UNA'T HULING SANDALI

93 4 3
                                    

Mapait akong napangiti habang nakatanaw sa papalubog na araw habang sinasayaw ng hangin ang mahaba kong buhok. Kinuha ko ang camera ko sa loob ng sling bag upang kuhaan ng litrato ang papalubog na araw kasama na ang asul na dagat. My ex-boyfriend used to send me the picture of this place noong kami pa, nasa Long Distance Relationship kasi kami. He also promised me na when the right times comes dito siya magpo-propose sa akin, we both love ocean and Sunset kasi.

Natigilan ako sa pag e-emo ko nang kalabitin ako ng isang batang babae na sa tingin ko ay nasa edad lima hanggang pitong taong gulang.

“Yes?” malambing na tanong ko sa batang babae. Mahilig kasi talaga ako sa mga bata noon pa man.

“P'wede niyo rin po ba ako picture-ran?” ani batang babae, kaya napangisi na lang ako.

“Sure why not. Sa cute mong 'yan, makakatanggi ba naman ako?” Nakangiting saad ko.

Inumpisahan ko nang kuhaan ng litrato ang batang babae na hindi ko pa alam ang kaniyang pangalan. Pero sa totoo lang, tuwang tuwa ako sa kaniya dahil sobrang bibo niya.

Nang matapos ay isa-isa ko pinakita sa kaniya ang mga litrato niya, halos manggigil siya sa pagmumukha niya sa mga shots ko.

“Ate, what's your name po?” aniya.

“Trixie, ikaw?” Nakangiting saad ko.

“Hope po,” aniya. Nice name but it reminds me of something.“Parang ngayon lang po kita nakita rito Ate. Tourist ka po ba?” aniya at tumango ako.

“Gusto ko kasi i-fulfill 'yung promise ko sa isang tao kahit na matagal na kaming walang communication kaya ako nagpunta rito,” saad ko na akala mo ba ay naiintindihan ng batang kausap ko ang sinasabi ko.

“Gano'n ba. Nasaan na po ba siya?” Bata pa lang Marites na.

“Hindi ko alam, but I hope he's doing fine.” Nakangiting saad ko. Napatingin ako sa wrist watch ko, malapit na pala ang schedule flight ko pabalik ng Manila.“It's nice to meet you Hope, but I really have to go. Kailangan ko na kasi pumunta sa airport baka ma-late ako sa flight ko.” May lungkot sa aking mata na pagpapaalam sa batang babae, hoping to meet her again in some other time.

“Okay po Ate. Pero can you do me a favor Ate bago ka po umalis?” aniya.

“Ano 'yon?” Pagtataka ko.

Hindi kumibo ang batang babae at basta na lamang ako hinawakan sa aking kamay at hinila kung saan.

“Hope, kanina ka pa namin hinahanap ng Papa mo saan ka ba nagpupupunta?” salubong sa amin ng babae na sa tingin ko ay halos ka-edad ko lang. Is she Hope's Mom? Kung sabagay, they are look-a-like.“Sino 'tong kasama mo?” Nagtatakang tanong nito sa kaniyang anak nang balingan niya ako ng tingin.

“H-Hello, Trixie nga pala.” Nakangiting saad ko at nilahad ko pa ang kamay ko sa harapan niya upang pormal na makipagkilala. Hindi naman ako napahiya dahil nakangiti rin siyang tinanggap ang pakikipag kamay ko.

“Giselle,” aniya at bumitaw na kami sa kamay ng isa't isa.“Turista ka rito? Ngayon lang kasi kita nakita. Sa tagal kasi namin nagpupunta rito sa isla, halos kabisado ko na 'yung mga mukha ng mga taga rito,”

“Oo, sa katunayan pabalik na rin ako ng Manila,” saad ko.

“Gano'n ba? Taga Manila ka pala. Mag isa ka lang ba nagpunta rito?” intresadong tanong sa akin ni Giselle.

“Oo, may pangako lang kasi akong tinupad kaya kahit malayo itong lugar ay sinikap ko pa rin na makarating,” tugon ko.

“Dito siguro kayo nagkita ng boyfriend mo. Taga rito ba siya sa Santa Monica?” Nakangising wika ni Giselle.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now