UNDERNEATH THE MOON: 2

49 4 0
                                    

“UNDERNEATH THE MOON: 2”
(Part 2)

It's been already 5years since Dominique suddenly disappeared. Pero hindi parin ako gumi-give up, dahil nararamdaman ko na balang araw ay muli siyang babalik. Balang araw ay muli kami magkikita.

Sa nakalipas nga na limang taon ay maraming ng nagbago sa buhay ko. Isa na nga akong apiring actress at model ngayon.

May mangilan-ngilan palang naman akong awards an actress pero habang tumatagal nga ay paganda ng paganda ang takbo ng career ko.

Marami narin ipinartner sakin as a love team sa bahay movie or teleserye na pinagbibidahan ko. Pero walang sino man sa mga artistang nakakapareha ko ang makakapantay kay Dominique.

Minsan nga ay para na akong tanga dahil patuloy akong umaasa sa tao o nilalang na hindi ko alam kung babalik pa ba.

Hanggang sa naisipan ko na ngang mag focus nalang sa career ko. Inalis ko sa isipan ko si Dominique pero kailanman ay hindi siya nawala sa puso ko.

“Ok na ba yung make up ko?” tanong ko sa make-up artist ko.

“Oo naman Ms. Frea, kahit naman hindi kayo mag make up ay sobrang ganda niyo na.” nakangiting sagot ni Betty, ang gay na make-up artist ko.

“May Milk Tea ka sakin mamaya.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Naku Ms. Frea, kahit naman walang Milk Tea. Lagi kayong maganda. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit maraming mga boylet sa showbiz na gusto kayo maging leading lady nila.” salaysay ni Betty.

“Hay naku tigilan mo na 'ko d'yan sa pambobola mo.” biro ko.

“Totoo naman yun Ms. Frea, pero nagtataka parin ako. Almost 5years na kayo sa showbiz pero bakit wala parin kayong boyfriend?” pagtataka ni Betty.

“Eh kasi nga hindi pa siya nakaka-move on sa TOTGA niya.” sabat ni Coleen na kararating lang.

“Shhhh” sabat ko naman at sinamaan ng tingin si Coleen.

“Taga Showbiz din ba yung TOTGA mo Ms. Frea.” pang uusisa ni Betty.

“Tapos kana ba na ayusan ako Betty?” mahinanon na tanong ko.

“Yes Ms. Frea.” sagot naman ni Betty.

“Makakaalis kana.” nakangiting pagkakasabi ko kay Betty.

Agad naman na umalis si Betty.

——

“Nabasa mo na ba yung script mo?” tanong sakin ni Coleen.

Si Coleen ay manager ko narin ngayon.

“Hindi pa, mamaya nalang.” sagot ko.

“So, hindi mo pa alam na may kissing kayo ni Vincent?” seryosong tanong ni Coleen.

Si Vincent ang masugid na manliligaw ko during college days. Pero binasted ko rin siya agad dahil sa ugali niyang sobrang yabang. Nauna nga lang siya mag artista sakin ng anim na taon. Nalaman ng production team at ng direktor na may past kami ni Vincent kaya pinagtambal kami sa isang movie dahil mukhang may chemistry daw kami.

“Kissing scene?!” gulat na reaction ko at agad na napatayo sa kina-uupan ko.

“Yes. Ok diba? Jackpot na jackpot sayo si Vincent. Hindi mo nga siya sinagot noong college palang tayo pero may kissing scene kayo ngayon sa movie niyo.” sarcastic na pagkakasabi ni Coleen.

“Mag back out kaya ako?” seryosong tanong ko.

“Hindi mo ba ginagamit yang utak mo? Palibhasa puro ka Dominique. Hindi kana pwede mag-back out. Nabayaran kana ng kalahati para sa movie project mong 'to. Saka Frea, payong kaibigan hindi bilang manager mo. Kissing Scene lang yun, artista ka baka nakakalimutan mo. Natural lang yun, walang malisya yun.” paliwanag ni Coleen.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ