I MET HIM THROUGH INTERNET

69 9 0
                                    

"I MET HIM THROUGH INTERNET"

"Ikaw, ang ganda ganda mo naman pero bakit ganyan ang profile mo sa mga social media mo? Bakit kailangan mo gumamit ng ibang picture? Anime pa." puna ni Sabrina sakin habang tiningnan niya ang Instagram at Facebook account ko.

"Akin na nga yang cellphone ko." seryosong pagkakasabi ko sabay hablot sa kamay niya ng cellphone ko.

"Kaya hindi ka nagkaka-jowa eh. Kasi ang iniisip nila poser 'tong account mo. Mag post ka man lang kasi ng kahit isang picture mo." sermon ni Sabrina sakin.

"Nagpo-post naman ako ah. Saka hindi ko naman ginawa yung mga social media account ko para makahanap ng jowa 'no. Masaya ako kahit single ako." paliwanag ko.

"Nagpo-post ka nga ng picture mo, pero ang kita lang sayo kundi kamay mo eh yung paa mo lang. At kung nasa mood ka naman, mata mo lang." sarcastic na pagkakasabi ni Sabrina.

"Bakit ba gigil na gigil ka sa accounts ko? Eh yun yung gusto ko." sarcastic ko naman sagot.

Hindi nalang kumibo sakin si Sabrina.

Kasalukuyan ako nakikinig ng music habang nakasandal ang ulo ko sa saradong bintana ng sinasakyan kong bus, nang may mag notif sa Facebook ko.

Kaagad ko nga 'to tinignan sa pag aakalang may chat message sakin si Sabrina.

Pero isang friend request mula sa isang lalake ang nakita ko.

Agad ko inistalk ang timeline niya. Pero tulad ko, wala rin siyang kahit anong picture doon. Maliban sa dalawang profile picture niya ng isang cute na pusa, isang cover photo at puro shared post lang.

Hindi ko muna in-accept hinayaan ko lang.

Magla-log out na sana ako ng may mag message request sakin.

Tinignan ko nga ito agad, at galing sa nag sent sakin ng friend request ang message.

"Hello." - Harold.

Automatic kong in-accept ang message request niya.

Pero sineen ko lang, hanggang sa mag chat siya uli.

"Keep safe always." - Harold

"Thank you, same to you." reply ko.

Agad ko tinungo ang Friend Request niya saka siya in-accept.

At nakita ko agad ang post niya matapos ko siyang i-accept.

"She finally accepted my friend request. Thanks G!" yan ang post niya.

At wala pang isang segundo, nag react ka agad siya ng 'Love' sa lahat ng post ko. Kahit nakakatawa yung post ko naka 'Love' react.

"I chat you later, malo-lowbat na kasi ako. Bye." chat ko sakanya kahit hindi naman talaga ako malo-lowbat dahil 86% pa ang percentage ng battery ng phone ko at may dala rin akong powerbank.

Pag uwe ko sa bahay saka ko binuksan ang Facebook ko at bumungad sakin ang tambak na message galing kay Harold.

"40+ message?!" gulat na reaction ko matapos makita ang message niya.

Agad ko nga yun binuksan.

"Wala ka bang ibang ka-chat kaya ako yung tinatadtad mo ng message?" chat ko sakanya.

Pag ka send ko palang ng message ko ay sineen niya agad, at agad na nag reply sa chat ko.

"Buti naka-online ka na, namiss kita agad." chat niya with heart emoji.

"Ganito ka ba sa lahat ng ka-chat mo?" reply ko sa chat niya.

"Hindi, sayo lang." agad na reply niya.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now