RAINDROPS

99 7 0
                                    

RAINDROPS

I'm Zedrick. A boy who loves rain. Hindi ako close sa family ko, ever since kasi hindi ko rin naramdaman ang pag mamahal nila sakin. Kaya lumaki ako na makulit, matigas ang ulo, pasaway at walang pakialam sa mundo.

Nang mag 21years old na ako, nag decide ako na bumukod na ng sariling bahay sa mga magulang ko. Hindi naman nila ako hinadlangan, bagkus ay natuwa pa nga sila sa naging pasiya ko.

Tanging ang ulan lang ang nakakaalis ng lungkot ko. Ang ulan lang ang nakakapag pangiti sakin.

Isang araw, habang kasagsagan ng ulan. Isang babae ang nakilala ko. Si Joy, ang nag iisang anak ng bagong lipat sa katabi kong bahay.

"Hi." nakangiting bati niya sakin.

"Ako ba kinakausap mo?" cold na pagkakasabi ko.

"Oo, ikaw. Bakit may iba pang taong nasa harapan ko maliban sayo?" nakangiti niyang sagot.

"Wala akong panahon na makipag usap sayo. Humanap ka ng ibang kausap mo." seryosong pagkakasabi ko saka ako pumasok sa loob ng bahay.

Sa araw araw na nakikita ko si Joy, ay naiinis ako sakanya. Lagi niya kasi ako binabati, lagi siyang nakangiti. Lagi siyang masaya.

Hanggang isang araw, mula sa bintana ng kwarto ko natanaw ko si Joy na nagpi-pinta sa loob ng kwarto niya.

Napansin niya yata na may nakatingin sakanya kaya agad siya lumingon.

Pero bago pa man niya ako makita ay agad ko ng sinara ang bintana ng kwarto ko.

Agad ko inilapat ang katawan ko sa kama ko, sinalpak ko sa tenga ko ang earphone hanggang sa makatulog na ako.

Kinabukasan, palabas na ako ng pintuan ng bahay ko ng salubungin ako ni Joy.

Nakangiti siya sakin habang dala ang isang paper bag.

"Ano yan?" seryosong tanong ko.

"Chocolate Cookies. Napansin ko kasi na lagi kang seryoso. Mag iisang buwan mo na akong kapitbahay pero kahit minsan hindi pa kita nakitang ngumiti man lang. Kaya naisipan ko gumawa ng Chocolate Cookies para sayo." nakangiting salaysay ni Joy sabay abot sakin ng paper bag.

"Hindi ako kumakain ng Cookies. Saka ano bang pakialam mo sa buhay ko? Ikaw ba, pinapakialaman ko ba yang buhay mo? Saka pwede pa. Tigilan mo na yung kakabati sakin kapag nakikita mo 'ko. Hindi ka nakakatuwa." inis na pagkakasabi ko saka umalis.

--
"Tol, parang bad trip ka ah. Anong problema?" tanong sakin ng barkada kong si Jigs.

"Wala 'Tol, naiinis lang ako sa bagong kapitbahay ko." sagot ko.

"Ah yung maganda saka maputing babae? Ano nga pangalan 'non? Joy ba yun? Bakit ka naman naiinis? Ang ganda ganda kaya niya. Alam mo 'tol, kung wala lang akong jowa liligawan ko yun eh." sagot ni Jigs.

"Eh paano ba naman kasi 'tol, umagang umaga bina-badtrip ako. Tapos kanina salubungin ba naman ako na may dalang chocolate cookies at gusto pa yata pakiaalaman yung buhay ko." inis na pagki-kwento ko.

"Ikaw talaga, pasalamat ka nga nakikipag kaibigan sayo yung tao. Hayaan mo na 'tol. Edi ba nga, bagong lipat lang siya sa Village niyo. Wala pa siyang masyadong kakilala kaya siguro ikaw ang naisip niyang kaibiganin. O baka naman may gusto sayo 'tol." nakangising sagot ni Jigs na lalo ko kina-asar.

--

Gabi na ng makauwe ako sa bahay galing sa isang barkada.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bahay ko ng makita ko ang Paper Bag na nasa gilid ng pintuan. Yun ang paper bag na dala ni Joy kanina.

Agad ko yun kinuha saka tinignan ang laman. Pero hindi lang pala Cookies ang laman ng Paper Bag kundi isang sulat.

Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay agad ko binasa ang sulat.

"Hi Zedrick, sorry kung ang kulit ko masyado. Gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo. Wala kasi akong ibang kaibigan. Ok lang kahit ilang beses mo 'ko ipagtabuyan hindi parin ako titigil hanggang sa maging magkaibigan na tayo. Alam ko may mga pinagdaraanan ka kaya ka ganyan, nandito lang ako. Sabihin mo sakin kung anong problema mo, handa kitang pakinggan. Sana magustuhan mo yang ginawa kong Chocolate Cookies. Makakatulong yan para kahit papano sumaya ka.

Joy."

Hindi ko alam pero bahagya ako napangiti sa sulat na yun ni Joy.

Wala naman sigurong masama kung makikipag kaibigan ako sakanya, dahil mukha naman siyang mabait.

Kinabukasan, pagkagising ko ay agad din akong gumawa ng Chocolate Cake. Natutunan ko yun sa lola ko.

Nang matapos kong gawin yun ay agad ako nagtungo sa bahay nila Joy. Dala ang Chocolate Cake na ginawa ko para kay Joy.

"Magandang araw po. Nand'yan po ba si Joy?" magalang na bati ko.

Agad naman lumabas ng pinto ang mommy ni Joy.

Halata sa mga mata niya na kakagaling lang niya sa matinding pag iyak.

"Hello po. Ako po yung nakatira d'yan sa kabila. Gumawa po ako ng Chocolate Cake para kay Joy, kapalit ng Cookies na binigay niya sakin kahapon. Nasaan po siya?" magalang na pagkakasabi ko.

"Wala na ang anak ko. Isinugod siya sa Hospital kagabi. 'Di na kinaya ng katawan niya ang sakit kaya tuluyan na siyang bumigay." naiiyak na pagki-kwento ng mommy ni Joy.

"Po?" gulat na reaction ko at halos mabitawan ko ang cake na dala ko.

--

Napag alaman ko na may malubhang sakit pala si Joy na matagal niya ng iniinda. Sa kabila ng mga ngiti niya ay mas mabigat na problema pa lala ang pinapasan niya kaysa sakin.

Huli na para makabawe pa ako sakanya. Huli na para masabe ko sakanya na gusto ko rin siya maging kaibigan. Huli na para pasalamatan ko siya sa araw na araw na pagbati niya sakin.

At sa tuwing pumapatak nga ang ulan ay lagi ko naalala si Joy. Naaala ko ang unang pagkikita namin.

Yun ang unang beses na nasilayan ko ang maganda niyang ngiti.

Ang mga ngiti niya kailan man ay hindi ko na muling makikita pa. Kahit ilang beses ba bumuhos ang malakas na ulan.

-THE END-

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now