DARE

53 0 0
                                    

“DARE”

—CLAIRE POV—

Nakangiti ako habang naglalakad bitbit ang regalo ko sa boyfriend kong si Evan, patungo ako sa bahay niya upang supresahin siya. Ngayon kasi ang 1st monthsary naming dalawa. He's my first boyfriend kaya naman todo effort talaga ako para lang mapasaya siya.

Pagdating ko sa tapat ng bahay niya, napansin kong medyo nakabukas ang pintuan kaya hindi na ako kumatok at pumasok na ako sa loob.

“Ibang klase ka talaga pre, akalain mong napaniwala mo si Claire na may gusto ka talaga sakanya. Ikaw na talaga pre. Idol na kita.” rinig kong tinig ng isang lalake kaya napatigil ako sa paghakbang.

“Kaya nga pre, ibang klase talaga 'tong si Evan. Napakatinik pagdating sa mga chicks. Ang hindi alam ni Claire, dare lang yun kaya siya niligawan nitong si Evan.” saad naman ng isa pa.

Halos tumutulo na ang mga luha ko ng mga sandaling yun habang tumatagos sa puso ko ang mga salitang naririnig ko at pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa mga natuklasan ko.

“C-Claire...anong ginagawa mo dito? K-kanina ka pa ba d'yan?” halos nauutal na tanong ni Evan sakin ng mapansin niya akong nakatayo sa may pintuan.

[Continuation]

Halos hindi ako makapag salita at nakatitig lamang ako kay Evan habang tumutulo na ang mga luha ko, dahil tila hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang mga narinig ko.

At ng balikan ako ng ulirat, isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ni Evan.

“Akala ko iba ka sa kanila, wala karin palang pagkakaiba sa mga lalakeng manloloko. Pare-pareho kayo!” nangigigil sa galit na pagkakasabi ko at nagmamadaling lumabas ng bahay ni Evan.

“Claire, wait! Please let me explain.” pakiusap ni Evan habang  hinaharangan niya ang daraanan ko.

“At ano pa ba ang dapat mong ipaliwanag huh? Evan iloko mo 'ko, pinaniwala mo 'ko sa isang kasinungalingan. Inakala kong mahal mo talaga ako, pero nagkamali ako. Sana hindi mo maramdaman kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.” saad ako habang patuloy sa pag agos ang mga luha ko.

“Claire, I'm sorry.” mahinanon na pagkakasabi ni Evan.

“Hindi ko kailangan ng sorry mo. The damaged has been done.” mariing pagkakasabi ko at agad narin na umalis.

Pagkatapos ay nagmamadali akong pumara ng taxi pauwe sa bahay.

Nang makauwe na ako ay agad akong dumiretso sa kwarto at doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Magmula nga ng araw na yun ay iniwasan ko na si Evan. Binlocked ko siya sa Facebook at Messenger, nagpalit narin ako ng cellphone number upang hindi niya na ako matawagan o ma-text pa.

—EVAN POV—

“Pre, babae lang yan. Hindi ka dapat naglalasing ng dahil lang sa babae.” saad ni Hernan ng madatnan niya akong nag iinum mag isa sa sala.

“Kasalanan niyo 'to eh. Hindi naman ako iiwan ni Claire kung sinipiran niyo yang mga bibig niyo!” inis na pagkakasabi ko.

“Oh, bakit nagagalit ka samin pre? Malay ba namin na dumating pala si Claire. Isa pa, ano bang kinakagalit mo d'yan? Pre, hindi lang si Claire ang magandang babae sa mundo. Saka totoo naman na kaya mo siya niligawan ay dahil sa dare namin sayo hindi ba?” depensa naman ni Kenneth. Hindi na ako kumibo pa at nilaklak nalang ang isang bote ng alak na hawak ko.

Aminado naman ako na sobrang nasaktan ko si Claire, at hindi sapat ang sorry lang. Gusto kong bumawe sakanya pero hindi ko alam kung papano. Wala na akong naging balita pa sakaniya magmula ng huli namin pagkikita. Pinuntahan ko siya sa bahay na tinitirhan niya, pero ayun sa kapitbahay ay umalis na si Claire nangibang bansa na siya upang doon magtrabaho. Tuluyan na nga akong iniwan ng babaeng nagparamdam sakin ng totoong pagmamahal.

[6YEARS LATER]

Nabalitaan ko nalang na ikinasal na si Claire sa Italianong nakilala niya sa Italy. Habang ako, ito single parin kaya naman nagfocus nalang ako sa career ko hanggang sa makapag patayo na ako ng sarili kong business at makilala ang babaeng bibihag ng puso ko, si Margo. Ang assistant manager ng sarili kong Restaurant.

Mabait, maganda at masipag sa trabaho si Margo, kaya naman nagustuhan ko siya agad.

Naging makaibigan kami, madalas ko siyang niyayayang kumain sa labas at manood ng sine. Hanggang sa nag confessed na ako sa kanya.

Doon ko nalaman na hindi lang pala ako ang may gusto sakanya dahil ganun din siya sakin.

Hindi kalaunan ay naging girlfriend ko na nga si Margo. Umabot din ng taon ang relasyon namin dalawa bago ako nag decide na pakasalan siya.

“Pre, ayos lang ba 'tong suot ko? Hindi ba pangit? Baka kasi ma-turn off sakin si Margo at hindi tanggapin yung proposal ko kapag-------”

“Pre, wag ka ng maraming sinasabi. Mahal na mahal ka ni Margo kaya imposibleng tumangi siya.” pagputol ni Hernan sa pagsasalita ko.

“Paano ba yan pre, doon na kami sa likod. Iwan kana namin dito. Good luck pre.” saad naman ni Kenneth at magkasabay na nga silang umalis.

Ilang sandali pa ay dumating na nga si Margo suot ang dress na niregalo ko sakanya noong anniversary namin.

Malayo palang ay nakikita ko na ang mga ngiti sa mga mata niya.

“Ano bang okasyon? Bakit gusto mong dito tayo magkita? Pinasuot mo pa 'to saking gift mo na dress. Hindi ko naman birthday ngayon, at mas lalong hindi natin anniversary.” pagtataka ni Margo kaagad naman akong huminga ng malalim saka hinawakan ang malambot na kamay niya.

“Babe, you know how much I love you, right? You're my happiness and my strenght. Hindi ko kaya kapag nawala ka sakin. Mahal na mahal kita.” seryosong pagkakasabi ko habang nakatitig ako sa mga mata ni Margo.

Agad naman hinaplos ni Margo ang pisngi ko.

“Mahal na mahal din kita, Babe.” nakangiting wika ni Margo.

Maya maya pa ay dumating na ang mga binayaran kong musikero at nagsimulang tumugtog ng romantikong awitin na magsisilbing background habang nagpo-propose sa girlfriend ko.

Hanggang sa lumuhod na ako sa harapan ni Margo upang hingin ang kamay niya. Kabado akong binibigkas ang mga katagang “Will you marry me.” habang hawak ang singsing.

Nakatitig lamang si Margo sakin at isang kakaibang ngiti ang gumuhit sa labi niya na pinagtaka ko.

“Do you really think I want to marry you? Do you really think I want to be with for the rest of my life? Hell no, Evan.” sarcastic na pagkakasabi ni Margo.

“W-what do you mean B-babe?” halos nauutal kong tanong kay Margo habang nakaluhod parin ako sa harapan niya.

“I don't really love you. This is just a part of a game. Pasensya kana kung nadamay ka pa, pero salamat dahil sayo I won in this game—or should I say, I won in this dare. So, I gotta go now. Bye.” saad ni Margo at halos hindi ako makapag salita habang tinatanaw siyang naglalakad papalayo.

Doon ko naisip na totoo pala ang kasabihan na, wag mong gagawin sa iba. Ang ayaw mong gawin din sayo.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now