CLOSURE

82 7 0
                                    

“CLOSURE”

“Hoy Xyrille, totoo ba yung nabalitaan ko? Break na daw kayo ng jowa mo?” agad na tanong ni Venice sakin.

“Kaya ka ba nagyaya na mag food trip tayo dito sa bahay mo kasi yan ang itatanong mo sakin?” seryosong pagkakasabi ko.

“Ikaw naman, gusto ko lang naman-----”

“Oo break na kami.” malumanay na pagkakasabi ko.

“Grabe naman, pero bakit? Eh, sino nakipag break? Ikaw ba o si Dave? Malapit na 2nd Anniversary niyo diba?” panghihinayang ni Venice.

“Ako yung nakipag break, pero ako 'tong nasasaktan. Nabigla lang naman ako ng sinabi ko sakanya na maghiwalay nalang kami kung palagi nalang kami nag aaway at palagi nalang ako yung nag e-effort sa relasyon namin na dapat ay parehas kami diba? Pero imbes na pigilan niya ako, sinuportahan niya pa ako sa gusto ko. Nakipag break nga siya. Aminado ako na para akong pabebe at ang immature sa part na makikipag break ako tapos gusto 'ko pigilan ako. Pero kasi, imbes na ayusin namin 'to. Imbes na sabihin niya sakin na..sige, babawe ako ayusin natin 'to. Wala eh, ginusto narin niyang bumitaw. Minsan kasi, appreciation lang yung kailangam ko. Yun lang, pero kahit yun ay hindi niya pa magawang ibigay sakin.” salaysay ko.

“Kaloka talaga yang si Dave. Samantalang dati kala mo kung sinong matinong manliligaw. Eh sasaktan ka lang pala. Pero alam mo, hanga ako sayo. Kasi nagawa mong bitawan na yung lalakeng hindi naman deserve ang loyalty at pagmamahal mo. Gwapo lang yan si Dave, pero wala. Ekis na yan sakin.” saad ni Venice.

“At alam mo ba kung ano yung mas masakit? Yung malaman mo na, for the past 2years na magkarelasyon kami ni Dave. Yung 4months doon, may girlfriend pala siya sa ibang lugar. Nalaman ko lang yun kanina nang mag break na kami. May nag message kasi sakin. Gusto kong itanong sakanya kung totoo ba, pero wala naman na akong karapatan dahil nga break na kami. Sobrang sakit sa side ko, kasi for the past 2years nagpaka-loyal ako sakanya, pero sa kabila ng pagiging loyal ko. Nag cheat parin siya sakin.” pagki-kwento ko habang si Venice ay seryosong nakikinig sa mga sinasabi ko.

——

Three days has been passed. Friend ko parin si Dave sa Facebook kahit na break na kami, kaya naman nakikita ko parin ang mga post niya.

Hanggang sa mapadaan ang post na picture ni Dave sa newsfeed ko.

'With my favorite girl. Thank you for always being there for me. Ily'

Yan ang nakalagay na caption sa itaas ng picture niya at ng kasama niyang babae.

Agad ko inistalk ang timeline ni Dave.

Doon ko napag alaman na bagong girlfriend niya na pala yung babaeng kasama niya sa picture.

Bakit ang bilis naman? Pangatlong araw palang naming hiwalay pero may kapalit na agad ako? Masaya na agad siya sa piling ng iba samantalang ako, nag mo-move on palang. Ganun kabilis na ba talaga ako palitan?

Tinitigan ko ang mukha ng babae. She looks so familiar.

Parang nakita ko na siya somewhere else.

[Flashback]

“Hi Dave.” nakangiting bati ng babae ng lumapit siya samin.

Agad naman ako napatingin kay Dave.

“Oh, ikaw pala Angel. Nandito ka rin pala? Sino kasama mo?” nakangiting pagkakasabi ni Dave.

Nandito kami sa Mall, cini-celebrate ang 17th Monthsary namin ni Dave.

“Ah Oo, nagkayayaan kasi kami ng mga barkada ko na gumala.” saad ng babae na nag ngangalan na Angel.

Hinihintay ko na ipakilala ako ni Dave bilang girlfriend niya sa Angel na yun. Pero hindi niya yun ginawa, umalis si Angel na hindi nalalaman na ako ang girlfriend ng lalakeng kausap niya.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now