THE BEAUTIFUL BRIDE

75 4 0
                                    

“THE BEAUTFUL BRIDE”

Halos tumulo ang luha sa mata ko habang nakikita kong naglalakad si Christine patungong altar suot ang dream wedding gown niya.

Naalala ko tuloy, pinangarap lang namin ito noon.

[Flashback: 4years ago]

“Ano ba yan dinu-drawing mo?” seryosong tanong ko sa girlfriend ko na si Christine habang abala sa ginagawa niya.

“Mamaya mo na ako kausapin. Kapag natapos ko na 'to.” seryosong niyang pagkakasabi kaya ang ginawa ko ay inilapit ko ang mukha ko sa ginagawa niya habang pinagmamasdan ang napakaganda niyang mukha.

Agad naman siya tumingin sakin saka siya ngumiti kaya agad ko siya hinagkan sa labi.

“Ang hilig mo talaga magnakaw ng halik.” nakangisi niyang pagkakasabi.

“Aba kung ikaw naman ang pagnanakawan ko ng halik. Hindi ako magsasawa.” nakangisi kong pagkakasabi sakanya.

“Ayan tapos na. Tignan mo, maganda ba? bagay ba 'to sakin?” nakangiting tanong ni Christine ng ipakita niya sakin ang wedding gown na iginuhit niya.

“Oo naman sobrang ganda at kapag sinuot mo yan, ikaw na ang pinakamagandang bride sa buong mundo.” nakangiting ko pagkakasabi saka ko niyakap mula sa likod si Christine.

“Kapag ikinasal tayo ito ang gusto kong isuot. Tapos maglalakad ako sa aisle at pagtitinginan ako ng mga a-attend sa kasal natin.” nakangising pagkakasabi ni Christine ng tumingin siya sakin.

“Tapos sa isang maganda at malaking simbahan tayo ikakasal. Ang gusto ko puro makukulay na bulaklak ang makikita sa paligid ng simbahan. Tapos after ng wedding natin, sa Paris tayo mag ha-honeymoon” dagdag pa ni Christine.

“Hindi na ako makapag intay na dumating ang araw na yun. Mahal na mahal na mahal na mahal kita.” nakangiting pagkakasabi ko habang yakap yakap si Christine.

Kaagad naman siya humarap sakin.

“Mahal na mahala din kita.” nakangiting pagkakasabi niya at isang matamis na halik ang pinagsaluhan namin dalawa.

[End of Flashback]

“I now pronounced you, Husband and Wife. You may now kiss the bride.” saad ng pari.

Halos tumigil ang mundo ko ng mga sandaling yun habang pinagmamasdan ang masayang ngiti ni Christine at ng halikan na siya ng kanyang napangasawa, walang iba kundi ang pinsan ko na halos tinuring ko narin kaibigan na si Jerome.

Ito ang kasal na pinangarap naming dalawa and she supposed to be by beautiful bride.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now