HAUNTED HOUSE (Base on a true story)

86 5 0
                                    

<1995>

Kasalukuyan na naghahanap ng bahay na mauupuhan sila ang mag-asawang Myrtle at Francis, kasama ang kapatid ni Myrtle na si Jhun.

At sa paghahanap nga nila ay nakarating sila sa Barangay Lalakay, province of Laguna (near Cam El Grades)

Kung saan may bahay na pinapauhan sa halagang isang libo. Malaki ang bahay at marmol ang flooring nito. May dalawang kwarto, malawak na sala at malawak na palikuran.

Dahil nga sa mura lang ang bahay at maganda naman ito, ay nagkasundo sila mama at ang may ari na uupahan nga nila ang bahay.

Pabalik na ng Manila sila papa, mama at ang tito ko upang kunin ang mga gamit nila.

"Ate, sigurado na ba tayo na uupahan natin yung bahay na yun?" mahinang tanong ni Jhun sa kapatid.

"Bakit Jhun? May problema ba?" sabat naman ni Francis.

"Wala naman Kuya, kaso parang may kakaiba sa bahay na yun eh. Diba kahit ikaw ate, nakita mo rin na wala yung bahay kanina kundi dalawang magkapatong na nitso ang nakita natin noong medyo malayo pa tayo sa bahay na yun." kwento ni Jhun.

"Hayaan na natin. Hindi naman siguro masama yung nakatira sa bahay na yun. Sayang naman kasi, ang mura lang ng upa tapos ang laki pa ng bahay." mahinanon na pagkakasabi ni Myrtle.

--

Hanggang sa nakalipat na nga sila mama sa nasabing bahay.

Agad silang naglinis at nag ayos ng mga gamit sa loob ng bahay.

Hanggang sa mapansin ni Myrtle ang puno ng Kamyas na tila patay na dahil wala ng dahon at pinagtatalian nalang ng sampayan.

Kaya agad niyang nilapitan ang puno ng Kamyas at tinanggal ang pagkakatali ng sampayan.

"Bakit mo tinanggal yung sampayan?" puna ng isang kapitbahay.

"Kawawa naman kasi yung katawan ng Kamyas, parang sakal na sakal na." sagot naman ni Myrtle.

"Eh patay naman na yang Kamyas na yan. Mahigit limang taon na yan hindi namumunga kaya nga ginawa nalang talian ng sampayan. Saka matagal na ako dito nagsasampay." masungit na sagot ng kapitbahay.

"Meron ka naman sigurong bakuran diba? Bakit hindi kana lang doon magsampay sa pwesto mo. Hindi dito dahil may nakatira na sa bahay na 'to." seryosong pagkakasabi ni Myrtle.

Agad naman umalis ang kapitbahay namin bitbit ang mga labahan niya.

--

Tuwing umaga at hapon ay dinidiligan ni Myrtle ang puno ng Kamyas.

Hanggang sa isang araw, nagulat nalang sila mama maging ang mga kapitbahay na bigla nalang nagkaroon ng umuusbong na dahon ang matagal ng patay na puno ng Kamyas at kalaunan nga ay nagkaroon ito ng hitik na hitik na bunga.

"Alam niyo, sa tinagal tagal na panahon na nakatira ako dito. Ngayon ko lang nakita na nagbunga ng hitik na hitik yang Kamyas na yan. Matagal ng patay ang puno niyan, tuyong tuyo na nga ang katawanan. Kaya nakakapagtakang nabuhay ulit yung puno." pagtataka ng isa pang kapitbahay nila Myrtle.

"Ah ganun ba." tipid na pagkakasabi ni Myrtle.

"Bagong lipat lang kayo d'yan diba? Naku mag iingat kayo sa bahay na yan. Dahil maraming nagsasabi na may multo sa bahay na yan kaya nga walang tumatagal na tumira kahit mura lang ang pa-upa." chismis ng isa pang kapitbahay nila Myrtle.

Ngumiti na lamang si Myrtle sa kanila pagkatapos ay agad na rin siyang pumasok sa loob ng bahay.

--

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now