I PRANKED HIM

65 0 0
                                    

I PRANKED HIM
📝: pinkishrose02

“WALANG HIYA KA! PAANO MO NAGAWA SAKIN 'TO STEVEN!!” Malakas na sigaw ko sa boyfriend kong si Steven na halata naman nagulat dahil sa biglaan kong pagsulpot sa likuran niya. Abala siya noon sa paglalaro ng online games sa cellphone niya ngunit natigilan ng gumawa ako ng eksena.

“F-Faith, a-ano bang----” Hindi ko na siya pinagsalita pa at agad ko na siyang sinampal. Kailangan maging makatotohan ang pag-arte ko, para saan pa at nag aral ako noon sa Acting workshop tapos mahahalata lang niya na pina-prank ko lang siya diba?

“Steven minahal kita, lahat binigay ko sa'yo. Ni hindi na nga ako nagtira para sa sarili ko tapos magagawa mo pa akong lokohin!?” Umiiyak na saad ko habang hinahampas-hampas ko ang matipuno niyang dibdib, banat na banat ang pangangatawan niya dahil sa palagiang pag gi-gym.

“Faith..”

“Sabi mo sakin noon ako lang? Noong nilagawan mo 'ko, bago kita sagutin, nangako ka sakin na hindi mo 'ko sasaktan, tapos...” Kailangan maging makatotohanan ang pag arte ko kaya kunware ay napaupo na ako sa sahig habang sapo-sapo ko ang dibdib ko at umiiyak. Gustong-gusto ko ng tumawa pero pinipigilan ko, ayaw ko maging failded ang prank kong ito.

“Faith, mahal na mahal kita.” Naupo na si Steven sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang braso ko habang ako nananatiling nakayuko. I was about to tell him na prank lang 'to nang muli siyang magsalita.“...Pero hindi ko inakalang babalik si Pia, sinubukan ko naman na 'wag siyang intindihin. Pero nahirapan ang puso kong gawin 'yun.” I paused for a moment, si Pia? Sino si Pia? P*ta! Nag angat na ako ng ulo at naguguluhang tumingin kay Steven.

“A-Anong ibig mong sabihin?”

“Faith, I'm still inlove with my ex. Alam kong mali ito, but I still love Pia. I'm so sorry kung hindi ko agad 'yun sinabi sa'yo.” Sincere na saad ni Steven, this time. Hindi na totoo ang bawat luhang pumapatak mula sa aking mata, hindi narin pag iinarte ang kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko.

“Are you pranking me?!” Mataas na tono ng boses ko ngunit umiling si Steven.

“Faith I'm so sorry, I didn't mean to hurt you.” Mahinahong saad ni Steven.

“Pero sinasaktan mo na 'ko ngayon Steven! Nakipagbalikan ka sa ex mo dahil lang sa nagbalik siya? Paano naman ako? Paano naman ako?!”

“I'm really sorry, pero hindi lang dahil sa mahal ko pa si Pia kaya ko siya babalikan. Buntis si Pia, magkakaanak na rin kaming da----” Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ni Steven mula sa akin, pakiramdam ko ay minamartilyo ang puso ko sa mga sinasabi niya. Hindi lang niya ako pinagtaksilan, binuntis niya pa ang babaeng 'yun?!

Nang oras din na iyon ay agad akong umalis habang tuloy sa pag agos ang mga luha ko. Hindi ko na kailangan hintayin pa na sabihin sakin ni Steven na maghiwalay na kami, dahil doon narin ang tuloy ng nangyayari ngayon. Nabuntis niya ang ex niyang si Pia, at sigurado akong hindi ako ang pipiliin ni Steven kahit pa papiliin ko siya.

I pranked him, pero ako pala ang totoong naloko. Kung hindi ko pa pinlanong i-prank siya, hindi ko pa malalaman na matagal na pala niya akong niloloko at ng Pia na 'yun. Mga hay*p sila!!

“Tulala? Ayos ka lang?” puna sakin ni Joyce, nandito ako sa bahay nila ngayon naglalabas ng sama ng loob.

“Wala na kami.” nakayukong saad ko.

“Sino?” pagtataka niya, nag angat ako ng ulo at tinignan siya ng seryoso.

“Wala na kami ni Steven.” sagot ko sabay punas ng luha. Ngunit imbes na maki-simpatya sakin si Joyce, narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa.“Bakit natatawa ka?”

“Gaga ka ba Faith? Nakakalimutan mo bang NBSB ka? 'Yan, kaka-wattpad at kakapanood mo 'yan ng mga K-Drama kaya sobrang lakas na ng imagination mo. Feeling broken? Eh wala ka ngang jowa, ewan ko sa'yo.” I rolled my eyes.

“Nagpa-practice lang naman eh.” saad ko.

Yung about kanina, nabasa ko lang 'yun sa isang wattpad story. Then I imagined myself na ako 'yung character na babae. HAHAHAHAHAHAH

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Onde as histórias ganham vida. Descobre agora