HOW OUR STORY ENDED

69 6 0
                                    

“Ano pa ba ang dapat mo ipaliwanag sa akin? Ano pa ba ang dapat kong maintindihan? Ano pa ba ang dapat kong marinig mula sa'yo?” sarkastikong wika ko.“You cheated on me.”

“I didn't—”

“Yes you did!”

“I already broke up with you nang ligawan ko si Camille—”

“You broke up with me because of her. You left me because of her and you hurt me because of her.” seryosong saad ko.“Ano nga ulit 'yung pakilala mo sa akin noon kay Camille? Oh, she just your friend—a younger friend. Did she flirt you? Kaya nagawa mo 'kong iwan nang dahil sa babaeng 'yon?”

“Stop insulting her, Yumie!”

Sarkastiko akong natawa sa naging reaksiyon ni Tristan.

Tristan was my first boyfriend. We were highschool classmate, until we both fell in love to each other. He court me for almost one year, gusto ko kasi malaman if he really deserves me kaya I let him to court me ng gano'n katagal. And beside, he will be my first boyfriend kaya gusto ko talaga makasiguro.

Our relationship last for 3years, not until pumasok sa eksena si Camille na noon ay 3rd year highschool pa lamang at kami naman ni Tristan ay graduating na ng college sa magkaibang kurso—ako ay Nursing, si Tristan naman ay Civil Engineering. He treats her as his younger sister, at wala naman kaso iyon sa akin. I know how he loves to have a younger sister dahil only child lang siya ng parents niya.

Ipinakilala ni Tristan si Camille sa akin as his younger friend. But since she came to our lives, nag iba na rin ang treatment sa akin ni Tristan. Mas madalas pa nga yata niya nakakasama si Camille kaysa sa akin na girlfriend niya. Until one day, on our Monthsary nabigla na lamang ako nang mag decide si Tristan na makipaghiwalay sa akin.

“Kung sasaktan at iiwan mo lang din pala ako sa huli, hindi ka na sana pumasok sa buhay ko. Hindi mo na sana hinayaan na matutunan kitang mahalin. Hindi ko nagsisisi na minahal kita, kasi sa loob ng maikling panahon ay naging masaya naman ako sa piling mo. Alam mo kung ano 'yung pinagsisishan ko? 'Yung naniwala ako sa mga pangako mo na hanggang salita lang naman pala. Higit sa lahat, pinagsisihan ko na ipinagkatiwala ko 'yung puso ko sa'yo, kasi ang buong akala ko hinding hindi mo 'ko magagawang saktan. Pero nagkamali ako.”

“H'wag mo isisi sa akin lahat, alam mo na may pagkukulang ka rin.”

“Ngunit hindi iyon sapat na rason upang hanapin mo sa iba kung ano man 'yung pagkukulang ko. Dahil may naging pagkukulang ka rin naman, pero nakita mo ba na hinanap ko sa iba 'yung mga bagay na wala sa'yo? Hindi. Alam mo kung bakit? Dahil kontento na ako sa pagmamahal mo. Kaya hindi ko lubos maisip, bakit kailangan mo 'kong iwan nang dahil sa babaeng 'yon—”

“Dahil natutunan ko na siyang mahalin. Palagi kong sinasabi sa'yo noon, na kaibigan at parang nakababatang kapatid lang ang turing ko sa kaniya. Pero habang tumatagal na madalas ko siya nakakasama at nakakausap, nahulog na rin ang loob ko sa kaniya. ”

Napakagat na lamang ko sa pang ibabang labi ko habang pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng aking luha. May halos tatlong buwan na mula nang maghiwalay kami ni Tristan, at ngayon na lamang ulit kami nakapag usap matapos na aksidenteng mag cross ang landas namin sa isang coffee shop malapit sa Hospital kung saan ako nagta-trabaho bilang Nurse.

“Sana man lang, bago ka mag desisiyon na iwan ako at ipagpalit sa iba. Inisip mo sana muna 'yung mga pinangako mo sa akin. At kung alam mo naman sa sarili mo na hindi mo naman pala kaya panindigan ang mga pangako mo, hindi ka na lang sana nangako,” seryosong saad ko.

“I'm sorry—”

“Hindi ko kailangan ng sorry mo. Ang kailangan ko ay sapat na panahon upang gamutin 'yung sugat sa puso ko na ikaw ang may gawa,” seryosong saad ko.“Magso-sorry ka, kung kailan nasaktan mo na ako ng sobra? Nagpapatawa ka ba?” sarkastikong wika ko.

“Yumie..”

“Tandaan mo 'to, I will never forget the day that you betrayed. I will never forget the day that you left just for another girl,” saad ko bago ako magsimulang humakbang at nang sandaling makalagpas na ako kay Tristan ay tumigil ako upang muling magbitaw ng salita.“Darating ang araw na mare-realize mo rin kung ano ang sinayang mo. Ngunit kapag dumating na ang araw na 'yon, lumuhod ka man at umiyak sa harapan ko, hinding hindi na ako babalik sa piling mo.”

Abot langit man ang kirot sa dibdib ko ng mga sandaling iyon, nakangiti pa rin ako na lumabas ng coffee shop. Bago ako tuluyan sumakay sa kotse ko, nilingon ko pa si Tristan na nananatiling nakatayo at nakatingin sa kawalan.

The saddest thing ever in every relationship is you both loved each other, and then one day, one fell out love and left, other still in love.

THE END

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now