HE'S MINE

48 2 0
                                    

“HE'S MINE”

—CELINE POV—

Ano nga ba ang sekreto ng isang matatag at matibay na relasyon? Simple lang, ang pagkakaroon ng tiwala, respeto, at higit sa lahat, ay ang katapan ninyong dalawa sa isa't isa.

Mag a-apat na taon na kami ng boyfriend kong si Stevan, at sa halos apat na taon na relasyon namin ni Stevan ay ipiniramdam ko sakanya ang sobrang pagmamahal, dahil ayaw ko siyang mawala sakin at mapunta sa iba.

Ngunit kahit pala ibigay mo na ang lahat sa taong mahal mo, darating parin ang araw na magsasawa siya at maghahanap parin ng iba.

“Babe, bakit bihis na bihis ka? Wala naman tayong usapan na lalabas tayo ah.” pagtataka ko ng makita ko si Stevan na lumabas ng kanyang silid na animoy may ka-date.

“May meet up kasi kami ng mga dati kong ka-trabaho sa opisina, tagal na kasi namin hindi nagkikita-kita.” seryosong pagkakasabi ni Stevan.

“Meet up? Eh diba halos nakaraan linggo lang ng mag meet din kayo?” pagtataka ko.

“Pwede ba Celine, wag ka ng maraming tinatanong. Panira ka ng araw eh.” asar na pagkakasabi ni Stevan saka pabalibag na sinara ang pintuan bago siya umalis.

Hindi ako naka-imik at unti unti ko nalang naramdaman ang pagpatak ng mga luha ko. Ramdam ko na ang unti unting pagbabago ni Stevan sakin, pero mahal na mahal ko siya kaya kahit ibalewala niya pa ako ng maraming beses. Siya at siya parin ang pipiliin ko, siya at siya parin ang gusto ko makasama hanggang sa pagtanda ko.

——

“Anong ibig sabihin nito?!” agad na sambit ko ng mahuling may kayakap na ibang babae si Stevan matapos ko siyang sundan ng hindi niya nalalaman.

“Celine a-anong----”

Hindi na naituloy pa ni Stevan ang sasabihin niya dahil isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi niya.

“Siya ba ang babae mo? Sumagot ka! Siya ba?!” pasigaw kong tanong habang patuloy sa pag agos ang luha ko.

Agad naman nilingon ni Stevan ang babaeng kayakap niya kanina. Mas lalo ako nanghina at halos sumikip ang dibdib ko ng makita ko ang paghawak ni Stevan sa kamay ng babae na para bang gusto niyang ipahiwatig sakin na mas mahal niya na 'to kaysa sakin.

——

—ANGEL POV—

“Miss Angel, may naghahanap po sainyo.” saad ni Danya, isa sa mga empleyado ko sa kompanya.

“Sino?” pagtataka ko.

“Ako.” seryosong pagkakasabi ng isang babaeng biglang pumasok sa opisina ko, si Celine. Ang ex-girlfriend ni Stevan.

“Anong ginagawa mo dito? Wala dito si Stevan.” sarcastic kong pagkakasabi.

“Alam ko, pero hindi naman si Stevan ang pinunta ko dito. Kundi ikaw mismo Angel. Oh wait, Angel nga ba? Bakit parang hindi naman yata bagay sa'yo yung pangalan mo. Mangaagaw.” sarcastic na pagkakasabi ni Celine, at tila nagpantig ang tenga ko sa huling salitang binitawan niya kaya napatayo ako sa kinauupuan ko.

“Magdahan dahan ka sa pananalita mo Celine, nakakalimutan mo yata kong sino ang unang nang agaw sating dalawa.” seryosong pagkakasabi ko kaya bahagyang napakunot ang noo ni Celine dahil sa sinabi ko.

“Ipapalala ko lang sayo Celine, ikaw ang unang nang agaw. Dahil sinamantala mo yung pagkakataon na walang maalala si Stevan kaya mo siya mabilis na naagaw sakin noon. Binabawe ko lang ang dapat na para sakin. Binabawe ko lang ang pagmamay-ari ko.” dagdag ko pa.

“Pero ako na ang mahal ni Stevan ngayon. Kaya sakin lang siya.” saad ni Celine.

“Kung gayon, bakit ako ang niyaya niyang pakasalan. At hindi ikaw?” sarcastic kong pagkakasabi sabay pakita ng isang kamay ko na may suot na engagement ring.

Sa pagkakataon na yun ay hindi na nakapagsalita pa si Celine at dali daling lumalabas ng opisina ko, siya namang dating ni Stevan na may dalang paborito kong bulaklak.

——

7years ago, ikakasal na sana kami ni Stevan. Pero nangyari ang aksidenteng naging dahilan upang magkalayo kaming dalawa. He suffer from post-traumatic amnesia. He can't remember anything, including me as his fiancee. Habang ako ay na-comma ng isang taon, dinala ako ng parents ko sa abroad upang doon ay mas mabilis na maka-recover. Years passed by, nagbalik ako sa Pilipinas para kay Stevan. Saka ko lang nalaman na may iba na siyang girlfriend, si Celine na matagal naring may gusto kay Stevan.

But, at the end of the day. HE'S still MINE.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now