008

7 1 0
                                    

Nakakasulasok na amoy, madilim at maruming paligid ang siyang gumising sa kanina'y walang malay-tao na si Ariana. Sapo ang kaniyang ulo, inilibot ng dalaga ang kaniyang paningin sa apat na sulok ng silid kung saan siya naroroon.

Hindi mawari ng dalaga kung paano siya napunta roon, kanina lamang ay masaya silang naglalakad pauwi galing eskwela kasama ang kaniyang mga kaibigan. Sinubukan ng dalaga na tumayo mula sa pagkakahiga sa malamig na sahig ngunit napatigil ito nang mapagtantong nakatali ng kadena ang kaniyang mga paa.

Ilang sandali pa'y naramdaman ng dalaga ang pagbukas ng pintuan, iniluwa nito ang dalawang lalake na nag uusap pa. Dahil sa madilim sa loob ng silid, hindi makita ni Ariana ang hitsura ng dalawang lalake.

“O, gising na pala ang babaeng 'to. Tara! Ipaalam natin agad kay Boss”wika ng isa lalakeng may mahabang buhok, matangkad at may malaking pangangatawan.

“S-Sino kayo? Nasaan ako?”aniya habang pilit na inaalala kung paano siya napunta sa lugar na iyon. Ngunit wala siyang kahit anong sagot na nakuha mula sa dalawa. Bagkus, ay basta na lamang ito umalis.

Kahit nanghihina ang buong katawan, pinilit ni Ariana ang gumapang upang makalapit sa bintana at humingi ng tulong. Hindi batid ng dalaga kung nasaan siya ngunit batid niyang nasa piligro ang buhay niya kung hindi pa siya makakaalis. Malapit na sana ang dalaga sa bintana nang maramdaman nito ang mahigpit na paghawak sa kaniyang buhok. Napahiyaw siya dahil sa sakit na dulot nito.

“At saan ka pupunta? Tatakas ka? Hihingi ka ng tulong? Wala ka ng kawala sa lugar na 'to Hija,”wika ng lalake kasunod ng nakakalokong tawa nito.

“Bitawan mo 'ko, saan mo 'ko dadalhin?”ani Ariana habang kinakaladkad palabas ng silid.

Halos tumindig ang buong balahibo sa katawan ng dalaga nang makita ang nagkalat na dugo sa sahig, sariwa pa ang mga nito. Nangangahulugan na ang pinanggalingan ng dugo ay maaaring kapap4tay lang sa kaniya o kaya'y hindi naman ay kasalukuyang pinapahirapan.

Pinilit pa ni Ariana ang magpumiglas habang kinakaladkad ng lalake sa pasilyo ngunit mabilis din na nawalan ng malay-tao ang dalaga nang sikmuraan siya ng lalake. Matapos na mawalan ng malay-tao ay kaagad na binuhat ng lalake ang dalaga patungo sa silid kung saan naghihintay ang kaniyang Boss.

“Boss,”wika ng lalake bago inihiga sa malambot na kama ang walang malay-tao na si Ariana.

“Sige, iwan mo na kami,”aniya bago gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi nito.

Makalipas ang ilang minuto ang nagising si Ariana na nakagapos sa kamay. Sa kaniyang gilid nakita niya ang lalakeng sa tingin niya ay nasa 40's pa lang, nakasuot ng half mask at nakangisi sa kaniya, binalot ng kaba at takot ang dalaga nang makita ang nakakalokong ngiti sa labi ng lalake.

“Maawa ka sa akin, pakawalan mo na ako. Gusto ko na umuwi sa amin, hinahanap na ako nila Mommy at Daddy.”Nang gigilid ang luhang pakiusap ni Ariana sa lalake. Ngunit tinawaman lamang siya nito.

Makalipas ang ilan pang sandali, natagpuan na lamang ni Ariana ang kaniyang sarili na naliligo na sa kaniyang sariling dugo. Napatingin ang dalaga sa kaniyang reflection sa salamin, halos hindi na niya makilala ang kaniyang sarili dahil punong-puno na ng sugat ang kaniyang noon ay makinis na balat. Ang puti nitong uniporme ngayon ay napupuno na ng bahid ng dugo.

Halos ikamatay na ng dalaga ang sakit na dulot ng mga sugat nito sa katawan ngunit hindi pa pala tapos ang lalake sa pagpapahirap sa kaniya. Lingid sa kaalaman ng lalake na napapalibutan na ng awtoridad at mga pulis ang gusali kung saan dinala si Ariana, dahil nakahingi agad ng tulong ang mga kaibigan ni Ariana nang dukutin ito tatlong oras na ang nakalilipas.

“M-Maawa ka sa akin..”umiiyak na pakiusap ng dalaga.

“I have no mercy.”

Muling inihiga ng lalake ang nanghihinang si Ariana sa kama bago ito pinagsamantalahan. Nang matapos angkinin ang kaawa-awang dalaga, ay basta na lamang itong pin4tay ng lalake.

“Anong ginawa mo sa sarili mong anak, Julius!!”Awtomatikong nabitawan ng lalake ang hawak na baril na siyang tumapos sa buhay ni Ariana nang marinig ang pamilyar na boses ng babae.

Unti unting lumingon si Julius, nakita niya ang dating asawa na nakaluhod na habang nakatingin sa walang buhay na si Ariana. Sa likod ng dating asawa ay ang mga pulis na may hawak na baril at nakatutok ito sa direksiyon niya.

Muling nilingon ni Julius ang dalagang nakahandusay sa kaniyang kama, nilapitan niya ito at nakita ang pamilyar na kwintas na suot nito. Ang kwintas na iyon ay regalo pa niya noon sa anak noong ika-7th birthday nito. Lihim lamang niyang pinabigay sa kaniyang anak ang kwintas dahil ayaw niyang magpakita rito buhat nang maghiwalay sila ng ina nito.

Napasigaw na lamang si Julius sa labis na paghihinagpis, puot at pagsisisi nang mapagtanto na ang dalagang kaniyang pinagsamantalahan at pinatay ay walang iba kundi ang kaniyang sariling anak.

END
✍🏼: pinkishrose02

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Donde viven las historias. Descúbrelo ahora