BEHIND HER BEAUTY

66 7 0
                                    

“BEHIND HER BEAUTY”

Pasakay na sana ako ng elvator ng mapansin ko ang employee/kaibigan ko na si Danica na nakaupo sa gilid ng hagdan habang umiiyak, at kaagad ko naman siya nilapitan.

“What's wrong?” seryosong tanong ko.

“Nakipag break na ako kay Jerome.” umiiyak na pagkakasabi ni Danica.

“Nakipag break ka, tapos ikaw 'tong umiiyak? Isa pa, hindi ba't wala pang isang buwan na naging kayo? Tapos break agad?” sarcastic na tanong ko.

“Nalaman ko kasi na, pinagpustahan lang pala nila ako ng mga kaibigan niya. Hindi niya ako niligawan dahil mahal niya ako. Ginawa niya yun dahil may pustahan sila.” paliwanag ni Danica.

Bigla naman ako nangigigil kay Jerome, babae rin ako. Kaya nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman ngayon ng kaibigan kong si Danica.

“Nagawa niya yun sayo? Grabe siya. Matapos ka niya pakiligin at paniwalain sa mga mabulaklak niyang salita. Tapos lahat pala yun scripted.” inis na pagkakasabi ko.

Agad naman tumango si Danica.

“Wag kana umiyak Danica, hindi deserve ng lalakeng yun ang bawat luhang pumapatak sa mata mo. Punasan mo na yang luha mo. Baka may makakita pa satin dito, isipin nila pinapaiyak kita.” saad ko.

At kaagad naman tumayo si Danice mula sa kinauupuan niya at agad na pinunasan ang luha niya saka ngumiti sakin.

“Good Morning Mam Valerie.” nakangiting bati sakin ng secretary ko na si Jenny ng makasabay namin siya ni Danica sa elevator.

“Good Morning too.” nakangiti ko rin na bati sa kanya.

“Ok ka lang ba, Danica? bakit parang namumugto yung mata mo? umiyak ka ba?” pag aalalang tanong ni Jenny kay Danica.

“Ah wala 'to, napuwing ako kanina kaya dinaan ko sa iyak para mawala yung puwing sa mata ko.” pagsisinungaling ni Danica tinignan ko lamang siya saka ako ngumiti.

Dalawang araw matapos ang break up nila Jerome at ng kaibigan ko na si Danica, ay hindi inaasahan na nakita ko si Jerome sa isang restaurant kasama ang ibang babae.

Pasimple naman ako na lumapit sa kanilang dalawa na masayang nagki-kwentuhan sa isang table.

“Hi Jerome.” nakangiting bati ko.

Tila yata nagulat siya ng makita ako lalo pa't alam niyang matalik akong kaibigan ng babaeng niloko't sinaktan niya.

“V-valerie?” nauutal pang tanong ni Jerome sakin.

“Yes, it's me.” nakangiti ko naman pagkakasabi.

“Oh, so siya na pala ang bagong girlfriend mo ngayon?” sarcastic na pagkakasabi ko.

Agad naman nagtinginan si Jerome at ang babaeng kasama niya.

“Girlfriend ako ni Jerome, eh ikaw sino ka ba?” mataray na sagot ng babaeng kasama ni Jerome.

“Ah, kaibigan ako ni Jerome. Ikaw naman Jerome, hindi mo man lang sinabi sakin na may bagong girlfriend kana pala. By the way, I have to go. Marami pa kasi akong dapat asikasuhin.” sarcastic na pagkakasabi ko.

Bago ako umalis ay hinaplos ko sa braso si Jerome pagkatapos ay ngumiti lamang ako sakanya.

Kinagabihan, pa sakay na sana ako ng kotse ko ng makita ko si Jerome.

“What are you doing here?” seryosong tanong ko sakanya.

“Nakakabitin kasi yung ginawa mo kanina.” nakangisi niyang pagkakasabi at dahan dahan na lumalapit sakin.

“Alam mo, kapag ikaw naging girlfriend ko. Hinding hindi ako magsasawa sayo. Sa ganda mong yan. Tapos ang sexy at ang puti mo pa.” dagdag pa ni Jerome ng makalapit na siya sakin.

“Sabi na nga ba't hindi ka makakatiis at kusa mo 'kong pupuntahan.” saad ko at agad na gumuhit sa labi ko ang mapang akit na ngiti.

Kaagad nga kami nag check-in sa pinakamalapit na Hotel.

Pag pasok sa isang kwarto ay pasimple ko kinuha sa sling bag ko ang injection na naglalaman ng nakalalason na kemikal.

“Ang ganda ganda mo talaga Valerie.” bulong niya sa tenga ko.

Bago pa man niya ako mahalikan ay kaagad ko ng tinurok sa leeg niya ang injection na hawak ko.

Wala pang isang minuto ay kaagad nangisay ang buong katawan niya at bumula narin ang bibig niya, hanggang sa tuluyan na siyang malagutan ng hininga.

“Kung nagpakatino ka sana, hindi mangyayari sayo 'to. Sa dami kasi ng babaeng pwede mong saktan, yung babae pang halos tinuring ko ng kapatid. Ngayon, kabilang kana sa mga lalakeng naging biktima ng ganda kong 'to.” nakangiting pagkakasabi ko at saka ako umalis.

Paglabas ko ng kwarto ay kaagad ako sinalubong ng dalawang lalake.

“Nasa loob ang bangkay, kayo ng bahala.” seryoso kong pagkakasabi saka umalis.

Bago ako tuluyan umalis ng hotel ay pumunta muna ako sa isang silid kung saan nandoon ang monitor ng mga CCTV camera sa buong Hotel.

“Nagawa mo ba ng maayos ang pinapagawa ko sayo?” seryosong tanong ko.

“Yes mam Valerie.” sagot naman ng nagbabantay sa mga CCTV.

“Ok, good.” nakangiting pagkakasabi ko sabay abot sakanya ng isang sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera.

Kinabukasan, usap usapan nga sa buong opisina ang sunog na bangkay ng isang lalake na natagpuan sa sumabog na kotse. At kinilala nga ang bangkay na si Jerome.

“Valerie, may kinalaman ka ba sa nangyari kay Jerome?” mahinang tanong ni Danica sakin.

Agad naman ako napatingin sakanya.

“Kilala kita, High School palang tayo. Kapag hindi mo nagustuhan ang ugali ng isang lalake lalo na kapag bastos siya or manloloko. Hindi lumilipas ang----”

“Yes, I did.” seryosong pagkakasabi ko.

“Ginawa mo ba yun kasi-----”

“Oo, ginawa ko yun because of you.” seryosong pagkakasabi ko at saka ako umalis.

—THE END—






ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now