THE GIRL

124 8 0
                                    

“THE GIRL”

Sem-break na kaya nag decide kami ng apat na kaibigan ko na mag swimming.

Habang nasa biyahe may nakita kaming batang babae na nasa edad 6 to 9years old siguro. Puro putik ang puting damit na suot niya, may hawak din siyang plastic cup sa kaliwang kamay niya habang ang isang kamay niya ay may hawak na mahabang patpat. Namamalimus siya sa tabi ng kalsada.

“Stop!” utos ko sa driver ng kotse na kaibigan din namin na si Keith.

“Bakit?” sabay sabay nilang tanong.

“Kawawa naman kasi yung batang babae.” malungkot na pagkakasabi ko sabay turo sa bata.

“Hayaan mo na yan, baka modus lang yan ng mga sindikato ngayon.” inis na pagkakasabi ni Jannah.

“Pero nakakaawa parin.” pagpupumilit ko.

“So ano gusto mong gawin natin?” tanong ni Thea.

“Bababa ako saglit, aabutan ko lang kahit kunting pagkain. Sayang kasi 'tong mga pagkain na dala natin sobrang dami eh apat lang naman tayo.” sagot ko.

Agad nga ako bumaba ng kotse saka lumapit sa batang babae. Dala ko ang isang supot na naglalaman ng iba't ibang klaseng pagkain.

Nang makalapit na ako sa batang babae upang iabot ang dala ko, bigla nalang umihip ang malamig na hangin dahilan para kilabutan ko.

“Salamat po ate.” magalang na sagot ng bata, pero ang boses niya ay tila nanggagaling sa hukay.

“Ah y-your welcome.” nauutal kong sagot.

Nang makuha niya na ang pagkain na dala ko ay kaagad din siya tumalikod. Agad din naman ako tinawag ng mga kaibigan ko.

“Sandali.” sagot ko, agad ko nilingon ang bata pero mabilis na siyang nakaalis.

Agad na nga ako bumalik sa kotse at nagsimula narin ni Kieth paandarin ang kotse.

Sa kalagitnaan ng aming biyahe ay napansin namin na medyo traffic na.

“Anong meron?” sabay sabay naming tanong.

Nang makalagpas kami sa pinagmululan ng traffic nakita namin ang kupol na mga tao na nakiki-usosyo.

Agad ko binuksan ang bintana malapit at dumungaw.

Nanglaki ang mga mata ko at halos balutin ako ng takot ng makita ko ang nakahandusay sa sahig.

Isang batang babae na nakakulay puting damit. Sa pagkakaalala ko, siya yung batang binigyan ko ng pagkain kanina.

Pero paano nangyaring nakahiga siya dito ngayon sa sahig at tila wala ng buhay. Kung gayun, sino ang batang babae kanina.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now