SOCIAL DISTANCING

60 7 0
                                    

“SOCIAL DISTANCING”

Nakapila ako ngayon sa isang bangko, magwi-withdraw kasi ko ng pera. At dahil nga sa may pandemic ngayon, kailangan ng 1 meter social distancing bukod pa sa nakasuot ng face mask at face shield.

May nakabantay din na pulis at sundalo malapit sa bangko to make sure na safe ang mga magwi-withdraw ng pera at hindi mawawala ang social distancing.

At habang nasa pila ako, hindi ko inaasahan na makita ko ang kaibigan ko na si Pia, kaya sandali ko nakalimutan ang 'social distancing'.

“Uy Katrina, long time no see.” masayang pagkakasabi ni Pia.

At sa sobrang excitement nga ng muling pagkikita namin dalawa matapos ang 3 months na lockdown ay napayakap kami sa isa't isa.

Agad naman kami nilapitan ng isang pulis.

“Social Distancing.” seryosong pagkakasabi ng pulis.

Kahit naka mask siya, ang lakas parin ng dating niya sakin. Ang ganda ng mata niya, ang tangos ng ilong. Medyo matangkad siya sakin ng kunti at bakat sa suot niyang uniporme ang tikas ng panga-ngatawan niya.

Matapos niya kaming sitahin ni Pia ay agad ako dumistansya ng isang metro sa kaibigan ko.

Pero ng hindi na nakatangin samin ang pulis ay pasimpleng tinawag ko si Pia at muli siyang lumapit sakin.

“Kamusta kana ba?” interesadong tanong ko kay Pia.

“Ito mas lalong gumaganda.” natatawang pagkakasabi ni Pia. Minsan talaga may pagkamahangin 'tong kaibigan ko eh.

“Nagka-pandemic na't lahat lahat. Ang hangin mo parin.” pang aasar ko kay Pia.

“Grabe kana man, hindi kana lang sumang ayon sakin. Pero in all fairness sayo ah, ang mo blooming ngayon. Iba talag-------”

“Ilang beses ba dapat kayong dapat pagsabihan na kailangan ng social distancing?” sabat ng pulis na sumita samin kanina kaya hindi natuloy ni Pia ang sasabihin niya.

“Mr. Policeman, sumusunod naman po kami sa social distancing. Tignan mo nga, magkalapit ba kami ng kaibigan ko? Hindi naman diba? Nag uusap lang naman kami.” pangangatwiran ko.

Hindi nagsalita ang gwapong pulis at tinitigan niya lang ako, nakipagtitigan lang din ako sakanya hanggang sa umalis na siya.

Halos lahat ng nakapila sa labas ng bangko ay pinagtitinginan na kami.

Pagkatapos ko nga makapag withdraw ng pera at makapag groceries ay umuwe narin ako sa condo unit ko.

Bagot na bagot ako pumasok sa pintuan ng unit ko at kaagad naman ako sinalubong ni Bryan, ang husband ko. Newlyweds palang kami. May dalawang taon palang kaming naikakasal at wala pa kaming anak.

“Oh, uminom kana muna ng tubig.” saad ng husband ko sabay abot sakin ng baso na may malamig na tubig.

“Kanina ka pa nakauwe?” seryosong tanong ko sakanya.

“Oo kararating ko lang din.” sagot niya.

Pagkatapos ay agad siyang lumapit sakin at yayakapin sana niya ako pero umiwas ako sakanya.

“Bakit?” pagtataka niya.

“Social Distancing. Yan ang pinagpipilitan mo sakin doon sa bangko kanina diba? Kaya ngayon manigas ka. Wag ka lalapit at yayakap sakin.” mataray na pagkakasabi ko at akmang aalis na pero bigla niya ako hinila palapit sakanya.

“Ang asawa ko naman nagtampo agad.” nakangisi niyang pagkakasabi sakin at pagkatapos ay hinagkan niya ako sa labi.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now