MAHAL, PATAWAD

72 2 0
                                    

“MAHAL, PATAWAD”

—LILY POV—

“Si mama ba yung kausap mo kanina?!” agad na bulyaw sakin ng boyfriend kong si Andy.

“O-oo, b-bakit?” halos nauutal ko naman na sagot sa kanya.

“Nagtatanong ka kung bakit? Edi ba nga, ilang beses ko ba kailangan ipaintindi sayo na wag ka makikipag usap sa kahit na sino sa pamilya ko. Tanga ka ba talaga o sadyang bobo ka lang?!” mariing pagkakasabi ni Andy dahilan upang unti unting tumulo ang luha ko.

“Nasa hospital daw kasi yung kapatid mo. Kailangan ni Tita ng pera, hindi kana naman niya makausap upang makahingi ng tulong dahil alam niyang hindi mo siya pagbibigyan. Kaya sakin nalang siya humingi ng tulong.” malumanay habang nakayukong pagkakasabi ko.

Hindi na kumibo pa si Andy at padabog na lumabas ng apartment kung saan kami nagli-live in.

Napaupo na lamang ako sa sofa habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata. Halos magwa-walong taon na kaming magkarelasyon ni Andy, hababg magli-limang taon naman kaming nagsasama sa iisang bubong. At sa walong taon na relasyon namin, hindi ko pa siya nakitang nagmalasakit sa pamilya niya. Medyo naiintindihan ko siya sa part na yun, alam kong malaki ang galit niya sa sariling pamilya niya dahil minsan na siyang itakwil ng mga magulang niya magmula ng umatras siya sa kasal nila ng pinagkasundo sakanya upang ipaglaban ang relasyon namin.

Ngunit gayun pa man, pamilya niya parin yun. Nararapat lamang na magkaroon sila ng kapatawaran sa isa't isa. Ngunit masyadong mataas ang pride ni Andy, minsan kahit siya ang may mali ay hindi siya hihingi ng tawad. Ganun din siya sakin, masyado ko lang mahal si Andy kaya kahit nasasaktan niya ako verbally ay hindi ko parin siya iniiwan.

[4days later]

“Mahal, pwede mo ba ako samahan?” nakangiting pagkakasabi ko kay Andy ng yakapin ko siya mula sa likod. Pero agad niyang inalis ang kamay ko sa bewang niya.

“Alam mo naman na busy ako diba?” seryoso niyang pagkakasabi sakin.

“Busy saan? Day off mo ngayon diba? Sige na mahal, samahan mo na 'ko. May bibilhin lang naman ako sa mall eh. Birthday kasi ng bunso kong kapatid, gusto ko siyang regaluhan. Kaya sige na please sama-----”

“Hindi nga ako sasama. Bakit ba ang kulit kulit mo!? Umalis ka kung gusto mo. Wag mo 'kong istorbohin.” inis na pagkakasabi ni Andy saka siya lumabas ng silid habang ako ay naiwan na nakatayo at tinitignan siyang naglalakad palayo.

——

—ANDY POV—

“Pre! si Lily!” bungad ni Dan.

“Oh, bakit?” wala sa mood kong sagot sabay laklak ng alak.

“Sinugod sa hospital si Lily!” pagbabalita ni Dan dahilan upang mabulunan ako sa iniinum ko.

“Anong sabi mo?!” tanong ko na may pag aalala.

Halos paliparin ko na ang kotseng minamaneho ko marating ko lang ng mas mabilis ang hospital kung saan sinugod si Lily.

Pagdating sa hospital, agad ako nagtanong sa nurse desk kung saan dinala ang girlfriend ko at agad din naman nila akong in-assist.

“Nurse, b-bakit nasa morgue tayo?” pagtataka ko.

Agad naman ako tinignan ng nurse saka malumanay na nagsalita.

“Dead on Arrival po ng dinala dito sa hospital ang pasiyenteng sinasabi niyo na si Ms. Lily Santiago dahil sa tindi ng head injury na tinamo niya dahil sa aksidente.” saad ng nurse.

Halos gumuho nga ang mundo ko ng mga sandaling yun. At mas lalo pa ngang nadurog ang puso ko ng makita ko na ang malamig na bangkay ni Lily.

Walang kahit anong salita ang namutawi sa labi ko kundi ang sunod sunod na patak ng luha ko ng yakapin ko ang bangkay ng babaeng pinakamamahal ko.

Anong nangyari, bakit kailangan humantong tayo sa ganito? Kailangan mo ba talaga akong iwan para matutunan ko yung mga pagkakamali ko? At makita ko ang halaga mo? MAHAL,  PATAWAD.

“OK...and CUT!” sigaw ng direktor sa 'di kalayuan.

Agad naman lumapit ang staff saka pinunasan ng tissue ang luha ko.

“I'm so glad to work with you.” nakangiting saad ni Giselle ang leading lady ko na gumanap ng Lily.

Agad ko naman siya nginitian saka siya umalis.

Hind ito ang unang beses na naging leading lady ko siya, dahil minsan na kaming nagsama sa “My Knight In Shining Armor” at sa “What If”

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now