BROKEN PROMISES

734 37 11
                                    

“BROKEN PROMISES”

“Tell me her name.” mahinahong tanong ko kay Vrix, agad naman s'yang napatigil sa paglalagay ng mga damit sa maleta at napatingin sa'kin.

“Do I really need to---”

“Please, I want to know.” seryosong pagkakasabi ko habang pinipigilan ko ang pagpatak ng luha sa mata ko.

“Grace.” tipid na sagot n'ya.

“Is she better than me?” muling tanong ko.

“Ano bang klaseng tanong 'yan, Margotte?!” inis na tanong n'ya sa'kin.

“Bakit hindi mo nalang sagutin 'yung tanong ko. Is she better than me?” muling tanong ko.

“Oo.” agad n'yang sagot saka muling bumaling sa pagi-impake ng mga gamit n'ya. Ako naman ay napaupo sa gilid ng kama kasabay ng pagtulo ng luha ko.

“Kaya ba mas pipiliin mo s'ya kaysa sa'kin? mas pipiliin mong iwan ako? talikuran ang halos dalawang taon na pagsasama natin bilang mag-asawa. 'Cause she's better than me? Ako ba, ni minsan ba wala akong nagawang tama sa relasyon natin? we've been together for almost 6years bago pa man tayo ikasal 2yrs ago. Sa 8yrs na magkasama tayo, wala man lang ba ako nagawang tama? o minahal mo man lang ba ako?” seryosong tanong ko, kasabay ng pagtulo ng luha ko. Natapos na si Vrix sa pag-iimpake ng mga gamit n'ya kaya naman sinira na n'ya ang maleta at itinayo ito sa gilid.

“Minahal kita Margotte, at alam ng diyos 'yan. At hindi ko na rin kayang saktan ka pa ng matagal...“

“So ano 'tong ginagawa mo? hindi mo pa ba ako sinasaktan sa lagay na 'to? ano 'to joke? nakikipagbiruan ka sakin ganon ba?”

“Margotte----”

“Kung ang ibig mong sabihin sa'kin ay napagod ka ng mahalin ako. Ang tanong ko lang ay bakit?” seryosong tanong ko.

“Wag mong ipamukha sa'kin na ako lang 'yung nakaramdam ng ganito. Dahil alam kong maging ikaw, nararamdaman mo rin na unti unti ng nawawala ang sparks sa pagitan nating dalawa.” saad ni Vrix.

“Oo, naramdaman ko 'yun. Pero naghanap ba ko ng iba? nag-file ba ako ng annulment? iniwan ba kita? diba hindi? kasi ayaw kong tuluyan na masira ang relasyon natin. At ginagawa ko lahat ng makakaya ko upang ibalik yung dating tamis ng pagmamahal natin. Pero ikaw? anong ginawa mo? hinanap mo sa iba 'yung pagkalinga.” mariing pagkakasabi ko.“Vrix, nangako ka sa'kin noon. Na hindi mo 'ko sasaktan. Hindi ka lang sa'kin nangako, maging sa harap ng diyos at ng mga magulang nating dalawa. Ang sabi mo sa'kin noon, kapag dumating ang araw na bigla nalang mawala 'yung kilig sa'ting dalawa, gagawa ka ng paraan upang manumbalik 'yun. Ito ba 'yung paraan na sinasabi mo? ang sumama sa iba?” naiiyak na tanong ko.

“Intindihin mo nalang ako---”

“Vrix, matagal na kitang iniintindi. Ako ba, nagawa mo 'kong intindihin?” mariing tanong ko habang tuloy ang pag-agos ng luha mula sa'king mga mata.

“Margotte, I'm so sorry. I'm really sorry. Sorry kung hindi ko nagawang tuparin ang lahat ng ipinangako ko sa'yo. Isipin nalang natin na marahil hindi talaga tayo 'yung nilaan ng diyos para sa isa't isa. Hindi kita gustong saktan, hindi ko gustong makita kang umiiyak. Pero mas masasaktan ka kung ipipilit pa natin ang isang bagay na hindi na nagwo-work, tulad ng relasyon natin. At wala akong ibang hinihiling sa diyos kundi ang makita kang masaya, kasama ang lalakeng pipiliin ka hanggang sa huli.” mahinahon at sincere na pagkakasabi ni Vrix.“Aalis na ako, iniintay na ako ni Grace. Ingatan mo sana lagi ang sarili mo.” mahinahong saad ni Vrix saka n'ya hinila ang maleta n'ya.

“S-Sandali.” garalgal na boses ko. Agad naman s'yang napatigil sa paghakbang at nilingon ako.“Before I let you go, can I hug you for one last time?” naluluhang tanong ko.

“Of course.” saad ni Vrix.

Saka ako humakbang palalapit sa kaniya. At habang naglalakad ako patungo sa kinatatayuan n'ya ay naalala ko ang araw ng kasal namin. Ang araw na inakala kong simula ng masayang kwento namin ni Vrix bilang mag-asawa ngunit nagkamali ako. Dahil pala ang simula ng pagtatapos ng aming sinimulang kwento.

Nang tuluyan na akong nasa harapan ni Vrix, hinawakan ko ang kamay n'ya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

“I'm so sorry for not being good enough.” naiiyak na saad ko. Dahan-dahan naman akong hinatak ni Vrix palapit sa kanya at saka n'ya ako mahigpit na niyakap.

And then I slowly closed my eyes.

[FLASHBACK]

“Sinasagot na kita.” nakangiting saad ko kay Vrix.

“S-Sinasagot mo na 'ko? Ibig sabihin girlfriend na kita?” halos hindi makapaniwalang tanong ni Vrix. Agad naman akong tumango.

“Oo, girlfriend mo na 'ko.” nakangiting sagot ko.

“Yes!! May girlfriend na ako!!!” masayang sigaw ni Vrix kaya halos pagtinginan kami sa restaurant na kinainan namin.

“Hoy ano ba, wag kang maingay! pinagtitingan na tayo ng mga tao oh!” saway ko kay Vrix.

“Ok lang 'yan, tignan nila ang napakaganda kong girlfriend. Hanggang tingin lang naman sila eh.” nakangising saad ni Vrix.

——

“Mahal ko, will you marry me?” nakangiting tanong ni Vrix habang nakaluhod sa harapan ko.”

“Y-Yes! I will marry you!” naluluhang masayang sagot ko.

——

“I now pronounced you, husband and wife. You may now kiss the bride.” saad ng pareng nagkasal sa'min.

[END OF FLASHBACK]

Maya-maya pa ay agad narin akong kumalas mula sa pagkakayakap ko kay Vrix saka ko pinunasan ang luha sa pisngi ko.

“Sige na, makakaalis kana.” seryosong pagkakasabi ko habang pilit na pinipigilan ang muling pagragasa ng luha ko.

Ngunit nananatiling nakatayo na nakatayo si Vrix sa harapan ko.

“B-Baka iniintay kana ni Grace. Kaya makakaalis kana.” saad ko habang naka-yuko ako.

“If I can only bring back the time, hindi ko na sana hahayaan na mag-crossed pa ang mga landas nating dalawa. Hindi sana kita nasasaktan ng sobra ngayon.” mahinahon na saad ni Vrix, kaya ako napatingala sa kanya.“Thank you for letting me go. I wish you to find your happiness soon.” muling saad ni Vrix. At tumango lamang ako sakanya. Tinapik n'ya lang ako sa balikat pagkatapos ay agad narin s'yang lumabas ng silid naming dalawa noon.

At doon na nagsimulang bumuhos ang kanina pang luha na iniipon ng mata ko. Sapo-sapo ko ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. Napaupo narin ako sa ibaba ng kama ko habang tuloy sa pag-iyak.

He left me.

The man who promise me an everlasting love is now happy with someone else.

Many more years later, may nakarating sa aking balita na ikinasal na sila ni Grace sa ibang bansa at may anak narin silang dalawa. Samantalang ako, ito nasa process parin ng pagmo-move on. Sobrang sakit parin eh. Pakiramdam ko ay niloko't sinaktan ako ng buong mundo.

Sadyang mapaglaro talaga ang pag-ibig. 'Yung akala mong s'ya na, ngunit nilaan pala s'ya sa iba at parang nag-stop over lang sa'yo.

I wish him to be happy with the woman he chose to be with forever. And hopefully, I'm also the same.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu