UNDERNEATH THE MOON: 1

79 5 0
                                    

“UNDERNEATH THE MOON”
(Part 1)

Pauwe na ako galing sa birthday party ng kaibigan ko na si Coleen ng bigla akong may mabangga.

Dali dali akong bumaba ng kotse hanggang sa makita ko ang isang lalake na naka-handusay sa kalsada.

“Oh my god!” agad na sambit ko.

Agad ko nilapitan ang lalake at inalam kung buhay pa ba siya. Nang masiguro kung may pulso pa ang lalake ay agad ko 'tong sinakay sa kotse ko at saka dinala sa pinakamalapit na hospital.

——

Ilang minuto lang ay nagising na ang lalake.

“Nasaan ako?!” nanghihinang tanong ng lalake.

“Nandito ka sa Hospital. Bigla bigla kana lang kasi tumatawid, kaya aksidente kita nabangga. Pasalamat ka ako yung nakabangga sayo dahil kung iba yun sigurado akong hit-and-run ang inabot mo.” sagot ko.

“Hospital? Anong hospital?” pagtataka niya.

“Teka, naapektuhan ba utak mo? Sabi ng doctor galos lang naman ang natamo mo.” pagtataka ko.

“Hindi ko maunawaan ang sinasabi mo.” seryosong pagkasabi niya.

“Sino ka ba? Saan ka galing? May mga kamag anak ka ba na malapit lang dito? Anong contact number nila? Tatawagan ko para masundo kana nila.” magkakasunod na tanong ko.

“Hindi ko maalala kung sino ako.” seryosong pagkakasabi niya.

“Nagka-amnesia ka ba? Wait lang ha, tatawag ako ng doctor.” pag aalala ko.

Dali dali nga ako tumawag ng doctor. Hanggang sa isang doctor ang dumating. Napag alaman na wala naman problema sa utak ng pasiyente dahil sa aksidente. Pero nakakapagtaka lang na hindi niya kilala ang sarili niya, at parang wala rin siyang alam sa mundo.

“Wala ka bang mapupuntahan?” mahinanon na tanong ko.

“Wala.” tipid na sagot niya.

“Ok, ako muna ang pansamantala na kukopkop sayo habang hindi mo pa naalala kung sino ka at kung saan ka galing. By the way, I'm Frea.” nakangiting pagkakasabi ko.

Hindi siya sumagot ngunit ngumit lang siya sakin.

Sa katunayan hindi ko rin alam bakit ang gaan ng loob ko sakanya. Hindi ko na naisip kong masamang tao ba siya, basta gusto ko lang siyang tulungan.

“Ang sabi mo hindi mo kilala ang sarili mo diba? So, from now on Dominique muna ang itatawag ko sayo. Hanggat 'di mo pa nakikilala kung sino ka.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Dominique?” pag uulit niya.

“Yup.” sagot ko.

Pasado alas-onse ng gabi ng makarating kami sa bahay. Agad ko tinuro sakanya ang magiging kwarto niya pansamantala at para din makapag pahinga na siya.

——

Kinabukasan maaga ako nagising dahil sa isang ingay.

Dali dali ako lumabas ng kwarto ko at naabutan ko na galit na galit ang aso kong si Trixie kay Dominique.

“Trixie!” sigaw ko sa aso ko at agad naman 'tong lumapit sakin.

“Anong uri ng nilalang yan?” seryosong tanong ni Dominique.

“Hindi mo rin alam ang aso?” pagtataka ko.

“Aso?” pag uulit niya.

“My god, Frea. Anong klaseng tao ba ang inuwe mo.” sambit ko sa sarili ko.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now