LIGHT UP THE SKY

36 0 0
                                    

LIGHT UP THE SKY

2022

CATHERINE's POV

“Footprint ba ‘to ng aso?” Kaagad na tanong ni Madison sa akin nang mapansin nito ang tila footprint ng aso sa may bandang pintuan nitong bahay.

“Oo nga ‘no, ang cute.” Nakangiti ko naman tugon at tumuloy na sa loob.

Kapwa kami interior designer ni Madison. At ang bahay na ito nga ang first project namin ngayon taon.

“Sinadya kaya ‘to or aksidenteng natungtungan? But in all fairness, ang cute ah.” aniya.

“Baka sinadya, tignan mo. May date pa, 08.05.07. So, 15years na ang footprint na ‘yan,” saad ko nang muling sipatin ang footprint. May date kasi sa gilid ng footprint, siguro iyon ang araw kung kailan iyon natapakan. Matagal na rin pala.

——

“Ano ba hinahanap mo? Kanina mo pa kinakalkal iyang bag mo.” Nagtatakang tanong sa akin ng kaibigan ko.

“Iyong wallet ko nawawala,” tugon ko habang patuloy sa paghalughog ng laman ng shoulder bag ko. Nasa biyahe na kami pabalik sa opisina nang mapansin ko na nawawala pala ang wallet ko.

“Wallet mo? May lamang pera ba ‘yon? Magkano?” Magkakasunod na tanong ni Madison.

“Wala naman kaso alam mo naman na may sentimental value sa akin ‘yung wallet na ‘yon ‘di ba? Regalo pa sa akin ‘yon ni mommy before she died.” sagot ko.

“Saan ba nawala? Kanina pa ba nawawala?” tanong muli ni Madison.

“Hindi ko nga alam kung saan nawala. Hindi kaya sa bahay na pinuntahan natin? Bumalik kaya tayo roon. Baka sakali andoon pa 'yung wallet ko.” sagot ko.

“Okay sige.” agad na sagot ni Madison at saka kami nag u-turn.

Agad namin binalikan ang bahay na project naming dalawa as interior designer. Umaasa ako na mababalikan ko ang wallet, sana naman mabalikan ko pa. Hindi na nga ako binalikan ng ex ko, pati ba naman ‘yung wallet ko? Huwag gano'n. Joke lang, wala pala akong ex.

'Yung bahay na project namin ni Madison is itinayo noong 2005, marami daw memories sa bahay na 'yon sabi ng may-ari kaya naman imbes na ibenta o gibain. Mas minabuti nilang ipa-renovate na lang ito. At kami nga ni Madison ang napili ng company na maging interior designer nito.

“Oh bumalik kayo. May nakalimutan ba kayo?” Mahinanon na tanong sa amin ng may-ari ng bahay—Mrs. De Guzman na nasa edas singkwenta pa lamang.

“Meron nga po Mrs. De Guzman. Iyong wallet kasi ng kaibigan ko, naiwan niya po yata rito. May napansin po ba kayong wallet na kulay yellow then may maliit na key chain na teddy bear?” Magalang na pagkakasabi ni Madison.

“Naku! Pasensiya na, wala akong nakita eh. Pero huwag kayo mag alala, kapag naglinis ako at nakita ko 'yon ay kaagad ko na ipapaalam sa inyo.” Nakangiting pagkakasabi ni Mrs. De Guzman.

“Okay po, sana nga po mahanap ninyo. May sentimental value po kasi sa akin ang wallet na 'yon.” Malumanay na sabat ko at aagad na rin kami umalis ni Madison.

Nakabusangot ako na sumakay ng kotse ng kaibigan ko dahil iniisip ko pa rin kung saan ko nga ba naiwala ang wallet ko. Kanina lang bago kami nagtungo sa bahay ni Mrs. De Guzman ay nasa bag ko pa iyon, kaya nasisiguro akong doon lang 'yon nawala. Marahil ay nahulog sa sulok ng bahay kaya hindi agad napansin.

2007

DAVE's POV

Nag aayos na ako ng mga gamit ko upang makauwi na ng maaga nang makita ko ang isang wallet sa sahig. Sa itsura at kulay ng wallet, nakatitiyak ako na babae ang may-ari nito.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora