SWEETDREAMS, SEE YOU IN MY DREAMS

71 5 0
                                    

“SWEETDREAMS, SEE YOU IN MY DREAMS”

[Flashback: 2months ago]

“Nicole, ano matagal ka pa ba d'yan?” rinig kong sigaw ng bestfriend kong si Alison na nasa ibaba habang hinihintay akong lumabas ng silid ko.

“Saglit na lang, nagkikilay nalang ako!” sigaw ko habang minamadali matapos ang pagpapaganda ko habang nakaharap sa salamin.

Maya maya pa ay bumukas ang pintuan at bumungad sakin si Alison na nakakunot ang noo.

“Tama na nga yan. Bilisan na natin, anong oras na!” tila iretableng pagkakasabi ni Alison sabay hila sakin palabas ng silid.

May pupuntahan kasi kami ng bestfriend ko na concert ng favorite k-pop boy group niya. Ang totoo, kagabi pa hindi makatulog si Alison sa sobrang excitement na nararamdaman niya. Magdamag kami magka-video call, tapos ang pinag uusapan lang naman namin ay kung ano kaya mangyayari sa concert na pupuntahan namin. I'm not into k-pop, but since gustong gusto pumunta ng bestfriend ko at gusto rin niya na kasama ako ay napapayag niya ako.

Pagdating sa concert venue. Tili siya ng tili kahit hindi pa naman lumalabas mga idol niya. Gustong gusto ko na takpan ang bibig niya pero as a bestfriend, support nalang ako.

Matagal na kaming magkaibigan ni Alison. Since her mom died, samin na madalas si Alison. She's really close sa family ko. At dahil only-child ako, masaya ako sa tuwing nasa bahay si Alison. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng instant kapatid.

Ang isa't isa ang sandalan namin kapag may problema kaming pinagdaraanan. Parehas kaming NBSB or 'No Boyfriend Since Birth', mas nasanay na kasi kaming dalawa yung madalas na magkasama sa lungkot at saya.

Maya maya pa nga ay nagsimula na ang concert ng idol niya. At kita ko sa mga mata ni Alison ang sobrang saya. She's really cute lalo na kapag nagpa-fangirling siya.

Hanggang sa mapansin ko nalang na may lumalabas na dugo sa ilong niya at tuluyan na siyang bumagsak dahil upang mataranta ako sa pag aalala. Agad naman naisugod si Alison sa pinakamalapit na Hospital sa tulong ng mga security personel sa loob ng concert venue.

At doon ay napag alaman namin na may cancer si Alison.

[End of Flashback]

“Nagugutom ka ba? May gusto kang kainin?” tanong ko kay Alison ng mahuling nakatitig siya sakin.

Agad naman siyang umiling. Saka ako naupo sa tabi niya.

“I just want to say thank you. Simula ng ma-comfined ako and that was 2months ago, hanggang ngayon. Hindi ka umaalis sa tabi ko. Lagi kana rin puyat sa kakabantay sakin. Hindi ka kumakain kapag hindi mo kasabay, kaya nga kahit wala akong gana ay pinipilit kong kumain.” saad ni Alison, mapapansin sa boses niya ang panghihina ngunit pinipilit na magpalakas.

Agad ko naman hinawakan ang kamay ni Alison.

“Para saan pa ba at naging magkaibigan tayo? We made a promise na kahit anong mangyari. Hindi natin iiwan ang isa't isa. Kaya please, magpagaling ka.” saad ko habang nanggigilid ang luha sa mata ko.

“Hindi ko na kaya Nicole.” nanghihinang pagkakasabi ni Alison.

“Please....kayanin mo. Don't leave me please.” saad ko at tuluyan ng pumatak ang kanina pang iniipon na luha ng mata ko.

“I'm sorry...” nanghihina niyang pagkakasabi at mas lalo ko hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya habang patuloy ang pag agos ng luha ko.

“Alison....wag ka magsalita ng ganyan. Diba sabi mo, kapag gumaling ka. Ililibre mo pa ako? Aasahan ko yun. Kaya please magpagaling ka. Wag ka naman sumuko please.” saad ko habang pinipilit na ngumiti kahit sobrang nasasaktan na ako.

“I'm so lucky, to have a kind of bestfriend like you. Thank you so much.” nakangiting pagkakasabi ni Alison.

“Let her go, anak. Kung talagang hindi na kaya ng kaibigan mo.” sabat ni mommy na lumuluha narin.

“I can't.” naiiyak na pagkakasabi ko.

Tumango lang sakin si mommy habang naiiyak narin.

Ilang buwan narin kasi nakikipag laban sa sakit na cancer si Alison, alam kong pagod na pagod narin ang katawan niya. Ngunit patuloy siyang lumalaban para samin na nagmamahal sakanya. Ngunit tama nga yata si Mommy, I need to let her go. Kailangan ko narin hayaan na makapagpahinga na si Alison.

Maya maya pa ay bumaling ako ng tingin kay Alison saka hinaplos ang ulo niya.

“You can sleep now Alison. sweetdreams, see you in my dreams.” nakangiting pagkakasabi ko ngunit patuloy ang pag agos ng luha sa pisngi ko.

“Thank you.” nakangiting pagkakasabi ni Alison saka niya tuluyan ipinikit ang mata niya. Ilang saglit pa ay nag flatline narin ang heartbeat niya kaya naman napayakap nalang ako sa walang buhay na katawan ng bestfriend ko habang humahagulhol.

Whenever you are right, I hope you're ok. I hope you're happy. I love you, Alison.

Sweet dreams, see you in my dream.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now