mommy ni Zandro.

Nasa hospital daw si Zandro. Naka-ICU mag iisang linggo na dahil na-aksidente ito pauwe mula sa isang Bar.

Nakaramdam ako ng pag aalala sa kaibigan ko na si Zandro kaya agad ako nag tungo sa Hospital.

Naawa ako ng makitang maraming aparatus na nakakabit sa katawan ni Zandro para lang patuloy siyang mabuhay, dahil critical ang condition ni Zandro.

Ilang saglit pa ay lumapit sakin si Tita, ang mommy ni Zandro.

“My son, loves you so much.” nakagiting pagkakasabi ng mommy ni Zandro.

“Tita sorry.” mahinanon na pagkakasabi ko.

“No, wala kang kasalanan. Hindi kita masisisi kung bakit mo binusted ang anak ko. Alam kong hindi mo siya kayang mahalin higit pa sa isang kaibigan. Pero may ipapakiusap sana ako sayo alang alang sa nag iisang anak ko.” seryosong pagkakasabi ni Tita.

“Ano po yun?” magalang na tanong ko.

“Kahit sa pagkakataon lang na ito. Wag mo sana iiwan ang anak ko, wag mo sana iparamdam sakanya na hindi mo siya kayang mahalin. Para sa mas mabilis na pag galing niya.” naluluhang pagkasabi ni Tita.

Agad ko muling tinigan si Zandro mula sa labas ng ICU na nakahiga sa kanyang higaan.

Pagkatapos ay muli ako tumingin sa mommy ni Zandro.

“Ok po Tita, gagawin ko po yun para sa kaibigan ko.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Salamat. Maraming salamat.” nakangiting pagkakasabi ni Tita at agad ako niyakap.

Simula ng pag uusap namin na yun ni Tita ay madalas ko na nga dinadalaw sa hospital si Zandro.

Lumipas lang ang halos tatlong araw ay nilipat na siya ng sarili niyang hospital room para doon ay magpagaling.

“Kamusta ka?” nakangiting pagkakasabi ko.

“Anong ginagawa mo dito?” nanghihinang pagkakasabi niya.

“To take care of you.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Did my mom ask you a favor para gawin 'to?” seryoso niyang tanong sakin.

“No.” agad na sagot ko.

“So, nandito ka talaga para alagaan ako? At dahil concern ka sakin?” seryoso niyang tanong.

“Yes. Kaya sana magpagaling kana para makalabas kana dito.” nakangiting pagkakasabi ko.

Hindi nagsalita ni Zandro at agad lang niya hinawakan ang kamay ko saka ngumiti sakin.

Akala ko tuloy tuloy na ang pag recover ng katawan ni Zandro.

Pero isang araw bilang nalang tumawag sakin si Tita bigla nalang daw kasi naging critical ang condition ni Zandro.

Nang oras din na yun ay agad ako nagtungo sa hospital.

Pero halos manlambot ang tuhod ko ng makitang kinakapos na ng hininga si Zandro.

“Zandro! Zandro lumaban ka wag mo kami iiwan!” pakiusap ko kay Zandro habang hawak ang kamay niya.

“B-before I died, P-please tell me t-that you love m-me.” naghihingalong pagkasabi ni Zandro sakin.

Agad naman ako napatingin sa mommy ni Zandro na umiiyak na sa isang tabi.

“P-please.” pakiusap ni Zandro.

“I Love You.” pagsisinungaling ko kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko.

Ngumiti lang sakin si Zandro saka siya muli nagsalita.

“I-I love y-you t-too.” huling kataga na binitawan ni Zandro bago siya tuluyan malagutan ng hininga.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon