TELL ME A LIE

49 4 0
                                    


"TELL ME A LIE"

"Kailan ang balik mo rito sa Manila?" ani Maureen nang sagutin ko ang tawag niya.

"Bukas pa," tugon ko.

"Sila Clyde pabalik na rito sa Manila, bakit ka nagpaiwan d'yan?" Pagtataka ni Maureen.

Narito ako ngayon sa isang Plaza sa bayan ng San Andres matapos na mag out of town kaming magkakaibigan, 3days lang dapat kami rito pero minabuti kong mag stay for another 2days dahil may gusto akong makita, may gusto akong puntahan kahit batid kong ayaw niya na akong makita.

"Pinauna ko na sila," saad ko habang nanatili akong nakaupo sa Bench at nililibot ang aking mata. Nagbabakasakaling masulyapan ko siya.

"Eh bakit nga? may gagawin ka pa ba d'yan?" Labis nang pagtataka ni Maureen kaya napangisi na lamang ako.

"Remember him?" panimula ko."The man I used to love. The man who used to be mine," patuloy ko pa.

"OMG! Taga San Andres ba 'yon si Vincent?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Maureen mula sa kabilang linya.

"Oo, taga rito siya. Pero sa lawak nitong San Andres, hindi ko alam kung saan ko siya sisimulang hanapin. I badly want to see him for the first and last time," saad ko.

"C'mon Louise, sinasaktan mo lang sarili mo eh. Move on na baby, may sariling pamilya na 'yung tao eh," ani Maureen.

We've been together for seven years. And yes, we love each other so much. Almost perfect na ang love story namin. Legal both side, supportive ang parents namin sa relasiyon naming dalawa at gano'n din ang mga kaibigan namin. Planado na ang lahat noon pa man. Bahay, kung ilan ang gusto namin maging anak, pangalan ng magiging anak namin, after ng kasal ay pupunta kami sa Maldives dahil doon namin gustong mag-honeymoon at gusto rin namin mag travel around the world kasama ang magiging anak namin.

Pero may bagay talaga na kahit gustuhin man natin, if hindi 'yon ang gusto ni God ay wala tayong magagawa. Dahil sabi nga nila, God has a better plan for us. On the day before our 7th Anniversary, nagkaroon kami ng misunderstanding ni Vincent. Isang misunderstanding na nauwi sa pagtatalo hanggang sa tuluyan na nga kami naghiwalay. Ok naman ang relasiyon namin noon even though we are too far from each other, yes LDR kami ni Vincent. That time kasi ay nasa Switzerland pa kami nakatira ng Family ko, dahil sinama kami roon ng step-father ko. Sa social media nagsimula ang love story namin dalawa at doon din 'yon natapos. We decided to broke up na hindi man lang natutupad 'yung isa sa kahilingan ko, ang mayakap siya nang mahigpit kapag nagkita kami.

Year 2019 when we decided to end our relationship dahil hindi na ito tulad ng dati. Wala na 'yung dating tamis ng pagmamahalan namin, wala na 'yung excitement sa tuwing nag-uusap kami through video call and chats, yes we fell out of love. 2years later after we broke up, nakiusap ako sa step-father ko na gusto ko magtungo rito sa Pilipinas at pinagbigyan niya naman ako though, tutol si Mommy kasi parang alam niya na ang rason kung bakit ko gustong umuwi ng Pilipinas.

Akala ko noon, sa nakalipas na dalawang taon ay naka-move on na ako. But I was wrong, dahil nang mabalitaan ko na ikinasal na si Vincent sa ibang babae at may anak na rin sila, labis akong nasaktan. I love him, I still love him.

Matapos ang pag-uusap namin ni Maureen ay sinubukan kong hanapin sa contacts ko ang numero ni Vincent. Walang kasiguraduhan kung 'yon pa rin ang gamit niyang numero pero tatawagan ko pa rin 'yon.

Matapos kong i-dial ang numero ni Vincent ay huminga ako ng malalim, nananalangin na sana hindi pa siya nagpapalit ng numero.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mag-ring ang nasa kabilang linya. At mas lalo pa itong bumilis nang sagutin na ang tawag ko.

"Hello, sino 'to?" Matapos kong marinig ang boses na iyon ay bigla na lamang pumatak ang luha sa aking pisngi."Hello.." muling saad ni Vincent.

"V-Vincent," sambit ko.

"Sino 'to? Bakit mo 'ko kilala Miss?" ani Vincent.

"Ako 'to. Si Louise," saad ko at abot-abot pa rin ang kaba sa aking dibdib.

"L-Louise?" aniya.

"Ako nga, kumusta kana?" saad ko habang pilit na pinipigilan ang muling pagpatak ng luha ko.

"Ba't napatawag ka?" seryosong tinig ni Vincent.

"P'wede ba tayo magkita? Nandito ako ngayon sa San Andres," saad ko ngunit wala man lang tugon si Vincent."Alam kong may sariling pamilya ka na rin ngayon, pero gusto lang kitang maki---"

"May gagawin pa 'ko, ibaba ko na 'to," matabang na saad ni Vincent.

"Please Vincent, after nito hindi na ako mangungulit sa'yo," pakiusap ko.

"Ok, saan tayo magkikita?" ani Vincent kaya naman awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko.

"Nandito ako sa Plaza, I'll wait you here. Thank you for granting my wish," saad ko at hindi ko na narinig pang sumagot si Vincent.

Hindi ako mapakali, abot-abot din ang kabog sa dibdib ko. Ang kamay ko ay nanginginig sa magkakahalong emosiyon. Kaba, takot at labis na galak, ito ang unang beses na magkikita kami ni Vincent.

Tinext ko na rin si Vincent kung saan ako banda nakaupo at kung anong kulay ng damit ko para hindi na siya mahirapan na hanapin ako.

Ilang saglit pa nga...

"Louise." Halos tumalon ang puso ko nang marinig ko ang pag tawag sa pangalan ko. Napalunok pa ako ng sarili kong laway bago ko siya unti-unting nilingon.

Nang magtama ang mga mata namin ni Vincent ay nanumbalik ang libo-libong alaala na pinagsaluhan namin sa nakalipas na pitong taon.

[FLASHBACK]

"Kapag nagkita tayo, I will hug you tight talaga. Mga isang oras gano'n," natatawang saad ni Vincent habang ka-video call ko siya.

"Baka naman hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap mo," natatawang tugon ko.

"Hindi naman. Ah basta, yayakapin talaga kita," ani Vincent kaya bahagya na lang akong napangisi.

"Kahit anong mangyari, I promise you na magkikita tayong dalawa. Maybe not now, but in God's perfect time and when the time comes, I will hug you tight too na parang wala ng bukas," saad ko.

[END OF FLASHBACK]

"Totoo ngang nandito ka," ani Vincent na diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Like what I promise to you years ago," saad ko saka ko pinilit na ngumiti.

"Ito ba ang sinasabi mong God's perfect time?" sarkastiko niyang tanong sa akin.

"Vincent..."

Nagulat na lang ako nang hilahin ni Vincent ang kamay ko palapit sa kaniya kasunod nito ay ang mahigpit niyang pagyakap sa akin. Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong humahalik sa pisngi ko.

Halos tumagal din ng ilang minuto ang mahigpit na yakap sa akin ni Vincent bago kami nagpasiyang kumalas sa yakap ng isa't isa.

"I'm sorry kung ngayon ko lang natupad 'yung----"

"Tell me a lie, Louise." Pagputol ni Vincent sa pagsasalita ko.

"V-Vincent..."

"Just tell me a f*cking a lie," giit niya.

"I don't love you anymore," sambit ko kasunod nang muling pagpatak ng luha ko na agad naman niyang pinunasan gamit ang daliri niya.

"I'm so sorry Louise. Sorry kung hindi ko natupad lahat ng pangako natin sa isa't isa noon," sinserong saad ni Vincent.

Ngumisi ako at hinawakan ang kamay ni Vincent bago ako nagsalita,"Some things happens for a reason. May bagay na kahit parehas nating gusto, kung hindi 'yon ang plano ni God para sa atin ay hindi rin 'yun mangyayari. Ngunit masaya ako sa pagkikita nating ito. I want to tell you a lie for one last time, I already stop loving you."

THE END

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now