LONG DISTANCE RELATIONSHIP

45 1 0
                                    

“LONG DISTANCE RELATIONSHIP”

Nag wo-work nga ba ang LDR relationship? Yun din ang isa sa malaking tanong ko sa sarili ko. Eugene and I have been in a long distance relationship for almost 2years. At sa 2years na 'yun ay hindi pa kami nagkikita ni Eugune personally. Nasa parteng probinsya kasi si Eugene, habang ako ay nandito sa Manila. Sa social media siya nanligaw sakin at sa social media ko rin siya sinagot after almost a year na panliligaw. Noong una, nag doubt pa ako kung dapat ko na ba siyang sagutin? Eh maraming nagsasabing hindi katiwa-tiwala ang LDR. But still, sinagot ko parin si Eugene, bahala na. Mahal ko siya eh at ramdam ko rin naman na mahal din ako ni Eugene at tapat siya sakin. And also, legal kami both side.

24/7 kami magka-chat at magka-usap ni Eugene through phonecalls. Pero netong mga nakaraang araw, Eugene keeps ignoring my calls and messages. Ayaw ko mag isip ng nega pero hindi ko maiwasan. He's online but he didn't reply any of my messages. 3days from now ay 2nd Anniversary na namin, pero bakit tila ngayon pa kami magkakaroon ng problema for the first time in 2years.

“Naku Sha, sinasabi ko sayo nag uumpisa ng magloko yan si Baby Eugene mo.” saad ng kaibigan kong si Ysa na nakataas pa ang isang kilay. Hindi kasi siya boto sa LDR dahil minsan na rin siyang naloko ng ex niya ng maging LDR silang dalawa.

“Grabe ka naman Ysa, wag mo naman sabihin yan. Lalo mo lang ini-stress si Sharlene eh. Hindi naman siguro lahat ng lalake tulad ng ex mo.” saway ni Trisha.

“Anong hindi? Lahat ng lalake, pare-parehas lang mga yan. Yung mga malalapit na nga lang nagagawa pa mag cheat sa mga girlfriend nila, yun pa kayang mga nasa LDR? Naku Trisha, don't me. Kaya yang Eugene na yan? Naku naku talaga Sharlene!” mariing paliwanag ni Ysa at ramdam mo na may pinang huhugatan talaga siya.

“Yung ex mo naman kasi, manloloko talaga yun. Eh si Eugene naman mukhang mahal na mahal talaga si Sharlene. Oh diba, nagpadala pa nga ng regalo kay Sharlene noong 1st Anniversary nila na necklace na magkano nga 'yun? 5,000 pesos ba 'yun?” depensa naman ni Trisha at naalala pa talaga yubg kwintas na niregalo sakin ni Eugene noong 1st Anniversary namin na suot ko pa hanggang ngayon.

“Tigilan niyo na nga yan debate niyong dalawa. Mas lalo ako nai-stress sa mga boses niyo eh.” saway ko sa dalawa kong kaibigan at nagtaas narin ang tono ng boses ko kaya tumahimik nalang silang dalawa.

Palagi ko ini-stalk ang account ni Eugene sa lahat ng social media accounts niya, pero wala siyang bagong post.

'Active 7mins ago' sambit ko ng buksan ko ang convo namin sa Messenger. Pero hindi man lang nag reply sa mga text ko.

——

Lumipas ang dalawang araw ay wala parin paramdam si Eugene, umiiyak na nga ako gabi gabi dahil iniisip kong baka nagche-cheat narin sa'kin ang boyfriend ko tulad ng ginawa ng ex ni Ysa. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kong may nasabi ba akong hindi maganda o hindi nagustuhan ni Eugene nitong huling pag uusap namin kaya ngayon ay patuloy ang pag i-ignore niya sakin.

Kinabukasan, 2nd Anniversary na namin. Nagbukas ako ng Facebook at Messenger ko, walang kahit anong message si Eugene sakin wala rin siyang text o missed calls. Naalala niya kaya na anniversary namin? Siguro hindi.

Bumalik ako sa pagkakahiga ko sa kama habang umaagos na ang luha sa mata ko. Pigilan ko man ang hindi maiyak ay hindi ko kaya. May kami pa ba? o baka wala na.

Napabalikwas ako ng makarinig ako ng mga katok sa pintuan. Kahit nasa kwarto ako ay rinig ko ang katok sa labas ng bahay ko. Anong trip na naman ba nila Ysa at Trisha? Umagang umaga mang-iinis na agad. Palibhasa alam nilang anniversary namin ni Eugene ngayon.

Bumango ako at pinunasan ang luha ko saka ko tinungo ang pintuan at ito ay binuksan.

Isang lalake ang nakita kong nakatayo sa pintuan ng bahay ko pagbukas ko ng pintuan. Natatakpan ng sunflower na bulalak na isang bouquet ang mukha niya. Pero sa tindig niya, hindi maipagkakaila ang matikas niyang pangangatawan.

Unti unti niyang ibinaba ang bouquet ng bulaklak na humaharang sa mukha niya.

“Surprise...Happy 2nd Anniversary mahal ko.” nakangiting pagkakasabi ng lalake...si Eugene.

Halo halong emosyon ang agad na naramadaman ko. Gusto kong umiyak na hindi ko maintindihan, totoo ba 'to? Nasa harapan ko ngayon ang boyfriend ko?

Hindi ako agad nakapag salita at nakakatitig lamang kay Eugene. Ang mga mata niya, tila bituin sa kalangitan na nagni-ningning. Nakaka-akit pagmasdan.

“E-ugene?” sa wakas ay nagkaroon na ako ng pagkakataon na makapagsalita.

“Oo, ako nga.” nakangiting saad ni Eugene saka ako agad na niyakap.“Finally, nayakap ko rin ang babaeng pinakamamahal ko.” malambing niyang pagkakasabi habang nakayakapa sakin.

——

Sabi niya he planned everything daw. Sinadya na i-ignore ako kahit sobrang labag sa kanya at kating kati na siyang replayan ang mga messages ko. The day after our 2nd Anniversary ay nasa Manila na siya, he message my older brother na nasa Manila din upang alamin kung saan ako nakatira. He planned to surprised me on our 2nd Anniversary, at hindi lang 'yun....dahil nang araw na 'yun din ay nag proposed si Eugene sakin. And of course, without any hesitation I said Yes to my man.

——

It's been 4years since we get married na nagsimula lang sa simpleng Hi/Hello sa Messenger at react sa mga post ng isa't isa. 2years being in Long Distance Relationship na nauwe din sa kasalanan.

LDR really works kung hindi mawawala ang pagmamahal, tiwala at respeto niyo sa isa't isa.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon