ANG CRUSH KONG AUTHOR

50 3 0
                                    

“OMGGGG pinusuan niya 'yung comment ko! He noticed me!!“ nagwawala sa kilig kong reaction matapos na mapansin ng crush kong author ang comment ko sa latest post niya.

Si Austin, o mas kilala sa username na @daydreamer sa wattpad. Sobrang idolo ko siya dahil sa husay niya sa paglikha ng mga nakakakilig na istoryo na tatatak talaga sa kaisipan ng mga makababasa nito. Ngunit isa lamang ako sa milyong-milyon niyang followers sa wattpad at facebook na nag-iintay na mapansin niya. At nangyari na nga ang matagal kong inaasam-asam. Mag-iisang taon palang na writer si Austin ngunit masyadong tago sa publiko ang identity niya. Siguro kasi mas gusto niya na may privacy siya. Ngunit gayon pa man,  ay parami parin ng parami ang taga-hanga niya.

“Ang ingay mo naman Tasha, kita mong naglalaro ako diba?” masungit na saway sakin ng kaibigan kong si Sammuel.

“So? nakiki-connect kana nga lang sa WiFi namin nagre-reklamo ka pa?” sarcastic na saad ko.“Kapal ng mukha.” bulong ko.

“May sinasabi ka?” seryosong tanong niya sa'kin.

“Wala.” pagalit kong saad at muli ng ibinaling ang atensyon ko sa pang i-stalk kay Austin.

“Wala ka ng ibang ginawa kundi basahin ang mga istoryo ng Austin na 'yan, ang papangit naman.” pang aasar ni Sammuel kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin.

“Mas pangit ka.” balik ko dito.

“Ako pa talaga sinabihan mong pangit? Tasha, baka nakakalimutan mo? apat na beses akong nanalo ng Campus Hearttrob.” tila pagmamayabang pa niya.

“Dahil lang naman 'yun sa votes ng mga junior high na nauto mo. Wag nga ako.” sarcastic na saad ko dito.

“Mag-ingat ka sa binibitawan mong salita, baka isang araw kiligin kana lang sa'kin.” nakangising pagkakasabi niya.

“Ako? kikiligin sa'yo? over my dead body. Alam mo kahit pumuti pa ang uwak, never akong kikiligin sa'yo. Mahiya ka nga sa sarili mo.“ nakataas ang isang kilay na pagkakasabi ko.

“Ok, sabi mo 'yan.” saad niya at bumalik sa paglalaro ng online games sa cellphone niya.

Ganoon lang talaga kami mag-asaran ni Sammuel, matagal na kasi kaming magkaibigan. Magmula first year highschool hanggang sa tumongtong kami ng college ay sobrang close na kami sa isa't isa. Talo pa naman ang magkapatid o magjowa dahil sa strong bond of friendship naming dalawa.

Hanggang sa isang araw, habang papauwe na ako galing trabaho. Naisipan kong buksan ang wattpad ko habang nag-aantay ng masasakyang jeep. Ganoon ako ka-adik sa pagbabasa ng story ni Austin, wala akong pinipiling lugar basta ginusto kong magbasa.

Hindi ko namamalayan sa sobrang tuwa at kilig ko sa binabasa ko ay tumatawa na pala akong mag-isa. Kaya ng mapansin ko ang sarili kong para na akong tanga ay bigla nag-iba ang expression ng mukha ko.

“Are you a fan of him?” mahinahong tanong ng boses lalake at tumango lamang ako habang tutok na tutok parin sa binabasa ko.“Do you love him?” saad muli ng lalake kaya napatingin na ako sakanya. Kaloka ang gwapo, ang tangos ng ilong, at medyo ka-look a like ni Park Seo Joon.

“Yes, I do love him. Pero tanggap ko naman na fan niya lang ako and I will never be his girl. Masaya na akong na-notice niya 'yung comment ko kahit isang beses lang. Pero ang hiling ko lang, sana makilala ko rin siya sa personal. Pero imposible yata 'yun, hindi nga siya nag pi-face reveal eh. Kaya paano ko siya makilala.” saad ko.

“Sigurado akong katulad mo ay hinihiling din niyang makilala niya sa personal yung masugid na taga-suporta niya. Ever since na nagsisimula palang siya magsulat, tulad mo.” nakangiting saad ng lalake.

“P-Paano mo nalamang----”

“Marami lang talaga akong alam tungkol sa kanya. Classmate ko kasi siya noong college. And did you know? his first story is dedicated to the girl that he likes for a very long time. That girl is his first love, at 'yung babaeng 'yun ay fan niya na ngayon. Hindi nga lang niya 'yun masabi sa fan niya 'cause he's afraid of rejection.” pagki-kwento ng lalake.

“Kapangalan ko pala 'yung first love niya.“ saad ko. At tumango naman siya.“Oh! nand'yan na pala 'yung jeep, mauna na ako. Bye! thank you sa trivia.” masayang paalam ko sa lalake at saka ko pinara ang jeep at sumakay dito. Sinulyapan ko pa siya ng tingin habang papaalis na ang jeep at muli ko siyang kinawayan. Sayang, hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Pagdating ko sa bahay, naupo ako sa sofa at agad na inopen ang facebook ko.

Austin update her profile 25mns ago

“P-Pamilyar ang mukha niya.” sambit ko habang mimasdan ang profile ni Austin. Agad akong tumingin sa mga comments, at maraming nagulat sa pag pi-face reveal niya. Mas lalo tuloy dumami taga-hangga niya gayon din ang mga kaagawa 'ko, dahil nalaman nilang ang gwapo pala ng author na si @daydreamers.

Inistalk ko ang account niya, at ikinagulat ko ang post niya 30 mins ago.

It's nice to finally meet you again my love, Tasha. Until we meet again.

Suddenly, naalala ko ang sinabi ng lakaki kaya nag comment ako sa post niya.

'Great'

at wala pang isang minuto ay nag react siya ng heart sa comment ko. At nag reply din ng...

'I hope to meet you again, ng masabi ko na sa'yo ng harapan kung gaano kita ka-mahal.'

matapos kong mabasa 'yun ay agad na nag-init ang magkabilang pisngi ko. Dahil sa labis na kilig.

Few days later, nag meet up kami ni Austin sa isang book store at sobrang kabado bente ako. Ewan ko kung bakit, siguro dahil alam ko na? na 'yung lalake na na-meet ko sa hintayan ng jeep at ang crush kong author ay iisa lang.

Naging ok naman ang pag-uusap namin, marami siyang ikinuwento sa'kin, during our college days. Sa iisang university lang pala kami, at madalas daw niya akong nakikita noon sa library na nagbabasa ng libro.

Lumipas pa ang mga araw, nagsimula siyang manligaw sa'kin. At iba ang feelings kapag isang author ang nanliligaw sa'yo. Feeling mo, isa ka sa mga wattpad fictional characters.

After six months, ay sinagot ko narin siya.

Tatlong taon na kami ni Austin ngayon bilang magkasintahan, at sa araw-araw lagi niya pinaparamdam sakin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano ako kahalaga sakanya.

Crush kong author noon, boyfriend ko na ngayon.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Onde histórias criam vida. Descubra agora