007

11 0 0
                                    

“Babe, pauwi na ako. Nasa labas ka na ba? I bought something for you. Anyways, medyo maulan yata sa labas, ingat sa pag drive,”

“Sorry Babe, nagkayayaan kami ng barkada e. Hindi kita masusundo. But don't worry, I already called Ate Louise. Siya na lang daw ang susundo sa'yo d'yan sa office.”

Napabuntong hininga na lamang ako matapos marinig ang mga salitang iyon mula sa longtime boyfriend ko. We've been together for almost 9years, pero bakit hanggang ngayon hindi niya pa rin ako magawang priority sa buhay niya. Hindi ko nga alam kung paano kami tumagal ng siyam na taon nang ganito ang set up namin.

He's kind, sweet, carrying and gentlemen naman kapag nasa mood o kapag dalawa lang kami magkasama. Pero nagiging option ako kapag and'yan ang barkada niya na kasama lang naman niya sa kalokohan at saya, pero iniiwan siya kapag may problema na siya. At kanino siya lumalapit? Siyempre sa akin, napaka supportive ko kayang girlfriend kahit madalas ginag*go na ako.

“Okay. Enjoy kayo.”Tipid na litanya ko bago naputol ang aming pag uusap.

Nakabusangot akong inayos ang mga gamit ko bago pinatay ang ilaw sa opisina at saka ako lumabas. Pasado alas onse na nang gabi at medyo malakas pa rin ang ulan sa labas. Mangilan-ngilan na lang din ang tao sa gusali kung saan ako nagta-trabaho.

Pagdating sa lobby, agad akong binati ng security guard na nasa pintuan. Kaagad ko rin naman siyang nginitian bilang tugon.

“Wala pa yata ang sundo ninyo Ma'am Ashley,”aniya.

“Okay lang po, sa may waiting shed na lang po ako maghihintay ng sundo ko po. Parating na rin po siguro 'yon.”Pagsisinungaling ko pa kahit alam kong wala naman talagang susundo sa akin. Nakausap ko kasi ang Ate Louise ng boyfriend ko, nasa Gig siya ngayon kaya hindi rin niya ako mapupuntahan para isabay pauwi.

“Dito na lang kayo maghintay sa loob Ma'am, maulan po kasi sa labas. Baka mabasa kayo kung sa labas kayo maghihintay,” may pag aalalang wika ni kuyang guard.

“Okay lang po, sanay na.”Pabirong tugon ko at agad na rin lumabas ng gusali. Binuksan ko ang aking payong at saka nag umpisang maglakad patungong waiting shed upang doon mag abang ng taxi.

——

“O, pre saan ka pupunta?”awat sa akin ni Bryan nang makitang tumayo na ako sa aking silya.

“Uuwi na ako pre. Baka kanina pa naghihintay sa akin si Ashley, hindi pa naman 'yon nakakatulog nang maayos kapag hindi ako katabi.”

“Aysus! Maaga pa naman, saka akala ko ba nagpaalam ka sa kaniya? Huwag mo sabihin takot ka sa girlfriend mo,”pangisi-ngising sabat ni Arnel.

“Oo nga naman pre, isa pa ala una na ng madaling araw. Sigurado akong tulog na 'yon,”segunda naman ni Patrick.

“Hayst! Okay okay, mamaya na uuwi.”

“Correction, bukas na.”Sabay sabay kaming napalingon nang marinig ang pamilyar na boses ng isang babae.

“Vivian, anong ginagawa mo rito? Sino nagpapunta sa'yo?”Pagtataka ni Patrick. Si Vivian ay ang dati namin muse sa varsity during college days.

“Someone texted me,”nakangiting wika nito bago naupo sa tabi ko. Wala siyang pinagbago, maganda pa rin siya tulad ng dati.

Mabilis na lumipas ang oras, medyo naikot na rin ang paningin ko kaya nagpaalam na akong uuwi na. Kaya ko pa naman magmaneho pauwi kaya sumibat na ako. Pagtingin ko sa oras, pasado alas-tres na nang madaling araw. Nakatulog na kaya si Ashley? O napuyat na naman sa paghihintay sa akin. Wala rin naman siyang text o tawag mula kanina.

Naisip kong bilhan ng pasulubong ang girlfriend ko kaya dumaan ako sa cake shop na katabi ng office nila. Paborito niya ang mga cake na tinda roon kaya doon ko siya naisip bilhan ng pasalubong. Para kahit papano makabawi ako sa kaniya dahil hindi ko siya nasundo kanina.

Paliko na sana ako sa parking lot ng cake shop nang mapansin ang babaeng nakatayo sa waiting shed malapit gusali kung saan nagta-trabaho ang girlfriend ko.

“B-Babe..”usal ko nang mamukaan ang babae, walang iba kundi si Ashley.

Mabilis kong kinabig ang manebela ng kotseng minamaneho ko at tumigil sa tapat ng waiting shed kung saan nakatayo pa rin ang girlfriend, medyo tila na ang ulan sa mga sandaling ito.

“B-Babe, bakit andito ka pa rin?”Labis na pagtataka ko.

“Hinihintay ka,” Nakangiting wika nito ngunit mababakas ang lungkot sa mga mata nito.“Naghintay ako kahit alam kong hindi ka darating. Naghintay ako kahit alam kong bibiguin mo na naman ako. Naghintay ako kahit alam ko na mas inuna mo pa sila kaysa sa akin.”

“Babe, I'm sorry. Late birthday celebration din kasi ni Miguel e kaya ayon. Pero huwag ka mag alala, babawi naman ako sa'yo. Heto nga, papunta ako sa cake shop. Bibili ako nang paborito mong Red Velvet cake.”

Mapait itong ngumiti saka umiling sa akin.

“It's too late Babe,”wika nito dahilan upang manlamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam ngunit may kakaiba akong naramdaman matapos niyang sabihin 'yon. Pabilis nang pabilis ang kabog nang dibdib ko hanggang sa magulantang na lang ako sa ringtone ng cellphone ko.

------

“Kristoff, gising! Binabangungot ka na naman.”Agad akong napabalikwas matapos marinig ang boses ni Ate Louise. Napatulala ako sa kaniya ng ilang segundo, bago ako binalikan ng aking wisyu.

“Napanaginipan ko na naman siya Ate,”malungkot na wika ko kasunod nang buntong hininga.

“You should forgive yourself Kris, it's been a year since she died.”

“She died because of me Ate. Kung mas inuna ko siya nang gabing iyon, hindi siya maho-hold up. Hindi siya mam4matay, hindi siya mawawala sa akin,”saad ko kasunod nang pagpatak ng aking luha. “Ang t4nga ko Ate, ang t4nga-t4nga ko,”patuloy ko habang sinasabunutan ang aking buhok.

Hindi ko matanggap at kailan man ay hinding hindi ko matatanggap na nawala ang nag iisang babaeng nagmahal sa akin ng lubos nang dahil sa sarili kong kapabayaan.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now